PART THIRTY-FOUR

7.9K 228 22
                                    


PART THIRTY-FOUR

.

"Happy birthday anak!"

Pupungas pungas pa itong bumangon sakaniyang higaan. Ngunit ng tuluyang magising ang diwa ay nakangiti itong yumakap sa akin.

"Thank you po mommy." Sagot nito.

Hinaplos ko naman ang magulo nitong buhok. "Ayos kana diyan. Kailangan gwapo at mabango ang baby ko mamaya."

Nakabusangot itong humarap sa akin. "Mom, mag si-six na ako ngayon o, hindi na po ako baby." Irita nitong sabi.

Bahagya naman akong natawa sa inasta niya. Manang mana talaga ito sa kaniyang ama. Bugnutin.

"O siya, bumangon kana. Mag ayos kana okay?" Sabi ko naman dito na sinagot niya lang ng tango bago pumasok ng cr sa kaniyang kwarto.

Ilang buwan na rin ng mag ayos kami ni Nash. At ngayon umabot na sa birthday ng aming anak. Sobrang saya ko. Wala ng paglalagyan nito na halos na iiyak ako sa tuwing naiisip ko baka panaginip lang ito. Pero hindi e, ito iyong reyalidad.

"Hey."

Napatingin ako sa may ari ng boses na iyon, palapit siya sa akin. Tumabi siya sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama ni Savo. Lumubog ito ng sobrang lalim ng nakaupo na siya, parang ang liit liit ng kama kapag uupo or hihiga siya rito.

Malakas na naman ang tibok ng puso ko lalo na ng iniyakap niya sa bewang ko ang braso at inilapit ang mukha sa aking balikat, ipinatong iyon doon. Napasinghap ako sa ginagawa niya sa akin. Nakakainis kase hanggang ngayon hindi pa rin ako masanay sa mga galawan niya.

"Ang lalim ng iniisip mo. Birthday ngayon ni Savo dapat masaya ka." Bulong nito. Ramdam ko ang titig niya kahit sobrang lapit niya na sa akin.

Nang hindi ako sumagot, mas inilapit niya pa ako sakaniya. Napatikhim ako at agad na ibinaling sa ibang panig ng kwarto ang paningin ko.

"Ahm... H-Hindi pa rin kase ako makapaniwala na andito ka, na buo ang pamilya natin. Natatakot lang ako na baka p-panaginip lang itong lahat."

Naramdaman kong nagiinit ang gilid ng aking mga mata. Ayokong maramdaman ito ngayon lalo't kaarawan ng anak ko. Pero hindi lang talaga siya maalis sa isip ko e. Araw-araw sa pag gising ko, kinakabahan ako na baka lahat ng ito ay imahinasyon ko lang.

Narinig ko ang malakas niyang pag buntong hininga. Inalis niya rin ang pagkakapatong ng kaniyang mukha sa balikat ko. Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sakaniya.

"Hindi ito panaginip okay? Hindi na ako aalis, hindi na magwawatak ang pamilya natin. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon." Seryoso nitong sabi. Bigla ay nasilayan ko ang ngiti nito. "Don't overthink Sophia, I will not disappear anymore."

Sinuklian ko rin iyon ng ngiti. Dahilan iyon para bumaba ang paningin nito sa aking labi. Tinitigan niya pa muna iyon bago inangkin sa isang magaang halik. Agad din naman itong humiwalay sa akin at agarang tumayo sa pag kakaupo.

"Mukhang kailangan ko ng mag ayos rin at umalis dito, baka kung ano pang magawa ko sayo." Tumingin ito sa pinto ng cr. "Makakita pa ng live show paano natin ginagawa ang kapatid ng batang yan." Nakangisi pang dagdag nito bago nag lakad palabas.

Nag loading pa sa utak ko ang huling sinabi nito. Napahawak pa ako sa aking pisngi dahil nagiinit na iyon.

"K-kapatid?" Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang pintong nilabasan niya. "Aba't may balak siyang sundan agad si Savo? Ni hindi niya pa nga ako pinapakasalan!" Hindi ko na namalayan na naisigaw ko iyon sa pagkainis.

"Mom?" Nagtatakang tanong ni Savo ng lumabas ito ng cr. "Bakit ka po sumisigaw?"

"A-ah... Wala anak. Bihis kana. Iyon iyong susuotin mo o." Nilapitan ko naman iyong costume niyang superman. Children's party kase ang mangyayari, so ang theme ng birthday celebration ay super heroes.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon