PART SIX
.
"Class dismiss, you may now go home. Goodbye." Sa buong klase, ayon lang ata pumasok sa utak ko.
Monday na at lutang ako. Buong araw ko kaseng pinag iisipan yung pinagusapan namin ni kuya last saturday.
Habang naglalakad sa hallway, pinag gitnaan ako nung dalawa.
"Uy te, nagdadrugs ka ba? Para kang engot kanina habang nagrereport a. Anyare ba kase sayo?" Tanong ni bakla.
"Wala naman. Puyat lang talaga." Sagot ko.
"If yung kuya mong halimaw na naman ang dahilan niyan, pasasabugin ko na talaga bungo non." Galit na sabi ng pinsan ko.
Umiling-iling lang ako sakanila. Ayoko mag kwento at alam na nila iyon.
"Sure ka te ha. Wag mo kaming nichacharot diyan." Nakataas ang kilay na sabi ni Raraff.
Nginitian ko lang sila pareho to assure them that I'm really okay.
"Naku bakla wag mo ko madaan daan sa ngiti ngiti mo ha, hindi ka maganda, remember!" Biglang sigaw ni Raraff saken na may pagduro pa.
Bigla siyang sinapok ni Apple.
"Gaga ka bakla. Inggit ka lang kamo, wala ka ng ganyang ganda e." Nakangising sabe niya pa.
"Ano ba kayo, ang iingay nyo nakakahiya." Bulong ko sakanila.
Hindi pa kami tuluyang nakakarating ng gate ng matigilan ako. Nakatingin lang ako sa lalaking tumatawa habang kadaldalan si manong guard.
Nanliit ang mga mata ko para masure kung siya nga ba talaga itong nakikita ko.
"Te..." Kumulbit kulbit saken si bakla. "Te, pengeng kanin ehe. Ang poging ulam naman niyan! Eng sherep sherep mga teh." Malanding sabi ni bakla.
Halos lahat ng mga estudyanteng dumadaan ay napapatingin sakaniya. Ano ginagawa niyan dyan?
Close sila ni manong?
Di ko sana papansinin at magpapatuloy nalang sa paglalakad ng bigla niya akong kinawayan. He walked towards me, just like an international model.
Halos tumulo ang laway ni bakla ng makita kong titig na titig siya kay kuya Tark.
Noong nakalapit na siya. "Good afternoon Lala, tapos na ba ang class mo?" Nakangiti niyang tanong.
Naginit bigla ang mukha ko sa kahihiyan. Pinagtitinginan kase kame ng mga tao e. Hindi ako sanay.
Tapos ang gwapo pa ng kaharap ko, edi malamang hot topic na naman ito.
"Opo, kuya Tark." Mahinang sagot ko.
Bigla ay bumusangot ang mukha niya.
"Huwag mo na akong kuyahin Lala, pleaseeeee?" Pagpapacute niya pa saken. "Baby face naman ako kaya okay lang yon hehe."
Nahihiyang ngumiti ako at tumango tango.
"S-si kuya Nash po, nasaan?" Tanong ko. Kase palagi silang magkakasama kaya nagtataka ako bakit siya magisa lang dito.
"Nasa klase pa. Nauna akong lumabas sakanila e." Nakangiti niyang sagot tapos pakamot kamot pa sa ulo.
Mahinang kurot mula sa bewang ang naramdaman ko at sinulyap si bakla.
Tss, gusto lang nitong ipakilala ko siya e.
"Ah... Kuya Tark-"
"Tark lang, please?" Nakanguso niya ulet request saken. Sorry naman. Sanay akong tawaging kuya si kuya Nash, malamang ganon din ako sakanila.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Kuya
RomanceSERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, parati na silang magkasama at wala siyang ibang kalaro kundi yung kapatid niyang lalaki. But when she...