PART SIXTEEN.
"Please Sophia... let's talk."
Nakatingin lamang ako sakaniya at hindi nagsasalita. Pinagmamasdan ko ang iba't ibang emosyong pinapakita niya sakin. Namamangha ako masyado na makita iyon sakaniya for the first time. Kung hindi poker face, palagi siyang nakangisi ng nakakaasar kaya nakakapanibago iyon.
Ramdam ko iyong kaba ko. Hindi ko na rin mawari kung ano ba ang dapat na reaksyon ko. Kaba, takot, excited at kung ano ano pa ay naghalo halo na sa akin.
Mahina niya akong hinigit palapit sakaniya. Ang lapit na nga namin pero nakukulangan pa rin siya. Halos pigilin ko iyong hininga ko sa sobrang kaba. Feeling ko nga rin ay naririnig niya na ang tibok ng puso ko.
Ito na naman ako, nagpapaalipin. Sa simpleng hawak niya lang bumibigay na ako. Sobrang rupok talaga ng puso ko pag dating sakaniya.
"A-ano ba iyong sasabihin mo... P-para makabalik na ako doon." Mahina ko lang na sabi at hindi makatingin sakaniya. Sa sobrang lapit namin, amoy na amoy ko yung perfume niya na sobrang bango.
He lifted my chin so that our eyes met.
"Ayaw mo na ba sakin?" Namamaos niyang tanong. "Bakit hindi moko matingnan? Magmula ng tumapak ka rito, hindi ka lumingon sakin. Your eyes are always on justine and you always smile when with him. Kapag sa akin naman, parang lagi kang takot, galit, umiiwas." Mahina niyang hinaing. Naramdaman ko pa iyong pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa boses niya at sa mga salitang lumalabas sakaniyang bibig.
Ano bang nangyayari kay kuya? Bakit...
Bakit para siyang batang nagsusumbong sakin? Parang batang pinagkukumpara na mas magaling yung kalaro niya kaysa sakaniya.
Ibubuka ko palang sana ang aking bibig para magsalita pero inunahan na naman niya ako.
"That night..." Bumuntong hininga pa siya saka tumingala sa langit. Nakita ko tuloy yung paglunok niya at ang paggalaw ng kaniyang adam's apple. "When you came to my place, marami akong mga mali at masasakit na salitang nasabi sayo, but baby... I fucking regret all of it." He said the last sentence while looking at me. Nakikita kong namumula iyong mga mata niya, nakikita kong nahihirapan din si kuya sa sitwasyon namin.
Iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at inihaplos sa aking pisngi. Nakatingala lamang ang aking mukha sakaniya dahil matangkad ng sobra si kuya na halos hanggang dibdib niya lang ako.
"I'm not numb para hindi ko maramdaman na may nararamdaman ka sakin, umiiwas ako hanggat maari, iniiwasan kong may mamagitan sa atin dahil alam natin pareho na magkapatid tayo. Umiiwas rin ako dahil pati ako nalulunod na sa lalim ng nararamdaman ko para sayo. Bata ka palang nararamdaman ko na ito. Noong una napipigilan ko pa, may mga rason pa ako sa sarili pero habang lumalaki ka, lalo rin lumalalim ang nararamdaman ko. Gumawa ako ng paraan noon para hanapan ng butas iyong pamilya natin, baka kase isa satin ang ampon or anak sa labas, dahil imposibleng magkagusto at mabaliw ako ng ganito sa kapatid ko, pero Sophia wala. Legal na magkapatid tayo, papel man o sa dugo. Ibig sabihin nasa iisang sinapupunan lang ang pinanggalingan natin. This is wrong, Lala. Kaya nilayuan kita noon, kahit masakit din para sa akin, pinigilan ko. Pati na rin iyong nasa condo tayo, nasabi ko lahat iyon para layuan moko ulit, lalo't may nangyari sa atin, at kasalanan ko iyon. Nagpadala ka lang sa nararamdaman mo para sa akin, maling mali iyon Lala, Gusto ko nalang na kamuhian mo ako. I'm really sorry. " Nakikita kong nasasaktan rin si kuya, napakagat nalang ako sa aking labi sa pagpipigil na huwag mapaiyak.
Pero hindi ko talaga mapigilan ang bugso ng damdamin ko e. Naiyak ako ng makita kong namamasa ang gilid ng mga mata ni kuya. Pinipilit niyang magmukhang matapang sa harap ko, pero alam kong mas malala pa iyong nararamdaman niyang sakit kumpara sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Kuya
RomanceSERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, parati na silang magkasama at wala siyang ibang kalaro kundi yung kapatid niyang lalaki. But when she...