PART FOUR

9.3K 249 0
                                    

PART FOUR

"Kuya sino po yung mga tao sa baba?" Inosente kong tanong.

"Mga classmates sila ni kuya, baby. We have group study here so don't ever go down there okay? Baka maistorbo mo sila baby e. Kapag naistorbo mo sila, magagalet si kuya, do you want that?" Sabi niya sakin matapos akong ihatid ulit sa kwarto ko.

Bumaba ako kanina para uminom ng tubig, pero naabutan ko sa sala kanina na maraming tao.

"No." Nakanguso kong sabe. "Ano pong gagawin nyo don? And where's mom and dad?" Wala rin kase sila mama kaninang kinatok ko yung kwarto nila.

"They go out and they will be here tomorrow morning." Hinaplos niya yung buhok ko tapos pinahiga na sa aking bed. "Sleep na Sofia. Baba na si kuya at ahm... k-kailangan na ako doon."

Tumikhim muna siya bago ako kumutan. "Don't ever go out on your room okay? We're just doing our project. Sige na, sleep kana. Gabi na pati oh." Pagkukumbinsi niya sakin.

Napakunot noo ako. Feeling ko may hindi sinasabe sakin si kuya.

"Yun na nga po kuya, gabi na pero gagawa pa rin kayo ng project? Hindi ba pwedeng bukas nalang po nyo gawin yon?" Tanong ko.

Kiming ngiti ang binigay niya sakin saka kinamot ang batok.

"Ah well... We're rushing to finish it." Bumuntong hininga siya. " Please promise me na hinding hindi ka baba. Nagkakaintindihan ba tayo, baby?" Malambing niyang sabi saken.

Tumango nalang ako.

"Good." Kiniss ni kuya yung noo ko bago niya ako kinumutan.

Ilang minuto niya pa ako binantayan bago siya lumabas ng kwarto ko. Napanguso nalang ako. Ano kayang project yun?

Pero lumipas ang ilang oras na pakikipag titigan sa kisame, hindi pa rin ako makatulog. Dumagdag pa ang curiousity ko kung anong meron sa baba at nakakarinig ako ng ingay.

Mga nagsisigawan. May music pa.

Ganon ba pag may group study?

So parang party pala iyon! Excited na akong maging highschool. Gusto ko rin maranasan yung group study katulad nila kuya.

Hmm...

Hindi naman masama kung sisilip ako diba? Titingnan ko lang naman kung anong klaseng group study ba yon, tapos babalik rin ako dito. Parang ang saya saya kase e.

Hindi ko napigilan yung sarili ko na bumaba sa kama at dahan dahang lumabas.

I silently walked towards our sala. Habang papalapit ako sa bungad nyon, lalo lang akong na excite sa group study nila. May sobrang lakas na music at may nagsisigawan pa.

"Hooo! More! More! Level up niyo pa!"

"Pre ang hina mo naman! Hanggang diyan ka lang ba? Wala to, weak!" Malalakas na tawanan ang nadinig ko.

"Omg! In fairness nakakakilig kayong tingnan!"

"Wait, Can you please tone down your voices? Baka magising yung kapatid ko e, bumaba pa yon."

Nadinig ko boses ni kuya yung huli, pero hindi ko maintindihan kase ang lakas ng music.

"Hindi yan! Tsk. Ang mga bata once na natulog mahirap na gisingin."

Ang iingay nila.

Nang maabot ko yung dulo ng pasilyo, sumandal ako doon saka unti-unti akong sumilip.

I'm familiar with their faces, except the girls. Itong mga boys ang palaging kasama ni kuya. They are kuya's friends. But the girls, ngayon ko lang sila nakita.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon