Chapter 46: Waiting

30 1 1
                                        

A/N: A short update for you guys :) hindi talaga dapat to ganito kaikli kaso hindi ko na maalala yung mga dapat talagang mangyayari rito sa part na to, nawala kasi yung original chapter na nagawa ko noon -_- Kaya ayun napagawa na naman ng bagong Chapter 46. Currently tina-type ko na yung Chapter 47 hahahahaha. After all those months na hindi ako nakakapag-update ito na ilang chapters na lang matatapos na. More than 5 chapters pa naman, oo spoiler ako. Ganon talaga kwento ko to eh. Hahahahaha, enjoy reading. Mahal ko lahat ng nagbabasa nito <3 :)



Chapter 46: Waiting

STEPHEN'S POV

Medyo busy ngayon. Inaasikaso ko kasi yung investigation sa nangyari kay Steph. Si Steve ang nagbabantay kay Steph sa ospital, parang ako na rin yon eh. Laging nasa ospital, nakabantay, nakatitig, at kinakausap yung kapatid ko. Hindi siya umaalis sa tabi ni Steph basta nandodoon siya sa ospital. Siya na nagaasikaso ng lahat. Minsan nga eh gusto ko siyang sapakin, para mahimasmasan ng konti, kasi bumabalik na naman yung dating siya. Lagi na namang tahimik, at ang tipid tipid magsalita. Hinahayaan ko na lang muna dahil alam ko namang naapektuhan siya ng sobra sa mga nangyayari ngayon. Kung sa amin mahirap to, mas lalo naman sa kanya. Hays.

Sa ngayon may progress na yung investigation ng kaso, papunta nga kami ngayon sa LTO para kunin yung identification ng plaka ng kotse na nakuha nila sir George sa pagiimbestiga. Si Sir George yung namamahala ng imbestigasyon, at dahil sa kanya nakakuha na ng maraming leads at mayroon ng primary suspect na tinitignan. Nandito na kami sa may LTO. Sa may pinaka receiving ng area ng office lang ako pinag-stay. Ang sabi maghintay lang daw muna ako rito hanggang sa makuha niya lahat ng kailangan naming inpormasyon dito.

"Sir, nandito na po yung mga kailangan natin. May picture rin po ako kung kanino nakarehistro yung kotse." Salubong sa akin ni Sir George.

"Pwede ko bang tignan yung picture Sir? Baka sakaling kilala ko." Sabi ko rito at tinanguan lamang ako nito bago iabot yung folder na hawak niya.

Angelica Richards... Bakit parang familiar sa akin yung pangalan at itsura niya? Saan ko siya nakita?

"Bakit sir?" tanong sa akin ni George.

"Pamilyar sa akin ang babae na to. Yun nga lang hindi ko maalala kung saan ko siya nakita." Sabi ko naman

"Pupuntahan po naming ang address na ito, may search warrant na po kasi tayo."

"Sir, ayos lang ba kung huwag muna? Siguro puntahan niyo lang yung address para makasiguro tayo na totoong address ang nasa sa atin. Pero wag muna kayo mags-search hangga't wala yung pahintulot ko."

"Sige sir, kung iyon ang gusto ninyo."

"Sige sir, babalik na muna ako ng ospital." Pamamaalam ko rito at nginitian lamang niya ako bilang tugon. Hindi ko alam kung bakit pero iba yung pakiramdam ko ng makita ko yung posibleng suspect. Parang pakiramdam ko mayroon siyang konekta sa amin.


Nang makarating ako sa ospital, tahimik lang akong pumasok ng kwarto ni Steph kaya walang nakapansin na nandoon ako. Akala ko si Steve lang ang maabutan ko roon, kaso nandito rin ngayon yung banda. Ang Polarity. Minsanan lang makabisita tong mga to rito dahil na rin sa busy sila sa mga guestings at kung ano ano pa nila. Wala, sikat eh.

"Bibili muna ako ng kape para sa ating lahat. May ipapabili pa ba kayo?" Sabi ko naman para mapansin nilang nandito na ako hahahaha.

