PART FOURTHEEN

7.9K 244 79
                                    

I'M NOT YOUR KUYA

-

PART FOURTEEN

.

"Lala, it's your kuya's birthday. Hindi ka ba kasama sa outing nila?"

Napaangat ako ng tingin kay mommy ng bigla niya iyong tinanong sa akin. Nasa hapagkainan kasi kami at paalis na naman sila para mag trabaho.

"Nag paalam nga pala ang kuya mo sa amin na may outing sila kaya hindi na maghahanda dito dahil ayaw niya." Dagdag ni Daddy.

Napatingin ako sakanila pareho.

Outing? Hindi ko alam yon.

"Hindi ko po alam na may outing sila kuya." Sabi ko at nagbaba ng tingin, natatakot pa rin ako na makipagtitigan kila mommy at daddy ng matagal, natatakot akong baka may mabasa sila sa reaksyon ko.

"Akala ko ba okay na kayo? Naguusap na kayo noon diba?" Tanong ni mommy at tumango lang ako. "Bakit hindi ka man lang sinama? Sandali at aking kakausapin-"

Mabilis akong napatingin kay mommy at pinigilan siyang tumayo. "Mommy wag na po. Baka po kasi... B-bonding ng magkakaibigan lang po iyon."

"Oh? Ganon ba?" Tanong muli nito at nagpatuloy sa pagkain.

"Dapat isinama ka nalang ng kapatid mo dahil wala kang kasama dito." Seryosong sabi ni Daddy na nakapag pakaba sakin.

Ayokong nagiging seryoso si daddy dahil natatakot ako. He is the old version of kuya. Magkahawig sila at halos kapareho pa ng ugali.

"Okay lang po ako daddy. Marami naman po akong gagawin e." Sagot ko nalang kahit na tapos na talaga ako sa lahat ng schoolworks.

Ayokong makausap nila si kuya nang dahil sakin. Matagal na kaming hindi ulit naguusap at baka kung ano anong masasakit na salita na naman ang makuha ko mula sakanya. Baka kung ano anong kasinungalingan na naman ang sabihin niya sakin. Ayoko na ulit makinig o kahit makita siya.

Natapos ang breakfast namin at umalis na nga ang aking magulang para magtrabaho. I am here at our house laying in my bed again. I don't have anything to do right now and it's boring. Matutulog nalang sana ako pero tumunog ang cellphone ko.

Chineck ko iyon at nakita kong si Justine ang tumatawag. Sinagot ko naman ang tawag.

"Hello?" Sagot ko.

"Lala, how are you?" Masigla nitong tanong.

"I'm fine naman po." Bigla akong napatikhim. Hindi talaga ako sanay na hindi siya ginagalang. Sanay kasi ako na kuya ang tingin sakanila. "Bakit ka pala napatawag?"

"Yayayain kita syempre." Natatawa nitong sagot.

Naalala ko bigla iyong Amusement park na napuntahan namin. Bigla akong naexcite sakaniyang sinabi kaya napabangon agad ako.

"Talaga? Saan?" Excited kong tanong.

"Resort naman. Dito sa Laguna." Bigla ay nagseryoso ang boses nito. "Birthday ni Nash at bigla nalang kaming niyaya. I know your not okay with your brother but I already confronted him. Nagalit ako syempre, pero sabi niya, away kapatid lang iyon. Nagtampo ka lang daw dahil hindi siya nagpaalam na magsasarili na siya ng tirahan."

I was silent the whole conversation while listening to him. My anger towards my brother wants to burst because he lied to his friends. He is a great liar! Nagtampo? Nagtampo lang ba ang tingin niya sa pang bababoy niya sakin?

"Bakit mo ko niyaya doon? Baka magalit lang siya sakin kapag... n-nandon ako." Mahina kong sabi.

"Hindi. Nakapag paalam na ako. Sinabi ko na yayayain kitang sumama dito dahil for sure wala kang kasama diyan sa inyo bukod sa maid. Tutal birthday naman niya, kailangan niyo ng magkaayos. Pangit tingnan sa magkapatid yung nag aaway at kaya naman ganon ka protective sayo yung kapatid mo pagdating sa amin kasi ayaw ka niyang masaktan. Dahil karamihan naman talaga sa mga kaibigan namin ay babaero." Mahina pa itong natawa.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon