Chapter 23: Courting

36 1 0
                                        

THIRD PERSON'S POV

Ilang araw ng nawawala si Steve at napapansin ng lahat ito, pwera na lamang kay Steph. Hindi niya ito napapansin dahil balik siya sa dating gawi. Umiinom, pumupunta ng bar nanglalaki at iba pa. Sumasagi sa isip niya na "Bakit kaya wala si Daryle?" pero hindi na siya nagiisip ng mas malalim pa dahil ang nasa isip niya baka tinatamad lang itong pumasok at dahil narin sa ayaw niya ng isipin pa ito.

Sabado ngayon. Huling araw ng pasok nila para sa linggong ito. Magvevacant time narin ang magbabarkada. Sabado ang araw kung kelan sabay sabay ang lahat ng vacant time nila.

Maya maya pa ay may tatlong tao na magkakahiwalay ang lakad pero iisa lang din ang pupuntahan at may kaniya kaniya pang dala papunta sa dalagang nakaupo sa may puno, ang dalagang nililigawan nilang tatlo.

IVAN'S POV

Vacant time na sa wakas! Ang sabi ng barkada ay magkikita kita kami sa may field. Kaya eto ako, nagmamadaling kunin ang sling bag ko at ang bouquet of flowers ko. Pero kada flower may messsage na nakakabit dito. Ibibigay ko to kay, Steph. Ang sweet ko noh? Hahaha! Mainggit kayo! Hahaha!

Kahit mukha akong tanga na nakangiti papunta sa field ay wala akong pake. Excited na ako, ano kayang magiging reaksyon ni Steph kapag nakita niya tong kasweetan ko? Hahaha! Siguradong sasagutin na niya ako!.

Nakita ko na si Steph. Nakaupo sa ilalim ng puno at nagbabasa ng libro. Ang bilis naman niyang nakarating dito. Sabagay, may kalayuan pala ang room ko dito sa may field.

"Hi, Stephanie Gale Sy Javier." nakangiti kong sabi ng makarating ako sa kaniya. Inangat naman niya ang paningin niya at tinignan ako.

"Oh, Ivan! Halika upo ka dito." tiyaka niya pinagpag yung katabi niyang pwesto na sinasabing dito ka umupo sa tabi ko. Umupo naman ako at tyaka ibinigay sa kaniya yung flowers.

"Flowers for you." sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

"Thank you." sabi niya ng may matamis na ngiti. Nagusap muna kami habang hinihintay ang ibang barkada. Kahit kasi parepareho kami ng vacant time tuwing sabado eh, sobrang magkakalayo naman ang room namin sa isa't isa. Kaya natatagalan din ang iba.

"Stephanie!!" May sumigaw. At alam kong dalawang tao yun, tinignan namin kung sino at napasimangot ako sa nakita ko.

STEPH'S POV

Aaminin ko kinilig ako kahit papaano kay Ivan. Lalo na yung pagadress niya sa akin as Stephanie Gale Sy Javier. Ang sweet kasi ng boses niya. Tinignan ko naman yung bouquet na binigay niya. Red gumamela. Kada gumamela sa isang petal nito ay may papel na nakadikit. Binasa ko ang isa dito "Sana kanta na lang ako noh? Para kahit sa simpleng tunog na napapakinggan mo eh napapangiti na kita." Yung mga lintanyang ganiyan? Kahit playgirl naman ako walang masamang kiligin. Aba! Hahaha! Hindi ko napigilan at napangiti na lang ako. Ay shems! Hahaha!.

Nagusap lang kami sa iba't ibang bagay, at isang nakakatawang bagay ang nalaman ko sa playboy ng Haniele. Favorite niya si Dora noon. HAHAHA! Bakit hindi na lang si Boots? Bakit si Dora pa? Hahaha! Bagpack!, bagpack!. Hahaha!

"Stephanie!!" May sumigaw. Tinignan naman namin at sila Val lang pala, pero nung mapalingon ako sa katabi ko ay nakabusangot na siya. Hahaha! Selos much? Wala pa ngang nangyayari eh. Tinawag lang ako nakabusangot na siya diyan. Hahaha!.

