PART TWENTY-FIVE

5.2K 165 29
                                    


PART TWENTY-FIVE

.

Para akong lutang ng umuwi.

Hindi ko na nga namalayan na nasa bahay na kami.

Kaninang nasa airport kami, feeling ko naiwan doon ang puso ko.

Halos ayoko na nga umalis e. Kung hindi lang nga pumasok si Justine para kaunin ako ay hindi ako kikilos sa kinatatayuan ko.

Hindi ko matanggap.

Hindi naman kasi kasalanan ang magmahal. Ang mali lamang doon ay sa maling tao nagmahal.

Hinihiling ko na sana magkaroon ng pagkakataong mabago ang kapalaran namin. Sana magkaroon ng himala na sana panaginip lang itong lahat.

Bumuntong hininga ako at tumingin na lamang sa bintana ng sinasakyan namin.

Hindi ko na rin masyadong napagtutuunan ng pansin ang pag aaral ko, masyado ng nag aalala ang aking mga kaibigan sa aking kalagayan.

They always update me from what happening in our class. Kasi ilang araw na akong hindi pumapasok magmula noong nang yari ang alitan sa aking kwarto. Hindi sila makadalaw rito sa bahay dahil bantay sarado ako, kaya nga laking pagtataka ko kung bakit si Justine ay nakakapasok nalang basta-basta rito. Kaya naman palaging sa online lang kami nagkakausap magkakaibigan.

Hindi ko masabi sakanila iyong pagbubuntis ko, ang nangyayari sa aming magkapatid. Hindi naman ako takot ma judge nila or sa kung ano mang sabihin nila, it just that, I'm not yet ready to tell them everything.

"Baba kana Lala." Mahinahong paggigising sakin ni Justine sa pagkakatulala. "Andito na tayo, ihahatid pa kita sa kwarto mo. Kailangan mo ng magpahinga. Hindi nakakabuti sa iyo ang pagpapagod, stress at pagiyak. Alam mo iyon kung bakit diba?"

Nanlalabo ang mga matang tumango tango ako.

Pagkababa ko sa kaniyang kotse. Inalalayan ako nito sa braso hanggang sa makarating kaming pinto. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Dito nalang Justine, kaya ko na." Gusto ko siyang ngitian, ngunit hindi ko talaga magawa iyon ngayon. "Maraming salamat sayo."

"Pero kailangan pa kitang ipagpaalam sa magulang mo. Baka pagalitan ka dahil tinakas kita kanina dito. Pati si Manang ay baka madamay pa." Pagpupumilit nito.

Umiling ako at hinawakan siya sa braso. "Ano pang silbi ng mapagalitan? E wala na dito iyong dahilan para magalit sila sa akin. Kahit mapagalitan pa ako ng ilang beses ngayon, kahit magdamag pa iyon, hindi na naman mababalik non iyong oras. Wala na si Nash, wala ng dahilan para magalit pa sila. Yung kay Manang, ako na bahala."

"Sure ka?" Pag tatanong pa rin nito.

"Yeah." Tango tango ko. "Thank you so much Justine. Sana may paraan para masuklian ko lahat ng kabutihan mo sa akin, paraan na pareho tayong hindi masasaktan at makakasakit." Sincere kong sabi.

"Huwag mo akong alalahanin, iyong sarili mo muna ang isipin mo Lala." Nakangiti nitong balik sagot sa akin. Hinaplos pa ang ulo ko. "Kaya ko ang sarili ko, sa ngayon ikaw iyong nasasaktan ng sobra. Maiintindihan kong hindi mo pa kayang magbigay atensyon sa kahit kanino, kahit sa akin. Kumpara sa nararamdaman kong sakin, wala pa sa kalahati non ang sakit na nararamdaman mo. Rest, okay? You need that."

Pinilit kong ngumiti. "Thank you."

Tinanaw ko muna siyang makapasok sa kaniyang kotse at inaantay na makaalis bago ako magdesisyon na pumasok.

Hindi nako nag atubili pang maglakad papasok. Hindi ko makita ang mga maids so sa tingin ko andyan na nga ang mga magulang ko. Ano oras na rin naman kasi e. Hindi ko kase napansin iyong kotse nila sa labas dahil okupado ang isip ko.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon