PART TWENTY-SEVEN

4.5K 153 12
                                    

PART TWENTY-SEVEN

.

"Congrats baklaaaaa!" Sigaw ni Raraff na nakaawang pa ang mga braso, animo'y yayakap sa akin.

Masaya kaming nagyakapang magkakaibigan matapos ang seremonya ng aming graduation. Sinalubong nila ako ng isang mainit na yakap.

"Congratulation couz. Sa wakas graduate kana." Nakangiting bati naman sa akin ng pinsan kong si Apple.

Yup. Graduation day ko ngayon.

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi saya lang.

For all hard times na napagdaanan ko sa pagaaral, ngayon ko masasabing worth it lahat.

Puyat, gutom at pagod ay sulit. May mga problema din akong hinaharap pero lahat iyon ay nalagpasan ko.

"Mommy!" Nakangiti akong lumingon sa matinis na boses na iyon mula sa aking likod.

"Savo..." Nanggigigil kong niyakap at binuhat ang limang taong gulang kong anak. "Ang bigat na ng baby ko, pakiss nga si mommy." Sabi ko sakaniya at ngumuso sakaniya.

Tumalima naman ang bata saka humagikgik. Natawa ako ng tuluyan sakaniya.

Siya ang dahilan kung bakit naabot ko lahat ng ito ngayon. Ginawa kong inspirasyon ang aking anak.

"Where's your Dada?" Tanong ko sakaniya.

Sasagot palang sana ang bata ngunit nakaramdam ako ng munting halik sa aking pisngi. Dahilan ito para harapin ang lalaki sa aking likod.

"Bakit mo naman binuhat si Gustavo, ang bigat-bigat na ng batang yan." Sabi nito saka inagaw sa akin ang bata.

"I want my mommy!" Sigaw naman ng anak ko na masama ang tingin sakaniya. Ang tulis rin ng nguso nito.

Hinaplos ko naman ang pisngi nito at ginulo ang kulot na buhok. "Mamaya nalang ulit baby ha. Magugusot ang damit ni mommy oh." Saka ko itinuro ang suot suot kong toga.

"Okay." Mahina nitong sagot pero nakanguso pa rin.

"Ang ligalig ng anak mo..." Komento ng may hawak kay Savo at nakatingin sa aking anak. "Manang mana sa ama." Nakangisi pang dagdag nito.

Nawala ang ngiti sa aking labi ng madinig ko iyon sakaniya.

"Justine..." Pagtitigil ni Apple sakaniya dahilan para lumingon ito sa akin.

Natauhan naman ito sa nabanggit at agad na lumapit sa akin. "I'm sorry." Bulong niya.

Agad ko naman binalik ang ngiti sa akin saka siya hinaplos sa braso. "It's okay..." Tumingin ako sa aking anak na nilalaro ang kwelyo ni Justine. "It's been 5 years since the last time I saw him. Okay na ako ngayon, promise." Nakangiti kong baling sakanilang lahat para iparating na wala na sa akin iyong mga masasakit na napagdaanan.

Matapos kong iluwal ang sanggol, naituon ko ang buong atensyon sakaniya. Inisip ko ang mas nakakabuti para sa kalagayan ng anak ko noong mga panahon iyon, kaya naman hindi ko namamalayan ang mga oras at panahon na onti-onti nakong nakakaahon sa lalim ng pagmamahal ko sa taong iyon.

I remembered before, I was so wasted every day and night thinking about him, thinking when he will read my last message.

MUGTO ANG MGA MATANG NAKATITIG PA RIN AKO SA AKING CELLPHONE.

Magiisang buwan na akong nag aantay ng call mula kay Nash, pero hindi pa rin siya nagrerespond.

Sobrang emotional ko sa mga panahong ito dahil na rin siguro sa buntis ako. Pasalamat na lamang ako sa may kapal na may roon akong mga kaibigang kahit busy ay nagbibigay oras para dalawin ako rito sa bahay. Masyado silang concern sa aking pagbubuntis, pati si Justine ay hindi ako pinapabayaan.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon