Justine's Side Story

6.3K 201 26
                                    

SPECIAL CHAPTER: Justine's side story

-

I traced using my point finger the edge of the glass filled with liquor.

Kakatapos lang ang kasal ni Lala at Nash.

Hindi ko alam kung paano ko ba mapapaliwanag ang nararamdaman. I'm genuinely happy for them, but my heart ache because of them too.

Siguro kase, kasalan ko rin?

Matagal ng sinabi at pinaliwanag sa akin ni Lala na wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. She declared before that she don't have nothing to give but her dead heart. Ako lang itong makulit na pinag pilitan ang sarili sakaniya kaya kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan.

Pagak akong natawa.

"Enjoying yourself without your friends, huh?"

Napatingin ko sa babaeng lumapit sa akin at nakiupo sa tabi ko.

We're here in the middle of the counter part. The place is filled with hard music. A lot of people dancing in front of us.

Napakunot noo ako ng makilala ang babae.

"Alliyah?"

Wait... Pinsan siya ni Nash diba?

Nagtatakang umupo ako paraharap sakaniya. Habang siya ay naka upo paharap sa mga taong nagsasayawan. Napatingin din ako sa suot niya. She's wearing a sexy fitted dress. Hanggang hita niya lang iyon at kulay itim. Off shoulder type of clothes din ito at mahaba ang manggas.

"Oh, you remember me?" Nakangisi nitong sabi. Ibinaba nito ang hawak na inumin bago inilahad ang kamay sa akin. "I'm Alliyah Silvester Eustacea, Nashmir's cousin."

Tiningnan ko muna ang kamay nito bago ko inabot at nakipag kamay. Mas lumawak ang ngiti nito sa akin. Napatingin tuloy ako mapulang labi nito.

Napatikhim ako ng di oras at napaiwas ng tingin. Binawi ko na rin ang kamay ko para uminom ulit sa aking alak.

"Akala ko ba umuwi ka ng States?" Tanong ko pero hindi ko siya tinitingnan. "Bakit ka nandito?"

Kakaiba siya tumingin e. Parang anytime may gagawin siya sa akin. Pareho pa nga sila ng mata ni Nash, napaka playful tingnan. Kinakabahan tuloy ako.

Sa pagkakaalam ko, bumalik siya dito para sa kasal ng pinsan niya pero ang alam ko din babalik siya agad dahil modelo siya roon. Masyado siyang busy na tao.

"No. I'll stay here for awhile." Nakangisi pa rin nitong sabi. "Hmm... Why?"

Sinilip ko siya pero agad din ibinalik ang tingin sa harap, ayoko siyang tingnan. Hindi dahil sa pangit siya, actually, sobrang ganda niya pa nga. Hindi ko lang alam bakit kinakabahan ako sa babaeng ito.

"Wala lang." Sagot ko at nanahimik nalang ulit.

"Nandon ka din diba noong inamin namin ni Nash na peke iyong engagement?" Tanong nito.

Tumango naman ako at nakinig lang sakaniya. Sobrang lapit niya sakin kaya kahit malakas ang musika dito sa bar, rinig ko pa rin siya.

"Iyon kase ang dahilan kung bakit mag sstay muna ako dito sa Philippines." Bumuntong hininga ito at tinigilan na ang paninitig sa akin at sa harap naman bumaling. Nagkaroon ako ng chance para siya naman ang titigan ko. "Syempre narinig mo rin ang dahilan kung bakit kailangan namin mag fake ng engagement. Ugh, nagsasawa na kase kong makatanggap ng kung ano anong pananakot galing sa hindi ko kilalang lalaki."

Muli akong nagiwas ng lumingon siya sa akin.

"Ah... ganon? Buti hindi ka sinundan non sa Pinas? Or may kasama ka ba ngayon? Baka may mangyari sayo dito dahil magisa ka." Sabi ko nalang.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon