IVAN'S POV
Nandun na sila sa beach, malamang sa malamang eh nagsisimula na silang magkabati. Ako naman nandito sa sulok ng isa sa mga cottage at nagiisip.
Ewan ko ba. parang ayaw o nagsisisi akong tumulong pa ako sa pag-paplano para pagbatiin silang dalawa. Para kasing, nagkakagusto na ako sa kaniya. Alam kong mali. Alam kong hindi tama, pero hindi naman napipigilan ung damdamin diba?.
Na sana napipigilan at kaya ko nalang pigilan. Hindi kami pwede ni Steph, maraming dahilan kung bakit. Isa na dun eh ung dahil pareho kami ng daan na tinahak. Playgirl siya playboy ako. Isa pa si Steve. I know Steve still loves that girl, pero di ko maiwasang isipin na may gusto na sila sa isa't isa. posible kayang nagseselos ako? Tch, of all people kay Steve pa ako magseselos? So not me.
Naalala ko pa nung una kaming magkita nang dahil sa pagwawala ni Steve. Ang tapang niya, at ang ikinagulat naming lahat eh hindi niya kami kilala. Eh napapagusapan naman kami lagi. HAHAHA. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit hindi niya kami kilala noon.
Napakasimple lang kasing babae ni Steph. Oo nanglalaki, umiinom at gumigimik siya, pero kahit ganun, siya yung babaeng kayang sumakay sa trip ng lalaki, hindi siya maarte, kahit pakainin mo lang sa fast food chain eh hindi nagrereklamo. Maglaro ka nang computer games bago pumunta sa lakad ng barkada, oo nanenermon siya pero sandali lang at iniintindi niya kami. Ang bait niyang kaibigan. Kaibigan mo palang siya pero maalaga at mabait na siya. Pano pa kaya kung naging girlfriend ko na siya?
Wala na ata akong babaeng makikita na katulad niya. Ang mga babae kasi ngayon, ginagawa kaming mga lalaki na living wallet. Gusto ng ganito ng ganiyan pero di ka naman sasagutin. Yung mga tipong paasa. Hindi ko pa nararanasan mapaasa, puro flings lang naman yung ginagawa ko. Takot kasi ako. Takot akong masaktan. Iniisip ko lang naman kung bakit ko nagustuhan si Steph.
Nakakatawa ring isipin na naiikumpara ko siya sa ibang babae, naiisip ko kung ano siya bilang kaibigan at iba pa. pero di ko pa naiisip kung ano yung mga kakaharapin ko kapag sinabi ko na kung ano tong nararamdaman ko para sa kaniya.
Na mahal ko na siya.
[Insan, pakiligawan naman siya para sa akin oh?]
Damn, Dylan. Liligawan ko ba siya para sayo? o hindi. Pwede bang maging makasarili kahit ngayon lang insan? pwede bang akin nalang siya? Pwede ba---. Tsk, walang kwenta.
Paano ko ipaglalaban yung taong mahal ko kung napakaraming hadlang? Paano ko aabutin ang bituin kung alam ko nang sa simula pa lang imposible na?.
Paano rin siya magiging akin kung hindi ako gagawa ng paraan? Kailangan ko ng lakas ng loob. Ugh! bahala na si wonder woman.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Fiksi Remaja"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
