Chapter 45: I'm hurting

25 2 2
                                        

A/N: Magiisang buwan na rin pala akong hindi nakakapag-update. Sorry kung laging nagiging busy. Sana may natitira pang nagbabasa nito. Hahahaha, susubukan ko pong sundan ito ng isa pang chapter ulit ngayon. Enjoy reading this chapter. :)



Chapter 45: I'm hurting

STEPHEN'S POV

"She's still under observation ma'am. While we are in the emergency room there are times that her heart stopped beating. I'll be back later to tell you if she's okay to be transferred into a regular room"

"Stephen, everything's going to be fine."

"Bakit ngayon pa nangyari to?"

"How could this happen to her?"

"Please, sabihin niyo naman saking okay na siya."

Hindi... Hindi ko alam kung anong gagawin at iisipin ko sa oras na to. Lahat nagpa-panic, sila Joyce umiiyak na dahil magdadalawang oras na kami dito sa ospital pero hindi parin masabi kung okay na ba si Steph. Nakaupo at nakayuko lang ako. I feel so useless, wala man lang akong magawa ngayon kahit para sa pamilya at kaibigan ko lang. Nawawala ako, nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa oras na 'to.

"Lord, please help my daughter. We still want to be with her." I heard my mom murmured. Kaya napa-angat ako ng ulo at pinuntahan ko si mama para yakapin.

"She'll be fine ma." Sabi ko para kahit papaano mapanatag siya. Tumango naman siya pero humihikbi hikbi parin. Please Steph, be strong and stay with us. Everyone is worried about you.

"Nandoon parin daw yung mga pulis sa lugar kung saan nadisgrasya si Steph. Tinitignan nila kung anong mahahanap nilang tungkol sa nangyari ngayon at itutuloy din daw nila bukas yung investigation. Sabi kasi nung mga pulis na nakakita sa kanya, mukhang sadya yung pagkakabunggo sa kotse niya." Sabi ni papa. Napaiyak naman lalo sila Elijah dahil sa narinig. Wala naman kasing tao na nakaaway talaga ni Steph. It's impossible na dahil sa mga lalaking naloko niya noon. Wala kong maisip na pwedeng gumawa nito. Wala ring kahit isang dahilan na pumapasok sa utak ko.

"Stephen, kape oh."

"Salamat."

Puro lang ako ganito matipid magsalita. Hanggang ngayon hindi parin kasi sinasabi kung stable na baa ng lagay ni Steph. Nagaalala ako lalo.

"Miko, kapag may naghanap sa akin. Paki sabi naglalakad lakad lang ako."

"Sige, pre. Ingat."

Kailangan ko munang lumayo don puro what ifs yung tumatakbo sa utak ko. Baka mabaliw pa ko pag nagkataon. Pupunta na lang ako sa simbahan na katabi nitong ospital. Ipagdadasal ko na lang si Steph. Alam kong hindi kami pababayaan ng Diyos.

Habang naglalakad lakad ako sa loob ng simbahan may nadaanan akong lalaking tahimik na nagdadasal sa dulo at may hawak na litrato. Hindi ko na lang pinansin baka maistorbo ko pa sa pagdadasal. Humanap ako ng pwesto at tyaka ako nagdasal.

Alam kong hindi mo kami papabayaan lalo na yung kapatid ko. God kailangan pa namin siya, gusto pa namin makasama siya. Please make her safe. Sana naman malaman na namin kung aksidente ba talaga yung nangyari sa kanya o may sumadya. Mahal na mahal ko yung kapatid ko na yon. Hindi pa ko handa na makita siyang binababa sa lupa. Hindi ko kaya. Alam kong naiintindihan niyo ako. Maraming salamat sa pakikinig, sana hindi lang ang kapatid ko ang tulungan ninyo. Kundi lahat ng taong may kailangan sayo.

Hindi ko alam kung bakit pero napanatag ako ng kahit pa paano pagkatapos kong magdasal para sa kapatid ko at para sa ibang tao. Palabas na ako ng simabahan at nakita ko yung lalaki kanina na paalis palang at nahulog niya ata yung picture. Agad agad naman akong naglakad papunta don at pinulot ko yung picture iaabot ko sana kaso nakalabas na siya ng simbahan. Tinignan ko naman yung picture. Si... Si Steve at si Steph ang nasa picture. Si Steve nga kaya yon? Itatanong ko na lang pagbalik ko.

"She's in comatose state. Pwede na po siyang ilipat sa regular room."

"Kailan siya magigising?"

"We don't know. We all have to wait for it. Makakatulong po yung pagkausap sa kanya, naririnig niya naman po kayo."

"Thank you doc."

Kakabalik ko pa lang galing ng simbahan at ito ang bumungad sa akin. Comatose si Steph. I guess God granted my prayers but in another way. Still, thank you God for hearing me out.

"Saan ka galing pre?" sabi ni Steve.

"Sa simbahan pare, ikaw?" sabi ko naman.

"Galing ka doon? Bakit hindi kita nakita?"

"Paano mo ako makikita eh taimtim kang nagdadasal sa dulo."

"Paano mo alam?"

"Sayo ata to eh." Tyaka ko inabot yung picture na napulot ko. Narinig ko naman siyang bumulong ng "Sa akin nga." Mahal niya talaga yung kapatid ko. Hays, please Steph gumising ka na oh, may higit pang nasasaktan kaysa samin. Yung nagmamahal sayo... Sana mabilis kang magising at maka-recover.

*

"Stephen... Stephen gising."

"o-oh? Bakit? Nahihilo pa ko."

"Kumain ka muna tanghali na." oh, si mama pala yun. Dito na ko natulog sa ospital para bantayan si Steph at kahit anong signs ng paggising niya wala parin. Ilang araw na rin siyang andito, sinabi ko kay papa na kung pwede bang excused muna ko sa klase at pumayag naman siya. Busy kasi sila pareho at minsan lang sila makadalaw kaya ako na lang yung nagpapaiwan dito para kung sakaling magising na si Steph, may makakapagsabi agad sa kanila.

"Nakuha ko na pala yung mga damit na nagamit mo na tapos napalitan ko na ng bago. Ipapa-laundry ko pa yung mga yon. Kumain ka muna nga." Sabi na naman ulit ni mama. Kaya tumango ako sa kanya.

"Ma, sa tingin mo kailan magigising yang si Steph?" sabi ko habang kumakain.

"Alam mo anak, mas matagal mo siyang kilala sa akin. Pareho nating alam na malakas yang kapatid mo. Lalaban yan. Baka sa ngayon eh sinusulit lang niya yung pahinga niya, kapag okay na siya panigurado gigising na rin yan." Sagot niya sa akin.

Alam ko naman yun eh, alam ko namang malakas siya. I guess I just have to trust her.

"Oo nga pala anak, sabi ng daddy mo after this semester daw pagt-training-in ka niya sa company. After one month or so you get to choose whether you will work on our company or you will find another one." Malapit na pala yung training ko... Sana bago ako mag-training magising na si Steph. Gustong gusto pa naman niyang makitang nago-office attire daw ako, mukha daw kasi akong matino. Mana sakin masyado, malakas rin mang-asar.

"Tell dad that ifSteph will going to be conscious by that time then I'll take the training, ifnot let's postpone it for a while." Sabi ko naman attumango si mama. Alam niya naman kasi kung bakit. Besides, si Steph yungnakapagpa-payag sa akin about that training. I want her to see that I'm doingwell    

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon