PART SEVEN

8.8K 246 7
                                    

PART SEVEN

.

"Kuya..."

Tawag ko sakanya ng hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nakikita ko rin ang galit sa kanyang mga mata.

"You dated him without telling me?" Malamig niyang tanong.

Natatakot ako pero lumunok muna ako para di pumiyok bago sumagot.

"I-inantay nya po kase ako sa school kanina." Mahina kong sagot. Natatakot akong magkamali kaya pinipili ko yung right words.

"Sana tinext mo man lang saken at sinabe kung san kayo pumunta!" Sigaw niya.

Napayuko at naginit ang mukha. "W-wala naman po akong... number mo."

Narealize niya rin ata yon at natigilan siya. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Give me your phone."

Dali dali ko naman iyon ibinigay sakaniya. Nagtype siya don at isinauli rin agad sakin.

"You need to tell me if my fucking friends are hitting on you okay?" Galit niyang sabe.

Tango lang ang isinagot ko.

Akala ko ba... huling conversation na namin yong nangyari noong sabado? Bakit kailangan ko pa magreport sakaniya?

Iniwaksi ko nalang yung mga tanong sa isip ko. Bahala na. Ang mahalaga, nagkakausap na ulet kame ni kuya kahit na hindi matinong usapan.

Natahimik kame pareho. Hawak niya pa rin ang kamay ko at nakatayo kame pareho sa tapat ng pinto.

Napansin kong ang tahimik ng bahay. "Where's mom?" Tanong ko habang patingin tingin sa paligid.

Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang ulet siya saken. Nag antay ako ng sasabihin niya pero nilapitan niya lang ako lalo at... niyakap.

Nanlalaki ng sobra ang mga mata ko at ang puso kong sobrang lakas ng tibok ay parang lalabas na.

"Don't... " bulong lang yon pero rinig na rinig ko kase nakayakap siya saken. Naka subsob ako sa dibdib niya, ang tangkad niya kase na halos hanggang chest niya lang ako. "Go out with the other guy. I hate it."

Feeling ko kinakapos ako ng hininga. Hindi ko alam kung saan hahawak dahil nanlalambot ang tuhod ko.

Binitawan niya ako at walang lingon-lingong umalis.

"HOY PRINSESA! LUTANG KA NA NAMAN TE! WAG MO MASYADO PAG KAISIPIN SI TARK BEBE AT AKIN YON OKAY?"

I blinked several times.

Napatingin ako kay bakla. "Bakit?"

"Anong bakit? Shunga uwian na te. Ano gusto mo mag overnight dito sa school ha?" Nanlalake ang butas ng ilong niyang sabi, sa mukha ko mismo.

Naalala ko pa rin kase yung nangyari nung Monday. It's already friday but my mind is occupied by whatever happened that day.

Tumayo na ako para mag ayos ng gamit. Noong nakalabas na kame ng room, naiihi ako kaya nag paalam akong c-cr muna. Magaantay naman daw yung dalawa sa gate ng school so tumango lang ako.

After ko magawa ang dapat gawin sa cr, lumabas na ako. Palakad palang ako ng may biglang umakbay saken tapos isinuot sa ulo ko yung cap niya.

He put his point finger on his lips. Sign that don't make noise. "Ssh."

Naguguluhang nilingon ko siya. Sobrang lapit niya saken at ang tangkad, tapos ang bango pa.

Kuya Niccolo?

"S-san po tayo pupunta?" Tanong ko. Akbay niya ako habang naglalakad siya kaya nadadala niya ako.

"Hmm... dyan lang sa tabi-tabi." Sabay wink niya saken.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon