Chapter 47: Awake

22 1 0
                                        


A/N: I know in the last chapter sabi ko tinatype ko na tong Chapter 47. Pero natagalan parin yung paga-update ko. Well it's due to private reasons. May nangyari lang sa bahay, pero okay naman na. Another reason kung bakit hindi ako nakapag update, kasi hindi ko mapindot yung +New Part na button para maiupdate ko tong story, hindi ko alam kung bakit nagkaganon. Ayaw rin namang maedit nung ibang chapters na napublish na kaya nag-comment na lang ako sa chapter 46 di ko alam kung napansin niyo yun, nagbakasakali lang ako don hahahaha, so anyway okay na siya ngayon. I hope meron paring nagbabasa nito. At kung may reader man nito na binasa rin yung isa ko pang story, after po ng story na ito ay ire-resume ko na po yung story na yon. At kung wala man pong reader rito ng story ko na yon. It's entitled "Without You" Well it's about a girl who's broken hearted and her journey in her life without the person that brings her happiness. Sabi nga nila diba it's hard to forget someone who gave you so much to remember. So tungkol sa ganon yung isa ko pang story na ireresume ko kapag natapos to. Nai-segway ko lang hahahaha. Maikli lang tong update na to, sorry po. So ito na yung Chapter 47. Enjoy reading


Chapter 47: Awake

STEPHEN'S POV

Tinawagan ko agad si George ng makalabas ako ng ospital, sinabi kong ngayon na naming gagawin ang search warrant dahil may nalaman ako tungkol sa suspect at pumayag naman ito, pero sinabihan ako na ang mga pulis at siya lamang ang maaring pumunta para maiwasan ang panibagong gulo na pwedeng mangyari kaya pumayag naman ako, sinabi ko na lang na kung maaabutan nila doon si Angelica ay mas mabuti kung idi-diretso siya agad sa pulisya para malaman ang pinaka dahilan ng lahat. Sa ngayon, ipinagdadasal ko na sana maayos ang kalabasan ng lahat nang nangyayari ngayon, na sana walang mangyaring hindi maganda.

Nasa office ako ni Dad ngayon, ayoko muna kasing pumunta sa ospital. Ewan ko, I think I need to loosen up. Masiyado na akong malungkot nitong mga nakaraang lingo, kaya gusto ko munang pumunta sa ibang lugar. Nandoon naman ngayon ang barkada, nakiusap narin ako kung pwedeng sila muna ang magbantay dahil nga sa nangyayari sa akin, ayoko namang ma-depress. Ibinilin ko na rin sa kanila si Steve, alam kong unti unting bumabalik yung dating siya, at ayaw naming mangyari yun ulit. May tiwala naman kami kay Steph eh, gigising din yon panigurado.

"Ang lalim ata ng iniisip mo anak?" Oh nandito na pala si Dad.

"Hindi naman po, may mga naalala lang."

"Ah, ganoon ba? Ano bang sadya mo rito, anak? Akala ko doon ka na lang lagi sa ospital eh." Ano nga bang ipinunta ko rito? Hindi ko rin alam hahahahaha

"I just want to visit you dad." Sabi ko na lang

"Really? Is that it? Come on, you can always tell something that's bothering you. Wala pa naman akong meeting." He really makes time for us when we need him. May meeting kaya siya 15 minutes from now.

"Wala dad, ayos lang ako. Bumisita lang talaga ako, uuwi muna ako sa bahay."

"Oh sige, ikaw bahala. Basta magiingat ka ha?"

"Opo dad. See you around." sabi ko tyaka ako tumayo sa sofa niya sa office niya at lumabas. Nakakatuwang makausap siya ulit ng ganon. Uuwi na lang muna ako, nakakamiss din yung bahay.

Nasa bahay na ako kanina pa, kung ano ano lang ginagawa ko. Nanonood ng tv, kinakamusta sila rito sa bahay, umiikot, nakapag swimming na nga rin ako kahit sandali lang, nung magpapahinga na sana ako biglang akong nakatanggap ng tawag mula kina Joyce, ang sabi gising na daw si Steph. Nung una akala ko nagj-joke lang sila at pinagt-tripan lang nila ako, pero kinumbinsi nila akong totoo nga ang sinasabi nila. Kaya ito ako nagmamadaling pumunta sa kanila. I'm so excited to see my sister again. May mga pagbabago kayang nangyari sa kaniya? Wala naman siguro siyang nakalimutan hindi ba? Hays, sana nga.

"Sa wakas nandito ka na, what took you so long?" bungad sa akin nitong si Alys.

"Medyo traffic along the way. Kamusta na siya? Anong findings ng doctor?"

"She changed a little."

"What do you mean Alys?"

"Tinatawag niya si Dylan ng "Lan" na hindi naman niya tinatawag sa kanya noon, and it's like she's longing for him. Tapos ichapwera si Steve. Well kinakausap naman niya, pero iba yung pakikitungo niya. Kanina naghahanap ng pwedeng pag sabihan ng findings yung doctor, at ako na yung nag volunteer. At ang sabi ng doctor, she might really forget some things in the present. Kumbaga parang mas maalala niya yung mga nangyari sa nakaraan kaysa sa mga nangyari kailan lang. Epekto daw yun ng pagkaka-comatose niya sa kanya. Hindi naman daw permanente yon, as she recovers, memories will also be back. Yun ang sabi ng doctor, pero wag daw pilitin na ipaalala. It will cause her stress, at bawal sa kanya yon."

"Nasaan si Steve ngayon?"

"Nandiyan parin sa loob, yun nga lang wala sa tabi ni Steph. Nasa may couch lang siya, tahimik."

"Nasasaktan na naman 'yon panigurado." Malungkot na ngiti lamang ang isinagot sa akin ni Alys.

Hindi ko alam pero hati yung nararamdaman ko. Masaya ako na hindi sa mga nangyayari ngayon. Masaya ako kasi umuusad yung imbestigasyon sa nangyari kay Steph, masaya ako na gising na siya, pero nalulungkot ako dahil kahit gising na siya, may mga bagay na nag-iba. Sana, sana maayos lahat nang 'to. Dahil alam kong hirap na hirap na yung kaibigan ko. Lalo na ngayong parang hindi maalala ng kapatid ko kung anong meron sa kanilang dalawa noon.

"Kuya, ang tagal mo naman." It's nice to see her cheerful again, but like I said I didn't like the changes that happen because of the accident.

"Sorry, naging traffic kasi kanina nung papunta ako rito."

"Ayos lang, balita ko ikaw ang nagbabantay sakin lagi ah?"

"Oo, ako nga. Napipilitan nga lang ako eh." Pagbibiro ko dito, at nainis naman agad ito sa sinabi ko. Nakakamiss yung ganito. I guess she's really fine, and I hope she recovers fast.

Nagkaroon ng kasiyahan, umingay yung hospital room kung nasaan kami. Nagbibiruan at nagtatawanan, pero sa kabila ng lahat? Mayroong nagiisang nanatiling tahimik. Si Steve. Gustong gusto ko siyang kausapin, pero alam kong kailangan niya ng katahimikan. Magsasabi naman yan kapag kailangan na niya ng malalapitan. Alam naman niyang nandito lang kaming lahat para sa kanya.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon