A/N: Natutuwa talaga ako na nadadagdagan parin yung reads ng story ko na to kahit hindi ako sobrang dalas mag-update :) tysm :* pwede na ba ako magrequest ng kahit 5 votes lang para sa next update ko? hahahahahaha lol joke lang naman pero kung mabait kayo sige i-vote niyo na yung story ko pati yung isa XD on-hold na po yung isa kong story para mas makapag-focus ako dito at matapos ko na to dahil magiisang taon ko ng tinatapos to pero nagiging busy talaga ako :3 hahahahaha. So yun thank you sa sumusuporta sa story ko na to :D read, vote, comment, be a fan. tysm readers :* Enjoy Chapter 36: Jealous :))
Chapter 36: Jealous
STEPH'S POV
Pinuntahan ko si Daryle sa may Pool Bar. Siyempre nakakapag-alala kung bakit bigla bigla nalang siyang nag-iinom diba? Baka may problema na naman siya and he needs a friend. Yung mga ganun?
"Daryle, psst. Uy, bakit ka umiinom?" tanong ko sa kaniya.
"Trip lang." sabi niya sa akin ng nakangiti.
"Really?" Pangungulit ko sa kaniya.
"Yeah." Simpleng sagot niya at tiyaka nag-iwas ng tingin.
"!@#$%^&*(*&)(^%$#%^*" [I was just jealous for a fvcking reason that I don't even know.] May sinabi siya bago ako umalis pero hindi ko na siya naintindihan. Hindi ko muna siya kukulitin hindi naman niya sasabihin sakin agad yun eh.
Pumunta naman ako sa may barbeque-han naglagay pala sila nito kanina. Tuloy tuloy kasi yung pag-swimming ko kaya hindi ko na nakita.
"Kayo naman yung mag-swimming. Ako na yung bahala dito." Sabi ko naman. Tumango naman sila bago umalis. Natatakam ako sa barbeque shet lang. Kaya nung may naluto na eh, kinain ko agad. Oh, diba kumakain habang nagluluto. Tinabi ko naman yung tatlong pirasong barbeque na naluto na. Ewan ko, basta feel ko lang magtabi.
"Oy, Steph. Baka wala na kaming makain niyan ah? Kada luto eh kinakain mo. Nagtabi ka pa. HAHAHA." Pang-aasar ni Kuya. Tinignan ko naman siya tiyaka ako nag-belat.
"Umahon muna kayo. Madami dami narin 'tong naluto oh. Kain muna." Sabi ko. Lahat naman sila umahon at pumunta rito sa pwesto ko. Kaso parang kulang sila? Napatingin ako sa may Bar at nandun pa nga yung hinahanap ko. Kinuha ko naman yung natabi kong barbeque tiyaka ako pumunta sa kaniya.
"Daryle. Uy, kumain ka muna." Sabay abot ko ng barbeque sa kaniya.
"Three barbeques?" he murmured. Di naman ako nakasagot. Bakit kulang ba yung tatlo? Kinuha rin naman niya yung barbeque ng nakangiti.
"Gusto mo?" Alok niya sa akin.
"Hindi. Sayo na yan. Kumain ka lang. meron pa doon." Sabi ko naman.
"Thank you." Sabi niya naman sa akin.
"Thank you for what?" tanong ko naman.
"Thank you kasi, lumalapit ka parin kahit di ko naman sinasabing I need someone." Oh, yun lang pala.
"No, problem. Yun lang naman pala eh. Pwede mo naman akong lapitan lagi eh." Sabi ko naman.
"Really?"
"Yeah." Sabi ko naman. Napatingin naman ako sa taas. Hinatak ko naman siya bigla.
"Hey. San tayo pupunta?" tanong niya. Hindi naman ako sumagot kasi napuntahan na namin. Hinatak ko siya sa may Bathing area. Yung maraming upuan na pang sun-bathing? Dun ko siya hinatak. Pinagdikit ko yung dalawang bathing chairs para magkatabi tiyaka ako humiga sa isa.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Dla nastolatków"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...