Chapter 49: Wedding day
DYLAN'S POV
"Tapos ka na ba? Sorry hindi kita nasamahan kasi may meeting yung banda, sabi kasi sakin sandali lang. Hindi ko alam na aabot kami ng ilang oras."
"Okay lang Lan, kakatapos ko lang naman eh bakit?"
"May susundo na ba sayo Tep? Wala naman na kong gagawin masusundo kita."
"Wala pa naman, sige hintayin na lang kita dito sa labas ng boutique"
"Sige, may pupuntahan pa tayo ha?"
"Saan?"
"Magdidinner lang tayo Tep. Bye na I love you"
Buti naman hindi siya nagtatampo dahil hindi ko siya nasamahan mamili ng wedding gown niya, kasi naman tong si Jake eh hinatak agad ako sa meeting. Sana hindi rin nagtampo yun kasi binabaan ko siya hahahaha. Nakapili nga kaya yun ng gown niya?
"Dyl, saan tayo magdidinner?"
"Ikaw, saan mo ba gusto?"
"Kahit saan"
"Walang kainang ganon Tep"
"Itigil mo yung kotse!"
Nakakagulat naman tong pagsigaw nito, ano nainis ba siya dun sa sinabi ko? Mukha nga, biglang bumaba ng kotse eh.
"Tep, uy. Saan ka pupunta?"
"Kakain."
Pagtingin ko kung saan kami nahinto, sa Jollibee lang naman. Nagc-crave siguro to.
"Ip-park ko lang ng maayos yung kotse."
Aba hindi na ko sinagot at nagdire-diretso na papasok. Pagkapasok ko sa loob, hinanap ko agad kung nasaan siya, nung nakita ko na siya gusto ko sanang tumawa dahil ang daming pagkain nung nasa lamesa.
"Kaya mo bang ubusin yan Tep?"
"Hindi lang naman ako kakain niyan, pati ikaw."
Kaya naman pala, para samin pala. Akala ko siya lang talaga kakain ng lahat ng to hahahahaha. Kapag nakikita ko talaga siyang kumakain di ko maiwasang mapangiti. Masyado kasing careless kain lang talaga ng kain, minsan may naiiwan pa sa gilid ng bibig niya.
"Dyl"
"Bakit?"
"Sa bahay, mo na ako ihatid ah?"
"Sige, kaso mas malayo ng konti dito yun. Matulog ka muna habang bumabiyahe kung gusto mo."
Buti na lang pala pinatulog ko siya, kung hindi kanina pa inip na inip to. Ang traffic kasi eh, kung hindi magiingay yon sa inis, pagt-tripan naman niya ako. Makita ko lang siyang tulog natutuwa na ko, kasi diyan ko nakikita na ayos lang siya. Ang himbing niya kasi kung matulog, nakakahawa. Narerelax din ako kahit papaano. Yun nga lang minsan nags-sleeptalk to kaya minsan natatawa rin akong panoorin siyang matulog.
"Dar..."
*After 2 months*
The day that I've been waiting for is now here, but this is going to be the end of everything for me. I'm happy that we've been together for those times. We were truly happy together. Today will be the day where in I will wait for the love of my life in the altar while looking at her walk in the aisle. I'll cherish this moment. This very moment that will soon fade. She's all I've been wanting for my entire life. Indeed, everything must come to an end.
"Pare, ano na? Ang tahimik mo. Huwag mong sabihing ikaw pa ang kabado diyan?"
"Oo, kinakabahan talaga ako hahahahaha."
"Hay nako, easy ka lang. Kapag tapos na to? Panigurado ang saya saya mo." Nginitian ko na lang si Jake bilang sagot. I know I should be happy, but no one knows that this is going to be end for us.
In a few hours pupunta na kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Everyone is congratulating me. They got the wrong person to congratulate. Naluluha na yung mata ko, hindi ko malaman kung dahil ba sa saya o dahil sa lungkot. I've been waiting for this day, but I didn't expect it to be like this. One thing that I'm sure of? It'll be hard for me to get through this. Sana nga ma-overcome ko lahat ng to. I'll try my best to be happy.
"Anak, may problema ba?"
"Dad, mom. Huwag na kayong um-attend ng kasal please. And do me a favor. This will be the last. I'm sorry" tinitignan lang nila akong dalawa na para bang nababaliw na ko, pero sa huli pinagbigyan din nila ako at sinabing naiintindihan nila ang desisyon na ginawa ko. Sinuportahan parin nila ako, and I'm happy for that. At least alam kong may nakakaintindi parin sakin kahit na kung titignan isang malaking katangahan yung gagawin ko.
"Dylan, andyan na yung kotse. Tara na."
"Sige. Susunod na ko Kyle. May kukunin lang ako."
Hinanap ko pa sa drawer ko yung letter. Letter na ginawa ko last week. Yun yung araw na napag desisyunan ko na ito ang mas tamang gawin. Kahit masaktan at magmukhang tanga. It'll be the best for her and that's what I really want. Nang makarating ako sa kotse nandon na sila Derrick. Ayaw daw nila sumabay sa mga babaeng kapartner nila sa entourage dahil baka daw masira pa yung kasal at hindi sila sumipot lahat. Magkaka-partner kasi sila ng mga kaibigan ni Steph. At pareho silang naiinis sa isa't isa. Si Jake nga may ex pa sa kanila. Kaya ayon napagtripan namin at pinagsama sama sila. Kaso wala, humiwalay tong tatlong kumag hahahahaha. Mga 30 minutes din siguro yung biyahe. Na-traffic kasi kami along the way. Buti na lang mas nauna parin kami kaysa kila Steph. HAHAHAHA.
"Kanina sabi sa amin ni Jake nagd-drama ka. Bakit ngayon parang okay ka na?"
"Ganon talaga Kyle hahahaha."
"Wala, ikakasal na vocalist natin eh. Hanap na tayo bago hahahaha." I'm just trying to embrace the reality that I'm in.
"Pare, parating na daw sila Steph. In 20 minutes or so sisimulan na daw yung entourage."
"Ah ganon ba? O sige. Pupunta na ko sa altar."
"Sige pare, goodluck."
"Salamat, Jake."
Parating na siya. It's also getting near. Malapit na malapit na.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Genç Kurgu"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