"Chocolates for you."

"Cookies for you." sabay nilang sabi at abot sa akin, and for the second time in this day kinilig nanaman ako. Pinaupo ko muna sila.

Pano ba naman. Yung chocolate na bigay ni Carlos eh letters. Letters ng pangalan ko. I found it sweet, talagang nagpagawa pa siya sa ate niyang masungit sa kaniya ng chocolate para lang ibigay sa akin. Paano ko nalaman? Eh sa mga binebentang chocolate ng ate niya eh ang lalagyan nun eh may pirma, at may pirma ito.

Pati yung bigay ni Val na cookies kinilig din ako. Alam niyang favorite ko ang cookies at alam kong marunong siyang magbake nito kaya for sure ay siya ang nagbake ng cookies na to. Why such effort? Kinikilig na talaga ako grabe! Hahaha!.

Kelan ba dadating yung barkada at parang ang tagal nila? Hindi na maalis yung ngiti sa labi ko oh. Masiyado na akong kinikilig, gulay!

Grabe, ngayon na lang ata ako kinilig after nung kay R-ren. Hindi naman ako bitter kay Ren. Mahal ko parin yung tao pero nabawasan na. Salamat sa mga taong di umalis sa tabi ko nung mga oras na sobra akong nasasaktan dahil sa pagkawala niya. Dahil sa pagkawala niya na akala ko eh katapusan narin ng mundo ko. Yung pagkawala niya na, dahil sa hindi ko kinaya ay naglaro na lang ako. Naglaro na lang ako para hindi masaktan. Para hindi ko maramdaman ulit yung pakiramdam na nagiisa ka dahil naiwanan ka.

"S-steph? Bakit ka umiiyak?" seryosong tanong ni Ivan. Yung dalawa nagiwas tingin na lang. May pakiramdam siguro silang naalala ko nanaman si Ren.

"Wala, baka nagluha lang ung mata ko. Naabutan mo akong nagbabasa ng libro kanina diba?" pagpapalusot ko kay Ivan. Hindi pa kasi ako handa na i-open sa lahat yung past ko.

"Ah, sabagay. Akala ko naman kung ano na." nakangiting sagot sa akin ni Ivan.

Bumalik kami sa pagkukuwentuhan ng mga masasayang bagay. Minsan nga natetempt ako na sabihin na alam niyo ba si Ivan favorite si Dora noon. Hahaha! Hindi parin ako maka-move on. Kanina nga lang iniba ko na yung name niya sa contacts ko at ginawa kong Dora. Hahaha!

"Guys!"sigaw ni Elijah.

"Sorry at nalate kami. Bumili na lang kami ng pagkain para hindi na tayo, hassle. Tara kain na tayo." sabi naman ni Alys at umupo para ilatag ang mga pagkain, tumulong naman kaming lahat.

Nung itatabi ko na yung gamit ko, yung bag, libro at yung mga bigay sa akin nila Carlos ay napansin iyon ni Elijah at siniko si Alys na kumakain at napatingin sa gawi ko. Ang kaninang tahimik kong barkada na kumakain eh napalitan ng pangangantyaw nila sa amin.

"Ganun ba kami katagal at may naganap na palang ligawan dito?. Hahaha!" Mapang-asar na banat ni Miko.

Tuloy parin ang pangangantyaw nila habang ako eh kumakain na ngumingiti ngiti sa kanila. Yung tatlo naman eh namumula na ang mga tenga dahil sa mga pangaasar sa kanila ng barkada.

"Oy, tama na nga yan. Namumula na yung tenga nila oh. Baka mamaya maluto yan, may instant sisig pa tayo. Kain na muna." tinawanan muna nila ang sermon ko bago nagsimula ulit na kumain.

Ang saya saya ng barkada ngayon, sayang hindi namin kasama si Daryle. Ano na kayang nangyari dun? Please, sana naman ayos lang siya. Walang malisya. Nagaalala lang ako. Tsk. 

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon