PART THIRTEEN

8K 268 59
                                    

PART THIRTEEN

.

Ilang linggo na ba?

Ilang linggo na ba akong wala sa sarili? Nagagawa ko naman iyong mga school works, nakikipagusap naman ako ng maayos sa mga taong nakakasalamuha ko, pero parang may hollow sa loob ng pagkatao ko? There's an empty space inside of my body.

Tumatawa ako, nakikipagbiruan sa mga kaibigan, but I'm not really happy. Ipinapakita ko lamang sakanila na okay ako, para hindi na sila mag worry sakin.

Yes, aminin ko na parati kong naiisip ang kapatid ko. I'm still confused for whatever happened to us. I have so many questions inside of my mind at nakakabaliw magisip ng kung anomang posibleng reasons niya. Malinaw naman niyang sinabe sakin na dala lang ng init ng katawan kaya niya nagawa iyon sakin, but fuck this stupid self of mine, sinasabe pa rin nito na baka may ibang reason, na baka gawa-gawa niya lang iyon.

I'm still hoping that he will come back.

Napabaling ako sa pinto ng cr ng kwarto ko. Kanina pa ako tapos mag toothbrush pero hindi ko namalayang natulala na ako dito. Nakarinig ako ng katok sa labas ng kwarto ko kaya naman naalis ang paninitig ko sa malaking salamin rito sa cr.

Sunday ngayon kaya wala akong balak sanang lumabas dahil kakarating ko lang ng simbahan kaninang umaga. Alas tres na ng hapon kaya nakakulong na naman ako sa aking sariling silid.

Lumabas ako ng cr para mapag buksan ang sino mang nasa likod ng aking pinto.

"Yes po manang?" Tanong ko sa aming kasambahay ng mabuksan agad ang pinto.

"Si sir Justine andyan sa baba be, hinahanap ka." May nahihimigan akong panunukso sa boses niya.

Napakunot noo naman ako at medyo nahiya sakaniya. "Bakit naman po ganyan kayo makatingin sakin manang?" Nahihiya kong tanong.

"Ikaw ha, nililigawan ka ba niyang binata sa baba? Aba'y parating na sndito sa bahay at hinahanap ka." Nakangisi at masigla nitong komento.

Napailing iling nalang ako saka ngumiti nalang sakaniya. Hindi ko na siya sinagot dahil hahaba lang ang usapan at panunukso niya sakin.

Sumabay ako sakaniyang bumaba, pero bago ako tuluyang magpakita sa sala, I check myself first. Kailangan ko maging presentable sa harap ng mga tao.

Nakita agad ako ni kuya Justine ng magsimula akong maglakad palapit sakaniya. "Hello kuya Justine, bakit ka po pala napadalaw?" Tanong ko agad.

Umupo muna ako malaking sofa namin which is sa tabi niya mismo. Malaki masyado yung sofa namin kaya malaki din yung space sa pagitan namin ni kuya Justine. Hindi naman ako naiilang sakaniya kahit maglapit kami, sobrang komportable ako kapag si kuya Justine yung katabi o kausap ko. I don't know. I feel like I'm safe with him.

"May pupuntahan kaba ngayon?" He smiled after that question. He's really handsome, lalo na kapag ngumingiti siya. Angelic face kase si kuya Justine compared kay kuya Nash na medyo dark yung features niya.

Shit. Here we go again, comparing someone to my evil brother.

Palagi nalang ganito. Kapag may nagmamagandang loob sa akin, palagi akong naka compare sakanila at sa kuya ko. I think may saltik nga talaga ako. Mali na nga itong nararamdaman ko para sakaniya tapos dagdagan ko pa ng ganitong pagiisip.

Bumuntong hininga nalang ako at napaiwas ng tingin.

I really need to get rid him on my whole system. I need diversion to do that.

"Hey, Are you okay?" Bigla ay tanong nito. "Hindi kana sumagot, may masakit ba sayo?" Nag alala nitong sabi saka lumapit sakin at dinama ang aking noo.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon