PART TWENTY-THREE
.
"Uminom ka muna." Inabotan ako ng tubig ni Justine. Bumaba siya sa kusina kanina para lang dito.
Medyo mahinahon na ako pero mahapdi pa rin ang mga mata ko. Sumasakit na rin ang aking ulo dahil sa sobrang pagiyak.
Naamoy ko rin kay Justine iyong alak pero mukha naman hindi siya nalasing. Nasabi niya nga pala kanina na naginuman sila bago nawala si Nash.
"Naginuman kayo?" Mahina kong tanong.
Sinisipon na din ako. Medyo hindi maayos ang boses. Kung titingnan ko ang sarili sa salamin mukha akong binugbog.
"Yes. Siya yung nag aya na maginuman kami dahil nga sa nangyari sa inyo. Hindi niya sinabi ang buong kwento, basta ang sabi niya sa amin ay pinagalitan kayo pareho. But I know the truth, so I guess nalaman na nga ng parents niyo katotohanan at tama nga ako. Nasabi niya rin na gusto siyang ipatapon sa US, kaya galit na galit siya. But out of nowhere, bigla nalang siyang nawala noong nagpaalam mag c-cr lang." Pagkukwento nito. Naka upo siya sa tabi ko habang ako nakahiga.
"Hinahanap niyo siya?" Tanong ko pa.
"Yup, actually nag decide kami na maghiwa-hiwalay at puntahan iyong alam naming lagi niyang pinupuntahan. Kahit ganito kami kabaros, nagalala naman kami para sa kaibigan namin. Kahit ako, kahit ilang beses na akong nasapak non..." Sabay haplos sa namamaga niyang labi. "Nagaalala pa rin ako sa kalagayan niya. Alam ko na agad na pupunta iyon dito, hindi nako nagsama ng iba dahil secret iyon diba? Na mukhang hindi na ngayon dahil alam na ng magulang niyo." Mahina lang ang huling sinabi nito.
"Kung nag aalala ka pala para kay Nash, bakit mo ko kinampihan kanina? Bakit ginatungan mo iyong kasinungalingan ko para lang mapalayas siya dito? Bakit nagawa mo pang saktan iyong kaibigan mo at nag embento ka pa ng kwento?" Mataman kong tanong.
"If I will choose between you and Nash, I'll choose you, Lala." Seryoso nitong sagot. "Oo, kaibigan ko siya, pero hindi ko i-totolerate ang ganitong sitwasyon if ikaw na iyong dehado. Oo, tanggap ko iyong relasyon niyo, tanggap kong mahal niyo ang isa't isa at sabi ko nga diba hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko kapag alam kong hindi ako gusto nung tao. Pero Lala, this is for your sake. Mas mabuti ng maki elam ako, maki sawsaw ako, para lang magkahiwalay kayo. Dahil mas gugustohin ko na iyon kaysa sa magulo ang buong angkan niyo dahil sa issue na ito."
Pagod akong ngumiti sakaniya. "Maraming salamat talaga sayo Justine. Sobrang laki ng itinutulong mo sa akin kahit na nasasaktan ka din."
"Wala iyon. Pareho akong nag aalala sa inyo, ako lang iyong kaibigan niyong nakakaalam kaya kailangan ko kayong tulungan." Nakangiti rin nitong sabi.
Balak ko na sana itulog nalang lahat, ngunit bigla ay may naramdaman akong parang may humahalukay sa aking tyan.
Akto akong nasusuka, napahawak ako ng di oras sa aking bibig at mabilis na napatakbo sa cr ng aking kwarto.
"Lala!" Sigaw ni Justine pero hindi ko na pinansin.
Napayuko ako sa lababo dahil sa pagsusuka ngunit wala naman lumalabas. Nararamdaman kong parang may humahalukay na naman sa aking tyan. Ngunit puro tubig lamang iyong nailalabas ko.
Noong nahimasmasan ako, nagmumog at akmang lalabas na ay napatigil din dahil nakaharang si Justine. Gulat at pagkalito ang nababasa ko sakaniyang mukha.
"Don't tell me..." nakaturo pa sa tyan ko.
"What?" Kunot noo kong tanong.
"Buntis ka nga?" Mahina niyang tanong.
Bigla akong kinutuban. Nagdagsa bigla sa akin ang kaba. Malalamig na butil ng pawis ang unti-unti kong nararamdaman dahil sa kaba. Mabilis akong lumabas at hinanap sa bag ang phone, hinahanap ang calendar at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Justine na sumunod sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Kuya
RomanceSERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, parati na silang magkasama at wala siyang ibang kalaro kundi yung kapatid niyang lalaki. But when she...