PART TWENTY-SIX

5K 182 14
                                    

PART TWENTY-SIX

.

Hindi kami magkapatid.

Ang taas ng kumpyansa kong magkakaayos na kami, na tatawagan niya ako pagkalapag niya sa US.

Ang saya-saya ko sa mga impormasyong nalaman ko... But why I'm crying right now?

Why he didn't answer my calls?

When I texted him the message, I waited for a day, but there's no call at all.

Kaya ako na iyong tumawag sakaniya.

Pero bakit ganon?

Palaging out of reach siya?

Binago niya ba ang kaniyang number?

Hindi ako titigil, hindi ako mawawalan ng pag asa. Pagkakataon na ito kaya bakit ko sasayangin? Kahit araw-arawin ko pang mag text or mag message sakaniya gagawin ko.

Nanlalabo ang mga matang tiningnan ko ang phone na namatay na naman dahil out of reach.

Halos malowbat na aking phone, pero hindi ako susuko.

Bumuntong hininga ako at nagpunta sa aking Facebook account. Sinearch ko ang kaniyang account, ngunit unti-unti akong pinipilas ng makitang walang lumalabas na name niya sa aking phone.

"N-nag deactivate siya ng account?" Mahina kong tanong. "Or he block me?"

Napapikit ako dahil sa kakaisip.

Ayoko ng mahirapan please...

God, I know You are there, watching us. Please, I'm begging You... Stop this pain. I don't wanna feel it again. I'm tired...

Agad akong napamulat ng tumunog ang aking phone, excited at kinakabahan ko iyong sinagot kahit hindi ko na tiningnan kung sino man ang caller, nagaasam akong si Nash na iyon.

"Nash!" Sigaw ko agad sa kabilang linya.

"Hey... This is Justine."

Para akong nawalan ng pakpak matapos lumipad ng sobrang taas. Lumagapak sa lupa ng sobrang lalim.

"A-ah... Sorry." Tumikhim ako para hindi mahalata ng nasa kabilang linya na umiiyak na naman ako.

Halos kalahati ng pag asa ko ay nabawas dahil doon. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa aking dibdib, para itong pinipiga.

"Kakamustahin lang kita. Dalawang araw ka na raw hindi lumalabas e sabi ni tita." Halos hindi ko siya maintindihan dahil okupado na naman ang isip ko.

"Ha?" Tanong ko ulit.

Nadinig ko siyang bumuntong hininga. "Pupuntahan kita." Saka ko narinig ang pag end ng call.

Pagka baba niyon doon ko binuhos ang mga luhang gustong gusto ng kumawala sa mga mata ko.

Akala ko ayos na.

Akala ko lang pala.

Huli na ako.

Nakaalis na siya, nakapag desisyon na siya.

At wala na akong magagawa dahil huli na ang lahat.

Paano na ako? Paano ko madadala ang mga isiping ito ng wala siya sa tabi ko?

Parang hindi ko ata matatanggap na sa araw na magkikita ulit kami, may dala na siyang pamilya rito sa Pilipinas.

Paano naman kami ng anak namin? Lalaki siya sa kasinungalingan kapag nag kataon. Hanggat maari ayoko sanang mangyari iyon, kaya nga kahit sinasabi na ng tadhana na wala ng pagasang macontact ko pa siya ay hindi ako susuko. Kailangan ko siyang makita.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon