A/N: Ang tagal ko na ring hindi nakakapag update. Sorry sobrang busy kasi talaga lately kasi patapos na yung school year kaya puro requirements na ang kaharap ko. HAHAHAHA. medyo mahaba naman tong update na to. keep reading guys. salamat sa mga nagbabasa. uhm, baka next week maka-pag update ako. I'll try my very best. Enjoy this Chapter 44: Nightmare.
Chapter 44: Nightmare
Steph's POV
"Ang ganda mo talaga ngayon." Pambobola sa akin nitong si Ivan.
"Ang tagal mo rin akong hindi pinapansin ha. Nakakatampo." Sabi ko naman, totoo naman eh. Mailap siya sakin hahaha
"Sorry naman. Wag ka na magtampo, nakakapangit daw yun hahahaha." Napasabay na rin naman ako sa tawa niya.
"Teka, Ivan pang-ilan ka na nga na sinasayaw ko?"
"Pang-19 na ko Steph"
"Hanggang ilang sayaw ba to? Medyo nakakapagod alam mo yon?" Sabi ko naman at napatawa siya.
"Hintayin mo na lang kung hanggang ilan." Bulong niya sa akin, tumango na lang ako.
Natapos na kong isayaw ni Ivan at mga 2 minutes na kong naghihintay dito kung may susunod pa ba sa kanya, pero mukhang wala na kaya tumalikod na ako at paalis na.
"When a day is said and done,
In the middle of the night and you're fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty,
Telling myself I'm the luckiest man alive." Oh biglang may kumanta, I guess tapos na talaga yun. So I got 19 roses. Diba dapat 20 kasi 20 years old ako? Well baka nagkamali sila ng bilang. So yun tuloy tuloy lang ako ng lakad, sa may entrance kanina lalabas muna ko sandali para mag star gazing tapos mags-speech ako later hahahha
"'Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life.
Why you take such a hold of me, girl,
When I'm still trying to get my act right.
What is the reason, when you really could have any man you want,
I don't see, what I have to offer.
I should've been a season, guess you could see I had potential.
Do you know you're my miracle?" Bat ganon? Parang palapit ng palapit sakin yung tugtog eh palabas nga ko ng venue. Azar pati ba naman tugtog stalker ko na? Iba talaga pag maganda. HAHAHAHAHA
"I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed." Muntikan na ko mapamura nung may humawak sa kamay ko, kaya lumingon ako agad. Di ko alam kung natatanga ba ako o ano pero si.. si.. Bakit siya nandito? Siya pa yung kumakanta ha. Hindi ko alam kung bakit pero nasampal ko siya.
"Pagkatapos mong lumandi at mawala ng isang buwan, susulpot ka sa araw na to? Bakit? Para pati tong araw na to sirain mo?" Sabi ko, at alam kong kitang kita sa mukha ko kung gaano ko siya kaayaw na makita.
Tuluyan na kong lumabas ng hotel. I know I made a scene back there. Pero masisisi ba nila ako? Nasasaktan ako eh. Hays, bakit kung kailan nawala na siya sa isip ko kahit panandalian lang bigla syang nagpakita. Halong gulat at inis yung nararamdaman ko eh. Pero a part of me is saying that I miss him so much. Pero hindi pwede eh. Napaupo na lang ako bigla, hindi ko alam yung gagawin ko.
"Bakit mo ko biglang iniwanan kanina? Sinampal mo pa ako."
"Ay puta!" Hindi ko na napigilan na mapamura. Kasi naman nagd-drama lang ako dito sa labas tapos biglang may nagsalita at nasa harap ko pa siya ngayon. Ang kapal lang talaga ng mukha ng kumag na to.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Novela Juvenil"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
