Short update guyss. Sorry busy talaga ngayon eh, completion of requirements, pre-lims, and finals. kaya sorry pooo. ^_^. Sa Without You readers kung meron, sorry nawawala po kasi ung file ko kaya di ako makapag-update, pero soon makakapag-update na ko dun pag nahanap ko ^_^
*
STEPH'S POV
Kinakabahan ako. Kakagising ko palang pero grabe na ang kaba ko para sa gagawin ko ngayong araw. Pero at least nakatulong yung sinabi nung apat sa akin kagabi.
FLASHBACK
“About my three suitors” pagkasabing pagkasabi ko palang ng topic namin ay nagseryoso agad yung mga mukha nila.
“Alam kong alam niyong nanliligaw sa akin si Val, Carlos at Ivan. Pero kasi si Dylan kailangan ng tulong ko. He needs a girlfriend for his safety because of his popularity. That's what he said. Ngayon hindi ko alam kung paano ko babustedin yung tatlo. Wala pa akong feelings sa kanila kaya ayos lang. Pero sila? Hindi naman sila manliligaw kung wala. Bukas sabi ni Dylan kailangan ko na silang bustedin. Kinakabahan ako dahil ayokong saktan sila. Lalo na at hindi ko pwedeng ipaalam sa marami na magiging fake girlfriend ako ni Dylan” tinignan lang nila akong lahat ng seryoso.
“Girl, ikaw na nagsabing wala kang feelings sa kanila. So sa tingin mo pag pinatagal mo ang pambabusted sa kanila hindi sila mas masasaktan? Masakit mapaasa Steph.” sabi ni Elijah
“Steph, kaibigan mo parin silang lahat. Lahat sila hindi lang basta manliligaw lang ang konekta nila sayo. So kung babustedin mo sila maiintindihan din nila yun. Wala naman sigurong hindi masasaktan kapag nareject kaya natural lang yung ganung feeling.” sabi naman ni Alys.
“Girl naman, agree ako sa sinabi nung dalawa. Isipin mo nalang to. ‘Ang love parang paghihintay ng jeep. Kapag puno na lalagpasan ka lang pero tandaan mo marami pa namang namamasada.’ kaya pag binusted mo sila at nalaman na kayo na nung Dylan maiintindihan din nilang meron na pala kaya sila nabusted. Hindi lang ikaw ang babae sa mundo kaya wag kang masiyadong kabahan.” sabi naman ni Joyce.
“Steph, ganito lang din yan. Masakit mapaasa oo pero niligawan ka nila kasi gusto nila. Si Dylan kailangan ka at tutulungan mo siya. Isipin mo na lang na magdodonate ka ng tatlo mong barbie para lang matulungan ang isang charity. Nagegets mo ba kami?” sabi naman ni Sheilah
“Thank you girls.” tiyaka naman kami naghug.
“Tara na nga at matulog.” sabi ni Joyce kaya nagkaniya kaniya na kaming higa.
END OF FLASHBACK
“HELLO?! EARTH TO STEPH!”
“A-ano ba yan J-joyce! Nagulat ako!”

BINABASA MO ANG
The Opposites
Roman pour Adolescents"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...