PART EIGHTEEN
.
Naramdaman kong inilapit nito ang labi sa aking tainga. "I love you baby..." at iyon ay ibinulong.
Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko nalang ang paninindig ng mga buhok sa aking katawan. Ultimo puso ko ay hindi na magkandarapa.
Natauhan nalang ako sa kilig na nararamdaman ko ng umalis siya sa pagkakayakap sa akin.
"Let's go?" Malambing nitong tanong.
"Saan na po tayo ngayon niyan?" Tanong ko rin pabalik.
Hinaplos nito ang buhok ko bago hinalikan sa noo. "Aalis tayo rito. Uuwi na tayo."
"Pero po may mga bisita pa kayo sa labas." Nagtataka kong tanong.
"Hayaan mo sila. Matatanda na mga yan. Saka tapos na birthday ko, hindi ko na sila kargo." Walang kagana gana na naman niyang sabi. Hinila pa ako nito palabas.
Hindi pa ako handang lumabas, pero nagpaitanod nalang ako sa paghila niya sa akin. Hawak pa rin nito ang kamay ko hanggang sa makita namin ang mga taong nasa labas. Halos yung iba nakatungo na sa lamesa sa kalasingan. Ngunit hindi si Stephanie.
"Nash! Saan ka ba galing, kanina pa kita hinahanap." Halata sa kaniyang inis siya. Lumapit pa ito kay Nash at hahawakan sana sa kabilang braso niya ngunit agad itong umiwas. "Why?"
Galit at pagtataka ang nababasa ko sa mukha ng babaeng ito. Ako nalang sana iyong mag a-adjust na bitawan ang kamay ni kuya para makaalis at magkaroon sila ng oras at espasyo para makapag usap. Pinipilit kong mahila iyong pulsuhan ko ngunit sobrang higpit non at hindi ko maialis.
"K-kuya..." Bulong ko, sakto lang para marinig din nong Stephanie, napalingon pa ito sa akin, ngumiti ng konti, ngunit nangunot din ang noo ng makita ang pagkakahawak ng kamay ni Nash sa akin.
"Umuwi kana. Sumabay ka nalang kila Jave, tutal pareho naman ng village ang tinutuluyan niyo, right?" Walang kagana gana nitong tiningnan iyong babae. "We need to go home, it is urgent because our parent want us to be there before breakfast. They want a small celebration for my birthday."
Mabilis akong napatingin sakaniya.
Really? I don't believe they said that, busy ang mga iyon at wala ng time para sa celebration at sure rin naman akong ayaw niya.
He's very expert when it comes to being a liar. Ang galing-galing niyang gumawa ng kwento na halos kapani-paniwala talaga.
"Oh?" Nawala ang inis nitong babae, lumingon pa ito sa akin ng maaliwalas na ang tingin. "Kaya pala nagmamadali kayo. Sige, sasabay nalang ako kay Jave. Ingat kayo sa byahe. Happy birthday ulit Nash." Lalapitan pa sana nito si Nash para halikan sa pisngi ng walang pasubaling hinila na ako ni Nash paalis.
Ang sama talaga ng ugali.
Nilingon ko pa si Stephanie, kita kong nakatulala lang siya doon, napapahiyang hindi ko malaman. Humarap naman ako kay Nash saka siya mahinang hinampas sa likod habang hinihila pa rin niya ako palakad sa kaniyang kotse.
"Bakit mo naman ginanon yon? Napahiya tuloy siya." Inis kong bulong.
Mabilis itong tumigil sa paglalakad tapos ay hinarap ako. "Why? Do you want to see that she'll gonna kiss me?"
Natahimik naman ako at nagbaba ng tingin, dahan-dahan akong umiling.
Syempre hindi.
"Right." Dinig kong sagot pa nito bago ako muling hinila, nakarating kaming kotse niya ng tahimik lang. Pinaghila pa ako nito ng pinto ng kotse niya at pinapasok, bago siya umikot sa driver seat.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Kuya
RomanceSERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, parati na silang magkasama at wala siyang ibang kalaro kundi yung kapatid niyang lalaki. But when she...