A/N: Mahaba haba tong note na 'to. Sorry po at after 2 months at tyaka lang ako nag-update. Nareformat po kasi yung laptop kaya kailangan kong basahin lahat ng na-publish ko ng parts para maituloy ko itong story na ito. Naging busy rin po ako sa bakasyon, at walang internet connection dahil nagrounded ako. Napakabait ko po kasi hahahaha. Anyway, I'm happy na after that 2 months umabot siya ng 1.2 k reads. hahaha, achievement na iyon hahaha. Thank you sa nagbabasa ng story ko na 'to, sa sumusupport sakin na nagvo-vote thank you din. Lalo na sa bestfriend ko na si Glenda Baldivia. She encourages me to still continue this story nung time na konti pa lang ang nagbasa or nagbabasa nito. Thank you again for reading and enjoy Chapter 33 :D Iloveyou guys :D <3
Chapter 33: Cry
STEPHEN'S POV
Pagkatapos ng madramang speech nung tatlong ugok sa kapatid ko, magwo-walk out na sana silang tatlo pero nagulat kaming lahat sa nakita namin na kahit yung tatlo eh napahinto at napatitig sa kaniya.
Umiiyak na siya. Lahat kami ngayon lang namin siya nakitang umiyak. Well, maybe hindi si Val kasi nung nakita niyang umiyak si Steph lumambot yung mukha niya at napuno ng lungkot yung mata niya, pero agad ding nagbago yung ekspresyon niya. Siguro naalala niya yung pambabusted ni Steph.
"Hirap na hirap na ako eh. May mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin kasi yun ang mas makabubuti sa ngayon, para sa lahat. Lahat nalang kayo umiiwas kahit ultimong *hik* kapatid ko galit sa akin dahil sa lechugas na pambabusted ko sa inyo? Kasalanan ko bang... kasalanan ko bang hindi ko kayo mahal? Kasalanan ko bang mas pinili kong tulungan ang isang tao at itigil ang pagpapaligaw sa inyo para hindi narin kayo umasa? *hik* Masama na bang... masama na bang isipin ko kayong lahat bago ako magdesisyon? *hik* Sabihin niyo nga?! Masama bang pinili kong bustedin kayo para hindi na kayo mas masaktan pa?! Sana kasi..." napahinto siya at yung maamo niyang mukha naging expressionless. Ang cold ng dating niya ngayon.
"Nevermind. I've lost that man two years ago. Now, I've lost everybody. What a great life isn't it?. Ha-ha. From now on, I'll do everything without thinking of what will everybody feel, because I don't longer care about anyone." sinabi niya yun ng nakatingin saming boys. Hindi kasama ang girls. Why?
Tinignan naman niya ako. Ang cold ng tingin niya sakin, oh God!, ano bang nagawa ko? Sht!.
"Stephen, paki sabi kay Mom na sa condo ko na ako ulit titira. Thanks." Sabay lakad papalapit sa pinto. Nang matauhan ako nagsalita na ako.
"Sa bahay ka na. Baka may mangyari sayo dun." sabi ko. Huminto naman siya sa paglalakad.
"What if something really happened? Will you care? Of course not I bet you won't give a damn, so stop acting like you fvcking care about me. I don't know you. You're just somebody that I used to know, Stephen." Nasasaktan ako. Hindi na niya ako tinatawag na kuya. Ang sakit lang talikuran ka ng kapatid mo. Ano ba to?. Aish!.
Nakaalis na si Steph at lahat kami tulala.
"NAKAKAINIS KAYO!" The girls snapped and they started to cry.
"Iniisip lang naman kayo ni Steph! She's cold again. Like the way she used to, when she lost Aaron." sabi ni Alys.

BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...