PART FIFTEEN

8.3K 278 106
                                    

I'M NOT YOUR KUYA

-

PART FIFTEEN

.

Nagising ako sa katok mula sa pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Bumangon ako at chineck ang orasan. Hapon na pala. Kanina kasing nakarating kami dito ay patanghali na.

Nakatulugan ko kasi kanina ang pagiyak dahil sa nakita ko. Sinilip ko muna ang sarili sa salaming nasa tukador, tiningnan kung okay lang ba ang aking sarili, saka ng makuntento ay pinagbuksan ko na ng pinto ang taong iyon, na sure naman akong si Justine.

"Magandang hapon binibini, baba kana at kumain." Nakangiti nitong sabi sakin.

"Okay lang po bang magbihis muna ako? Ito pa din kasi yung suot ko kanina pagkarating natin dito." Nahihiya kong sabi.

"Sure. Intayin na kita dito."

Mabilis akong umiling. "No, you can go first, susunod nalang po ako sa kusina. Nakita ko naman kanina kung saan banda iyon ng bahay po."

"Are you sure? Okay lang naman din sakin na mag antay kahit gaano pa katagal yan Lala. " Natatawa nitong sabi.

Ngitian ko siya. "Pero mas okay na doon kana. Promise susunod ako, Justine."

"Ano pa ba magagawa ko? Nginitian mo na ako e. Talo ako doon Lala, kahinaan ko yan." Pakunwareng nalulungkot niyang sabi na sinagot ko lang ng malakas na tawa.

"Ikaw talaga. Puro ka kalokohan, mauna kana doon." Pag tataboy ko sakaniya. Nag-salute lang siya sakin bago bumaba.

Naiwan ako sa aking kwarto para makapaghalf bath at makapagbihis na rin. Nagsuot lang ako ng simpleng white dress. Manipis lang ito dahil ang nasa loob ay ang red two piece swimsuit ko. Nag ayos lang din ako ng simpleng make up.

Matapos magawa ang lahat ng gawain ko rito ay nagdesisyon na rin akong bumaba para sumunod sa kusina. Nagpalingon lingon pa ako sa buong bahay. Nakakamangha kasi talaga. Nung nakarinig nako ng ingay ng nasa pasilyo na ako papasok ng kusina, doon ako dumeretso.

Napatingin pa sila sakin ng makita ako. Kahit nahihiya, nagpatuloy ako sa paglakad palapit kay Justine. Nginitian niya ako saka pinaghigit ng upuan sa tabi niya. Pahaba yung lamesa kaya nagkasya kami. Hindi ko na inisa isang tingnan ang mga nasa unahan ko, basta ang alam ko, nasa tapat malapit samin sila kuya.

Noong nakaupo kami, nagpatuloy ang ingay. Hindi ako makapapili ng kakainin dahil ang daming nakahanda. Hanggang sa may maglagay ng pagkain sa pinggan ko.

"Tikman mo yan Lala, masarap yan." Nakangiting si Justine ang tiningnan ko.

Nginitian ko rin siya saka tiningnan yung ulam na nilagay niya sa plato ko. Napangiwi ako dahil kare-kare iyon. I have allergy with peanuts. I can't breathe properly when I eat peanuts and there are rashes growing on my skin.

Hindi ko pinahalata kay Justine ang reaksyon ko, tinitigan ko lang iyong ulam. Pinagiisipan ko kung kakain ko iyon or sasabihin nalang sakaniyang may allergy ako sa peanuts.

Tiningnan ko ulit siya at masaya siyang nakikipagbiruan sa kaniyang mga kaibigan. Ayoko naman maistorbo iyong kasiyahan niya para lang dito. Nag effort pa siyang ipaghain ako ng makakain. Lumunok nalang ako at pinulot ang utensils sa magkabilang side ng plato ko.

Hihiwahin ko palang iyong kapiraso ng karne sa plato ko nang may humigit noong plato sa harap ko. Tiningnan ko kung sino iyon at bigla na naman akong kinabahan.

Si kuya...

Naramdaman kong nanahimik yung kinalalagyan namin. Lahat ng mga mata ay nasa amin.

"You're not allow to eat peanuts. You have an allergy." Walang kabuhay buhay nitong sabi. Nasa tabi ko na pala siya kanina at hindi ko nakita o naramdaman man lang iyon. Matapos niyang kunin ang plato ko ay pumunta siyang sink para ilagay iyon doon at kumuha ng panibagong plato. Lumapit ulit siya sakin tapos nilapag iyon sa harap ko. Akala ako aalis na siya pero hindi... Sinandukan niya rin ako ng kanin at panibagong ulam. Tahimik lang namin siyang pinagmamasdahan.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon