PART THIRTY-ONE

6.8K 280 61
                                    

I'M NOT YOUR KUYA

PART THIRTY-ONE

.

Hindi ako makatulog.

Nasa tabi ko ang anak at mahimbing na natutulog. Tiningnan ko ito at hinaplos ang bilugan nitong mukha.

"Sobrang gwapo mo anak." Bulong ko na may ngiti sa aking labi.

Hindi ako nakaramdam ng hirap sa lahat ng pinagdaanan natin dahil nandyan ka. Pinatatatag mo aking loob.

Kinumotan ko ang anak saka bumangon. Tiningnan ko rin ang oras. 12:30am.

Paniguradong mahimbing na ang tulog ng mga tao rito, lalo na at may kasiyahan kanina. Pagod kaya mahimbing ang tulog nila, ako lang itong hindi makatulog dahil binabagabag ng mga tanong sa isip.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para lumabas. Kukuha ako ng maiinom na gatas sa kusina, baka sakaling makatulog.

Suot ang manipis, color maroon, silk nightdress, nanuot sa aking balat ang lamig mula sa Aircon sa labas. Dumagdag pa rito na wala akong suot na panloob maliban sa aking panty. Naiyakap ko ang mga braso sa sarili dahil sobrang lamig.

Dahan-dahan rin ang kilos ko palakad papuntang kusina namin. Hindi ko na inabalang magbukas ng ilaw sa sala bagkus iyong ilaw sa kusina lamang ang aking binuksan. Ayokong maabala pa ang mga kasambahay dahil masyado silang maraming ginawa ngayong araw.

Binuksan ko agad ang refrigerator at kinuha ang kahon ng gatas, ibinuhos ko ito sa hawak na glass at agad na ininom iyon. Nang maubos ko iyon, tiningnan ko pa ang basong hawak.

"Sarap." Bulong ko.

"There is something even more delicious than that."

Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Hinding hindi ako magkakamali dahil kilala ko ang may ari ng boses na iyon.

Nash...

Muling sumibol ang tibok ng puso ko.

Akala ko ba ay umalis sila ng kaniyang pinsan kanina? At hindi dito mags-stay?

Tiningnan ko siya at kung ano suot niya kanina ay ayon pa din.

So umuwi siya rito?

Tss, bakit pa. Pwede naman siyang huwag ng bumalik, pinapahirapan lang niya ang sarili.

Hindi ko siya pinansin at nagmadali nalang na mahugasan ang pinaginuman na baso para wala ng lilinisan kinabukasan. Pagkatapos ay nagmadali na akong naglakad, nilagpasan ko lang siya.

Ngunit bago ako makalagpas ng tuluyan, hinawakan ako nito sa braso at ibinalik sa pwesto ko paharap sakaniya.

"Ano ba." Inis ko hinila ang pagkahawak niya sa braso ko. "Kailangan ko ng bumalik sa kwarto at baka… magising ang anak k-ko."

Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko ng hawakan niya ako kanina. For five years, ngayon ko nalang ulit naramdaman iyon, siya lang may tanging kakayahan na makagawa niyon sa akin.

Kailangan ko ng makaalis dito,tiyak na hindi lang ito ang mararamdaman ko kung magtatagal pa na kaharap ko siya at kaming dalawa lang.

Lalagpasan ko nalang ulit sana siya ngunit ang katawan niya naman ang iniharang. Napatigil muli ako sa paghakbang.

"Not so fast, Sophia." Mahina, mahinahon ngunit ramdam ko sa kanyang mga tingin ang pagbabaga nito.

Pakiramdam ko napapaso ako sa mga tingin na iyon kapag pinapantayan ko ng tingin. Sobrang lapit niya pa sa akin kaya medyo lumayo ako. Hindi ako makahinga sa ganitong posisyon namin. Kahit noon, ganito na ako sakaniya, paano pa kaya ngayon na sobrang tagal naming nagkalayo tapos sa isang iglap, ito na siya. Nasa harapan ko.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon