Chapter 3: First Encounter

114 10 0
                                    

STEPHANIE'S POV

Umaga ngayon at ang ganda ng panahon. Mukhang alam ko na kung saan ako pwedeng tumambay mamayang lunch vacant ko.

Dumating naman yun prof. yun nga lang, nagreview lang kami sa lectures niya last meeting at dismissed na. Ganun din naman ang nangyari sa dalawa ko pang subject bago ako magkaroon ng vacant time.

Nang vacant ko na ay dumiretso ako sa likod ng school, gusto ko kasi ng tahimik. Kakabalik lang ng klase, ayoko ng stress.

Iniisip nyo siguro kung nanglalaki or pinapairal ko ang pagiging playgirl ko rito. Kilala parin akong playgirl kahit dito sa University dahil meron parin akong nagiging flings dito, its either gusto o pinipilit lang ako para maging kami or yung mga casanova ng University. Wala eh, I play better than them. Kaya yung mga nasaktan nun simpatya sa ginagawa ko, pero nagkakahaters din naman ako dahil dun sa mga nasasaktan ko daw dahil sa pakikipagbreak at pagtapak ko sa ego ng mga ex flings ko.

*boogsh*

*boogsh*

*boogsh*

*boogsh*

“Kung kaya lang natin syang pigilan” sabi ng isang lalaki.

Nasa likod ako ng puno, nakahiga. Hindi kasi pwede sa may taas, nakapalda ako. Makikitaan ako ng mga katapat na room.

Sumilip ako at nakita ko yung isang lalaking sinusuntok yung pader. Nagdudugo ang kamay. Nanonood lang yung tatlong barkada nya ata.

“Bakit di niyo pigilan?! Nagdudugo na yung kamay, hinahayaan nyo lang. Eh kung mabalian ng buto yan?!” sigaw ko sa tatlong lalaki.

“Miss wag mo sya lapitan”

Lumalapit na kasi ako dun sa lalaking patuloy parin sa pagsuntok.

“Tutulungan ko yung kaibigan nyo, pwede ba! di niyo nga mapigilan eh. Edi ako ung pipigil.”

Napatulala lang sila sa sinabi ko. Ano bang meron sa lalaking to?.

“Ahhm. Mister, ihinto mo yang pag-suntok mo sa pader. Baka mabalian ka ng buto” mahinahon kong sabi sa kaniya.

“You don't care!” sigaw nya sakin habang sinasapak yung pader.

“I care!” napahinto sya sa pagsuntok pero tinuloy nya ulit. “Kahit di kita kilala, I care. Wala namang masama dun” dag dag ko.

“Shut up! You're annoying!” tapos tinulak nya ako. Napaupo tloy ako.

“Steve!” sigaw nung tatlo.

Steve pala pangalan niya. Tutulungan sana nila ako tumayo ng nag-gesture ako ng wag.

Nakaharap na siya sakin ngayon. Kaya tumayo na ako.

“G*go ka ba?! Tinutulungan ka na nga ganyan ka pa?!”

“I didn't tell you to help me.” Malumanay nyang sabi.

“You didn't tell, but I did. Tch. Stupid!”

O___O

Nagulat ata sya sa pagkakasabi ko ng stupid sa kanya. Kinuha ko yung first aid kit ko sa bag ko. bibili na lang ako ng bago.

Tinapon ko sa kanya yung kit.

“Gamutin mo sarili mo! Peste! Tinutulungan na, maarte pa!”

Nakatulala parin sya sakin.

“Miss, Ano pangalan mo?” sabi ng isang brown haired guy.

“Just check the blog of our school. You'll know who I am.” nakangiti kong sabi sa kaniya. Ang cute niya. lelele~. Umalis na rin ako. Naiinis parin ako, naabala ako sa pagpapahinga ko.

*Ting!*

Alam ko na!, pupunta ako sa carinderia ni Aleng Lena. ^__^.

CARINDERIA

Pagkarating ko sa Carinderia ay pinagtinginan agad ako. Sabagay, estudyante ng isang prestige school dito kakain? pero so what diba? kaniya kaniya to oy! Hahahaha!.

“Steph!”

“Aling Lenaaaa!!~”

“Ngayon ka lang nadaang bata ka?” sabi sa akin ni Aleng Lena.

“Marami na rin po kasing ginagawa eh. Pasensya na po. Isang curry nga po Aleng Lena.” nakangiti kong sabi sa kaniya.

“Ganoon ba? Buti naman at hindi ka pumapayat. Sige, ikukuha na muna kita ng paborito mo. Doon ka na umupo oh.” at tinuro niya ang isang reserved table. Doon yung favorite place ko ng Carinderia. Napangiti ako dahil nireserve pa ni Aleng Lena yun para sa akin.

Dumating narin ang pagkain ko. Sa curry ko na lang ibubuhos yung antok ko na naudlot. Hahaha!

STEVE'S POV

Nakakainis ka Joyce. Bakit ka pa  nagpakita sa akin ha? Bakit?! Arrrgggghhh!!

*boogsh*

*boogsh*

*boogsh*

*boogsh*

“Bakit di niyo pigilan?! Nagdudugo na yung kamay, hinahayaan nyo lang. Eh kung mabalian ng buto yan?!” sigaw ng isang babae pero hinayaaan ko lang.

*boogsh*

“Miss wag mo sya lapitan” parang sila Stephen yun ah. Wala parin akong pake.

*boogsh*

*boogsh*

“Tutulungan ko yung kaibigan nyo, pwede ba! di niyo nga mapigilan eh. Edi ako ung pipigil.”

“Ahhm. Mister, ihinto mo yang pag-suntok mo sa pader. Baka mabalian ka ng buto” mahinahon kong sabi nito sa akin.

“You don't care!” sigaw ko habang sinasapak yung pader.

“I care!” sigaw nito at napahinto ako sa pagsuntok pero tinuloy ko rin ulit.

“Kahit di kita kilala, I care. Wala namang masama dun” dag dag  pa nito.

“Shut up! You're annoying!” tapos tinulak ko siya, dahilan para mapaupo siya.

“Steve!” sigaw nung tatlo.

Pagkaharap ko sa kaniya ay bigla siyang tumayo.

“G*go ka ba?! Tinutulungan ka na nga ganyan ka pa?!” O___O babae ba talaga to? kung makapagsalita eh.

“I didn't tell you to help me.” Malumanay kong sabi.

“You didn't tell, but I did. Tch. Stupid!”

O___O bumalik sa ganito ang reaksyon ko. Nakakadalawang mura na to sa akin ah!.

Parang may kinukuha siyang pouch sa bag niya. Parang first aid kit, pero binati niya ito sa akin.

“Gamutin mo sarili mo! Peste! Tinutulungan na, maarte pa!” Aba't!

“Miss, Ano pangalan mo?” sabi ni Ivan

“Just check the blog of our school. You'll know who I am.”  at tyaka siya umalis. Nakatulala parin ako sa kanya kahit umaalis na siya. It's the first time that a girl cared for me. Kahit si Joyce hindi ganun. But I still hate girls. They're still annoying ever since.

Tch. Who the hell is she?. Baka pag nalaman nyang Girl-Hater ako eh, dedmahin na lang din nya ako. But why do I care?! Tsk. Makaderetso na nga lang sa parking lot. gusto kong umuwi!.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon