PART THIRTY-THREE

7.6K 244 29
                                    


PART THIRTY-THREE

.

Nakangiti kong pinag mamasdan ang mag ama sa aming kwarto. Hindi na umalis pa sa aming kwarto si Nash, nakisiksik siya sa maliit kong kama. Nauna akong nagising at ngayon ay nakahalukipkip, pinagmamasdan silang dalawa. Walang saplot pang itaas si Nash habang ang anak ay nasa kaniyang ibabaw. Nakadapa ito at mahimbing na natutulog.

Noon palang alam ko namang sabik na sa tunay na ama si Savo. Hindi niya man sabihin pero tuwing nakakakita siya ng buo ang pamilya, nakikitaan ko siya ng lungkot. Sa murang edad niya alam kong advance siya mag isip.

Hahakbang sana ako para lumapit sa dalawa at gisingin ngunit natigilan ako ng maramdaman ang sakit sa pagitan ng aking mga hita.

Shit.

Nanganak na ako lahat-lahat pero masakit pa din. Ganon ba talaga siya kalaki?

Sa naisip ay naramdaman ko ang pag iinit ng aking mukha. Sa isiping iyon ay na trigger ang memorya ng pinagsaluhang init kagabi. Mabilis pa sa alas kwatrong ikiniling ko ang ulo para hindi na mag flashback pa sa isipan ko iyon.

Eventually, I walk slowly towards the bed. Yumuko ako at hinaplos ang buhok na tumatabon sa noo ni Nash.

His features are all rough and hard. Like a soldier that is well trained from military. Napatingin naman ako sa kaniyang mapupulang labi. This part of him is the only soft. Wala sa sariling napangiti ako, dahan dahang inangat ang kamay para madama ang kalambutan niyon.

One stroke to his lower lip, I knew from the start that it is soft. Ilalayo ko na sana ang aking kamay ngunit mabilis at mahigpit nitong hinawakan ang palapulsuhan ko at muling ibinalik sa kaniyang labi. Hinalikan niya ito.

Gising na pala siya? Kanina pa ba?

Muli kong naramdaman ang pag iinit ng aking mukha.

"Goodmorning baby." He hoarsely voice out.

"A-ah... Goodmorning." Hihilain ko na muli sana ang kamay ko ngunit hindi man lang gumalaw ang kamay nito. Mahigpit at pirmi lang nito iyong hinawakan. Hindi naman masakit, tama lang para hindi ako makawala.

Nagsimula muling mabulabog ang damdamin ko ng magmulat ito ng mga mata, direkta sa akin. Ngunit unti-unting bumaba ang tingin nito mula sa mata hanggang sa labi at pababa pa. Napansin ko ang pagbabago sa kaniyang mata, dark and desire is consuming his blazing eyes. He licked his lips then a small groan come out on that sinful lips of him. Nag angat muli siya ng tingin ngunit nakangisi na ito.

"Ayan ba almusal ko araw-araw? Kung ganon palagi na akong late gigising." Parang bata at nakangisi nitong sabi habang nakatitig muli sa aking dibdib. Nilingon ko iyon at mabilis na tuwid akong tumayo.

Mas naginit ang mukha ko at hindi na malaman saan titingin. Damit niya pa rin kase kagabi ang suot ko, hindi na ako nag abalang magbihis dahil antok na antok na ako dahil sa pagod. Tatlong butones nito sa taas ang hindi naka kabit kaya nung naka yuko ako ay paniguradong kitang kita na iyon.

He chuckled. Inis ko muli siyang binalingan at malakas na hinigit ang kamay. "Bumangon kana nga! Bumalik ka don sa kwarto mo kung gusto mo pa matulog." Pairap kong sabi.

Dahil siguro sa lakas ng sigaw ko, nagising si Savo. Nakonsensya ako oo, pero gigisingin ko na rin naman sana sila kaya okay lang din.

"Anak bangon na, kakain na tayo sa baba." Sabi ko dito.

Pupungas pungas naman itong bumangon. Nakapikit pa at nag hihikab.

Ang cute cute ng anak ko. Nanggigigil akong lumapit dito at tinabihan saka siya hinalikan sa pisngi. "Sleeply?" Bulong ko.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon