PART NINE

7.7K 250 68
                                    

PART NINE

.

The days passed but he still didn't have the teddy bear he promised.

Sinungaling.

Nanlulumong bumangon ako sa aking kama. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sakanya. Hindi na ulet kase siya nagpakita saken after what happened.

Dapat sanay na ako sa mga ganito e. Noon palang naman nagagawa na niya akong sabihan ng masasakit na salita, so ano pa bang bago roon?

Kagigising ko lang, matapos makaidlip sa sobrang dameng school works. Well, it's normal because I'm in college.

Pasado alas onse na nung chineck ko ang wall clock sa kwarto ko. Baba lang ako saglit sa kusina para uminom.

I walked from my bed to the door of my room and open it, but I was surprised by the human size teddy bear. Naka sandal ito sa pinto ni kuya at nakatapat saken.

Actually mas malake pa nga ito kaysa sa sinira niyang bigay ni kuya Jave. Napalingon-lingon pa ako sa pasilyo namin kung may tao pero wala.

Wala sa sariling napangiti ako at itinayo iyon.

"You're so cute." Papuri ko don sa teddy bear habang sinusuri bago niyakap. "And soft."

Nakalimutan ko ng nauuhaw ako kaya bumalik akong kwarto at nilock yon. Inihiga ko iyon sa kama saka niyakap.

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabeng mas maganda at mas malaking teddy bear pa ang bibilhin niya. Napangiti ulet ako.

"Not bad." Naiusal ko na lamang.

Bakit hindi niya personal na binigay? Nahihiya? Or ayaw niya lang talaga akong makita?

My heart ached at that thought.

So hindi ko pa rin pala nababago yung kung anong turing niya saken. Oo maayos na kameng naguusap ngayon but we can never be so close again as what we are before.

UMIKOT AKO SA HARAP NG SALAMIN.

Gumising ako ng maaga dahil linggo ngayon. May balak akong magshopping today but before that, dadaan muna ako ng church.

Tinitigan ko ang sarili sa harap ng salamin. I'm wearing an off shoulder white dress. Its end is just an inch above my knees. I also put light make up and curl the tip of my hair.

Para bumagay sa outfit ko, nagsuot din ako ng white strapped sandals.

Bitbit ang shoulder bag, lumabas ako ng kwarto. Sakto namang kakabukas lang din ni kuya ng pinto niya.

Syempre ito na naman yung hindi normal na pagtibog ng puso ko. Hindi ako tumingin sakaniya pero ramdam kong tinititigan niya ako.

He's half naked. Kaya ramdam ko rin yung pamumula ng mukha ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuloy-tuloy siyang naglakad pababa.

Sumunod ako para makababa rin.

Wala ba siyang balak magsimba? Sabagay simula nung di niya na ako kinakausap ay hindi na rin siya sumasabay sa aming magsimba.

Papalayas na ako ng maalala ko yung teddy bear. Nagdalawang isip ako kung mag te thank you ako o wag nalang. Pero pinili kong bumalik at sumilip sa kusina kung nasaan siya.

"K-kuya..." mahina kong sabe.

Nilingon niya lang ako at tiningnan na parang isa akong walang kwentang bagay.

"Thank you po don sa teddy bear." Mas deretso kong sabe habang nakayuko.

Katahimikan ang sagot. Tiningnan ko kung anong ginagawa niya, but to my surprised nasa harap ko na siya.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon