PART THIRTY
.
"Tara na kaya? Baka hinahanap na tayo doon sa loob, lalo kana bakla." Sabi ni Raraff sakin na nakaturo pa.
Pero hindi man lang gumalaw ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Parang nakabaon na iyon doon.
Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas ng loob para pumasok sa bahay na iyan. Ngayon palang naduduwag na ako.
"Alam mo couz, huwag ka maduwag kase kahit ano mang makita mo dyan sa loob, hindi ka naman nag-iisa e. Nandito kami okay? Hindi ka namin hahayaang maapi dyan sa loob." Pagpapalakas ng loob sa akin ni Apple.
Nagbuntong hininga muna ako bago sila tiningnan at tinanguan. "Okay."
Nauna na silang maglakad palapit sa pinto. Sila na rin ang nagbukas dahil nahuhuli ako. Ramdam ko ang lamig ng aking mga palad. Kabado at hindi ako mapakali.
Pagbukas nila ng pinto, muli namin narinig ang ingay mula sa loob. Nagsisimula sa ingay na iyon ang mga kaibigan ni Nash.
Napansin ko rin na halos lahat sila ay nagbago. Kung noon mukhang estudyanteng walang patutunguhan dahil panay kalokohan ang alam, ngayon ay may kanya-kanya na silang propesyon sa buhay.
"Mommy, san po kayo galing? Kanina pa po kita hinahanap." Nakabusangot nitong sabi ng sinabulong ako pagkakita sa akin.
"Para namang inagawan itong batang to. Hiniram lang namin saglit ang mommy mo." Pagtataray ni Raraff sa anak ko.
Ang masungit namang anak ko ay hindi man lang pinansin ang komento ng kaibigan ko at kikibot-kibot ang labi. Animo'y may binubulong.
"Halika na roon, nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa anak ng lapitan ito at hawakan ang kamay para madala siya sa sala kung saan nakahain roon ang munting handaan.
Hindi ako tumingin sa paligid, ang buong atensyon ko ay itinuon ko lamang sa anak para hindi mapadpad kung kani-kanino ang mata. Lalo na sa taong iyon.
Nang nasa harap na kami ng mga pagkain, hawak ang kamay ni Savo, ang mga mata ay nasa anak, hindi ko namalayan may nabangga akong bulto ng tao.
"Ops… sorry-" paglingon ko ay para akong nakakita ng multo. "Ahm…"
Napalunok ako ng di oras, agad ibinaba ang tingin at walang sabi-sabing hinila ang anak papaliko para sana makadaan kami, ngunit hinarangan niya ito dahilan para matingnan ko ulit ang seryoso at nagbabaga niyang mga mata.
"I wonder... how have you been?" Matigas ang pananalita nito. Hindi ko alam kung may pagiinsulto ba sa boses niya or genuine talagang nangangamusta siya?
"Ah… I'm fine, k-kuya." Sagot ko nalang. Taas noo ko siyang tiningnan.
Nagkatitigan pa muna kami, hanggang sa ako na iyong napaiwas dahil hindi ko kaya. Hindi ko pa rin kayang makipagtitigan sa kanya kahit na sobrang tagal na. Iyong abnormal na tibok ng puso ko, andon pa rin.
"Kuya, huh… really?" Bulong nito na ako at ang anak ko lang ang nakakarinig.
Nanginig bigla ang kamay ko at napahigpit ang hawak sa kamay ng anak.
"Mommy?" Tanong nito sa akin. Agad ko siyang tiningnan, ngitian ko agad siya para sabihing okay lang ako.
"So you are my… " bigla nitong napatigil sa pagsasalita at tinitigan ang anak ko, gayon din naman si Savo na seryoso ang tingin.
"Hubby! I've been waiting for you for a while, why are you taking so long?" Sabay kaming napatingin sa babaeng lumapit sa amin. Umakbay pa ito kay Nash.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Kuya
RomanceSERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, parati na silang magkasama at wala siyang ibang kalaro kundi yung kapatid niyang lalaki. But when she...