"Wala naman kaming ipapabiling iba. Salamat pare." Sagot sa akin nitong si Kyle.

"Ay pare, ako fruit juice na lang hindi ako mahilig sa kape eh. Salamat." Bilin naman sa akin ni Derrick at tumango ako bilang sagot bago tuluyang umalis. Sa may canteen lang naman ako ng ospital bibili kaya hindi naman ako mahihirapan magbitbit


"Ate, limang cappuccino po at tyaka isang orange juice."

"5 cappuccino and 1 orange juice. Is there anything you would like to add sir?"

"Wala na po."

"355 pesos, sir."

"I receive 400 pesos."

"Miss, keep the change." Sabi ko naman. Masyadong formal tong si ate para sa cashier ng canteen ha. Infairness hahahahaha.

Nang makarating ako sa kwarto ni Steph naguusap usap yung tatlong kasama ni Dylan habang ako isa sa ko namang inabot yung cappuccino na inorder ko sa baba.


"Pupunta ba yung munting bisita ni Dylan dito?"

"Sino ba?"

"Si Angelica yu---" Narinig ko lang yung pangalan na yun ay nakaramdam ako ng pagkainis kaya nahatak ko agad yung kwelyo ni Derrick.

"Sino kamo yung pupunta rito?" sabi ko, alam kong nabibigla sila sa ikinikilos ko pero on impulse lang ang galaw ko.

"Si Angelica pare... Bakit? Bitawan mo ako."

"Sinong Angelica?" tanong ko.

"Angelica Richards pare." Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasapak ko siya sa sobrang inis ko.

"Huwag niyong subukang papuntahin dito yan at baka mapatay ko yang babae na yan." Sabi ko ng galit na galit.

"Kalma pare, kaano ano mo ba yung babae?" tanong sa akin ni Kyle.

"Kayo, kaano ano niyo yon?" balik tanong ko sa kanila.

"No. 1 ata ni Dylan yon eh. Lahat ng gigs namin andon yun nakasunod. Ngayon nga hindi namin alam kung paano niya nalaman yung appointment namin ngayon dito sa ospital." Sagot sa akin ni Jake

"Huwag niyo papupuntahin rito yon. Siya yung primary suspect sa nangyari kay Steph. Kanina ko lang nakuha yang pangalan na yan. Akalain mo bang malalaman ko agad kung kanino siya konektado?" sabi ko ng puno ng inis.

"Mabuti naman nalaman mo agad. Pero pare isa lang naman nasisiguro namin sayo. Wala kaming kinalaman doon. Kung nakikita mo naman, mahal ng kaibigan namin yang kapatid mo." Paglilinaw ni Kyle, na ngiti lamang ang sinagot ko. Umupo lang muna ako para kumalma ako, baka kung ano pang mangyari sa akin sa daan kapag lumabas akong nakakaramdam parin ng inis at galit.


Akalain mo nga naman, ang bilis ng progreso ng paghahanap sa salarin sa nangyari sa kapatid ko. Bakit naman gagawin yon ng babae na yon? Malamang konektado yung dahilan kay Dylan. Tangina hindi ko inaasahan to, pero masaya ako. Masaya ako kasi kahit papaano may nagagawa na ako para sa kapatid ko.

"Mga pare, aalis muna ako may pupuntahan lang ako. Bantayan niyo yung kapatid ko. Yung babae wag na wag niyo patutungtungin dito." Bilin ko sa kanila, at nakatingin lang sa akin ng mataman si Steve.

"Steve, bantayan mo si Steph. Tawagan mo lang ako kapag kailangan. Salamat. Ingat ka dito." Bahagya tong ngumiti bago humarap ulit sa kapatid ko.

"Ingat kayo rito." Pamamaalam ko at tinanguan lang ako ng apat na ugok.

Pupunta ako ulit kay George. Hindi pa naman gabi eh, ngayong araw na mismo namin gagawin ang search warrant. Gusto ko ng malaman ang dahilan sa lahat nang nangyari na to.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon