PART TWENTY-EIGHT

5.4K 206 32
                                    

PART TWENTY-EIGHT

.

Pagkatapos kong kumain sa baba ay agad akong umakyat sa aking kwarto para magisip-isip.

Ano na gagawin ko niyan?

Sasabihin ko ba ang totoo sakanila? O hahayaan nalang na tumanim sa isip nilang si Justine ang ama ng dinadala ko?

Inis kong ginulo ang aking buhok at pabagsak na humiga sa kama.

Tumitig lamang sa kisame at nagaabang na matunaw ito. Though, napaka imposible non, tinitigan ko lang talaga iyon para wala ng pumasok na isipin pa sa utak ko.

Napapagod na akong magdesisyon sa buhay, gusto ko na lang maging tubig sa ilog na go with the flow lang.

Papikit palang ako ng marinig na tumunong ang phone.

Agad ko itong dinampot. "Nash?" Sagot ko sakabilang linya.

"Ayarn, umariba na naman kahibangan mo mars." Boses ni Raraff.

Nanlulumo akong humiga ulit sa kama.

"Napatawag ka?" Tanong ko.

"Nung marinig mo ang maganda kong tinig parang naging lantang gulay ka? Ano choosy ka pa ha? Aba bakla, apaka swerte mo at pinagaaksayan pa kita ng laway para lang makausap- aray naman Apple! Bakit ka ba nanghahampas! Apaka haba na talaga ng sungay mo ano, halika nga dito ne-nail cutterin ko yang sungay mong demonyita ka."

Nailayo ko ng di oras sa aking tainga ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya. Maingay rin ang background, mukhang nasa cafeteria sila. Sabagay ganitong oras, break time na sa school.

"Hello Lala?" Si Apple.

"Bakit?" Walang gana kong sagot.

"Tinakbo ko muna itong cellphone ni bakla, kung ano ano na naman kasing sinasabing hindi naman importante." Natatawa nitong sabi.

"E bakit nga ba napatawag kayo? Break time niyo diba?" Tanong ko.

"May nalaman kasi kami about kay... Kuya Nash." Bigla ay nagseryoso muli ito.

Mabilis pa sa hangin na napatayo ako.

"A-ano?" Kinakabahang tanong ko.

"Diba kilala mo naman iyong kapatid sa labas nitong si bakla, mataas ang posisyon sa politika, para sayo nakiusap siya doon para lang maginvestigate sa kuya mo couz, although di sila close ng kapatid niyang iyon, ginawa niya for your sake."

Natihik ako. May kung anong humaplos sa aking puso ng marinig ko iyon.

Naiiyak ako dahil hindi ko na mapaglagyan ng emosyon ang ginawa ng kaibigan ko para sa akin.

Sa totoo lang kasi si Raraff iyong tipo na sobrang taas ng pride, umiyak ka man ng dugo diyan wala siyang pake sayo unless close kayo niyan.

I'm very thankful that I'm one of the closest friends.

"T-Talaga ginawa ni bakla iyon?"

"Yeah. Sweet no? May sayad lang talaga madalas." Malakas itong tumawa, ngunit agad ding natigil. "Ahm... Couz, sorry kung wala akong na-iambag na info about kay kuya Nash." Malungkot ang boses nito. "Paano ba naman kasi, pati mga relatives natin doon na maari kong matanongan ay mukhang nasuhulan na niya. Hindi ko kasi macontact e. Hindi pa ako nakakarating doon kaya wala rin akong ibang kakilala, sorry talaga ha."

Nagpunas ako ng mga luha at muling nag focus sa kausap. " Hala okay lang yon Apple. Sobrang maraming salamat talaga sa effort niyo."

"Ano ka ba, basta para sayo gagawin namin lahat."

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon