PART TWENTY-TWO

5.2K 166 28
                                    

PART TWENTY-TWO

.

Nakatulog na ako sa kakaiyak.

Hindi ako lumabas ng kwarto kahit anong katok nila ay hindi ko pinagbuksan.

Kahit nararamdaman ko na ang aking gutom, hindi ko iyon inalintana.

Ayoko silang makita, ayoko silang makausap. Malinaw pa sa aking isipan ang lahat ng sinabi nila, lahat ng nangyari.

I just wanna lay on my bed. Magkulong sa kwarto magdamag. Pakiramdam ko ay hindi na dapat pa akong nabuhay sa mundo. Kung ganito lang din naman pala ang kakahinatnan ko, bakit pa nabuhay diba?

Ito na naman ako, nagiisip ng kung ano-ano. Negative thought flows on my mind.

A new hot fluid come out on my swollen eyes. Kanina pa kasing pagkatapak namin sa bahay ako iyak ng iyak. Halos wala na nga akong mailuha dahil sa mga nangyaring paulit ulit sa aking isipan.

Wala sa sariling isinubsob ko ang aking buong mukha sa unan. Nakadapa ako sa kama at hinahayaang lumubog sa kama.

Nakarinig ako ng mahinang pag click ng pagbukas ng pinto o anoman iyon, pero hindi ko iyon pinansin dahil hindi nila mabubuksan ang pinto gawa't may harang sa loob. Iniharang ko ang aking tukador para hindi nila ito mabuksan kahit pa may susi.

Hindi man lang ako umahon o sumilip sa tunog na iyon hanggang sa makarinig ako pagtalon at boses mula sa bintana. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Nash na nagpapagpag ng suot na damit.

Nagmamadali akong bumangon at lumayo sakaniya.

"A-ano ginagawa mo dito?" Natatakot na tanong ko. Hindi para sakaniya ngunit para sa mga magulang namin.

"Why?" Sagot rin nito ng isang tanong. Nakataas pa ang isang kilay at walang mabasang emosyon sa mukha. "Akala mo ba lalayuan na kita dahil lang sa napagusapan kanina? Hindi Sophia... Hindi kita susukuan ng ganon-ganon lang." Sagot nito na lumapit pa sa akin.

"P-pero..."

"Ano bang problema? Akala ko ba okay na tayo?" Malumanay nitong tanong na mas lumapit pa sa akin. Kaya naman inilayo ko ang sarili.

"Dyan ka lang..." Mahina kong sabi na iniharang pa ang kamay sa harap namin. "Huwag ka ng l-lapit sa akin." Inilingon ko pa ang pinto ng kwarto ko bago nagsalita. "Kailangan mo ng lumabas, bago pa tayo mahuli nila mommy." Mahina kong sabi. Pinigilan kong umiyak, pinilit kong hindi pumiyok para lang mapaalis siya sa kwarto ko. Natatakot ako sa maari pang mangyari kapag nakita na naman kaming magkasama.

"Akala ko ba... Mahal mo ako?" Animo'y hindi niya ako naririnig. Patuloy lang siyang nakatitig sa akin at hindi ako pinapakinggan.

"N-Nash please..." Naiiyak kong sabi.

He's now so close to me. Naamoy ko pa sakaniya ang pinaghalong pabango at alak.

Lasing siyang umakyat diyan sa bintana?

Galit ko siyang tiningnan. "Umakyat ka ng lasing dyan? Paano kung may mangyari sayo at nalaglag ka dyan ha? For once naman Nash, ingatan mo sarili mo!" Sigaw ko sakaniya.

"For what pa? Kung ilalayo ka rin lang naman sakin at hindi ka makakasama sa pagtanda, ano pang halaga ng buhay ko?" Seryoso nitong sagot. Hindi man lang nagbago ang kaniyang reaksyon.

"Pwede ba Nash..." Napapikit ako sa sobrang pressure na nararamdaman ko ngayon. Bumuntong hininga ako bago siya muling tiningnan. "Please lang lumabas ka ng maayos diyan sa kwarto ko, nakikiusap ako ng ayos dahil ayokong mahuli na naman tayo ng magkasama at matinding parusa pa ang ibigay satin. At least sa ngayon, ito lang yung parusa natin. Magkahiwalay man tayo at least okay ka. May tirahan, may makakain at makakapag tapos ka pa. Unlike kapag sumama ako sayo magtanan, maghihirap ka, magtatrabaho agad para lang sakin. Hindi Nash, hindi ko kayang makita iyon."

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon