PART SEVENTEEN

8.3K 249 92
                                    

PART SEVENTEEN

.

"Tangina pre? Anong ginagawa mo sa kapatid mo!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang malakas na boses na iyon ni Justine. Kasabay pa nito ang pagsugod at malakas na pag suntok niya kay Nash.

The horror is all over my face. My heart beats fast because of the nervousness I currently feel right now.

This is the situation I don't want to be happen but things are meant to be happen that's why I am here right now.

"Kapatid mo iyan pre pero bakit mo hinahalikan!? Ganon kana ba talaga kahayop?" Sumisigaw na halos nagpapakita na ang ugat sa kaniyang leeg at noo.

Tahimik lamang si kuya na nakatingin sakaniya. Wala na naman akong mabasang emosyon sa kaniyang mukha. His eyes are blunt, like he was not interested about the conversation or in the person in front of him.

"Sagutin moko gago ka!" Sabi nito na inisang sapak pa muli si Nash. Nang wala pa ring imik ang kaharap ay ako naman ang binalingan nito. "Lala... May ginawa ba sayong kahayupan ang taong ito? Pinilit ka ba? Magsabi ka, makikinig ako. Sabihin mo ang lahat sakin." Seryoso nitong sabi na lalong kinabalisa ko.

Hindi ko alam kung anong dapat isagot, kung tama bang magsalita pa ako.

Napayuko ako at tuluyang napaiyak dahil sa kabang dulot ng sitwasyon namin ngayon. Hindi ako makapagsalita kahit andaming pumapasok sa isip ko, kahit gustong gusto kong mag explain.

Kailangan rin naman malaman ni Justine ang tunay na nararamdaman ko. I don't want his feelings towards me go deeper because my heart already owned by someone else. He is so kind and gentle that's why ayoko siyang makitang masaktan pa lalo ng dahil sa akin. Kasalanan ko ito e. Kasalanan ko talaga lahat.

Hindi ko na dapat pang binigyan ng chance yung tao. Hindi ko na dapat pang hinayaan na pumasok siya sa buhay ko dahil matagal na akong pag aari ng iba. Alam kong maraming kasalanan iyong taong iyon sa akin, pero wala akong magagawa kung alipin ako ng sarili kong puso. Puso nag didikta sa pagkatao ko, sa kung sino yung dapat kong mahalin. Kahit gusto na ng isip kong si Justine nalang, walang magagawa ito kung may sarili ring utak iyong puso ko.

People will say I'm a martyr, stupid or even hypocrite then I'll accept it. If they think that way, I will not fight back because it's true. My self admitted it too.

"Walang kasalanan rito si Sophia. What you saw awhile ago, totoo iyon. I kissed her." Malamig na sabi nito kay Justine na nae-estatwa na din at hindi makapaniwala sa kaniyang nadidinig.

"What does it mean?" Tanong nito.

"I love her... Not as my sister but as a woman." Sabi nito sa mahinahong boses. "Justine, alam ko rin sa sarili kong mali. Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko. Namin... because our feelings are mutual." Sabi nito sa straight face at hindi makikitaan ng kaba or takot habang ako hindi na makatingin. Umiiyak nalang sa isang tabi.

"What?" Mahinang rinig kong tanong ni Justine. Napaigtad pa nga ako ng biglang lumapit ito sa akin at pinaharap sakaniya. "What he said is just a myth right?" May pag aasam sa boses nito.

Sa nanlalabong mata, dahil sa mga luha, ay tinitigan ko siya. Hindi ako sumagot bagkus umiling lamang ako. "I'm sorry... I-I'm really sorry Justine." Napatakip ako sa bibig dahil sa lakas ng hikbi. Hindi na ako maayos magsalita dahil rito.

"May gusto ka kay Nash?" Wala sa sarili nitong tanong. Hikbi lang ang naisagot ko. Nang wala siyang mahita sa akin ay lumayo siya ng bahagya. Nadinig ko siyang tumawa ng walang laman. As in parang natatawa siya dahil hindi makapaniwala. "Yeah... Kaya pala. Now I know kung bakit masyadong protective sayo si Nash. Kung bakit iwas ka sa kuya mo. Kung bakit parati kitang nakikitang nasasaktan ng dahil sa kuya mo. Lala hindi ako bulag, at lalong hindi ako manhid. Dahil may gusto ako sayo, lahat ng expression, actions at mga pinapakita mo ay napapansin ko. Ramdam ko naman noon pa na may nagugustuhan kang iba... I didn't expect that it will be your brother."

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon