KathrynBaltazar. :)) Hii, thanky sa pag-vote at pagbasa ng story ko. :)) I dedicate this chapter to youuu. ^_^.
STEPH'S POV
Mahaba haba din ang biyahe. Gabi na nga pero malapit palang kami doon sa Resthouse. Lahat parin syempre ng kotse nila nakasunod parin sa akin.Edi nagkandaligaw ligaw sila kapag hindi sila sumunod sa akin diba? Anyway,it bothers me kung kailan ko kailangang tigilan yung mga manliligaw ko hindi pa kasi kami ulit naguusap ni Dylan about that thing.
*riingg riingg*
“Hello, Jay?”
[Maka Jay ka diyan! Lahat tayo nakakonekta rito!] Sabi ni Sheilah
“Oh anong meron at nagconference call pa kayo?” tanong ko naman.
[Malayo pa ba? Gutom na ako.] I think it's Derrick.
[Pwede kang huminto at kumain para maligaw ka.] Sabi naman ni Alys.
[Hindi ikaw ang tinatanong ko. Wag ka ngang epal diyan.] Sabi nanaman ni Derrick
[Chill, chill. Conference call to love birds. Tigilan niyo yung pagtatalo niyo.] I think that's Jake.
“Hay nako, sandali na lang guys. Mga 30 minutes nandun na tayo.” sabi ko naman.
[Okay.] Sabay sabay naman nilang sagot.
*toot tooot toot*
Tinapos narin namin ang call para lahat kami makapag-focus sa daan. Lahat kasi kami may dalang kaniya kaniyang kotse. Kaya hindi makasingit yung iba kasi isa kaming diretsong linya. Yung iba nga akala convoy ko sila kasi ang dami nila. Nalalaman ko kasi yung mga kotse kong nakakatabi nakababa yung mga window tapos ang lakas pa ng boses kaya ganun. Kesyo ang dami nga daw ng convoy ko, bakit daw nagconvoy pa ako kung nauuna daw ako, dapat daw nasa gitna nila ako kasi nga convoy ko sila and such. Ang dami lang talagang nagjajump in conclusions at nangengeelam.
Nandito na kami sa Resthouse namin sa Pangasinan. Pagkapasok palang namin sabay sabay silang nagsalita.
“I miss this place.” alam kong yung lima yun pero may narinig akong bulong na “This place is familiar” pero mukhang guni guni ko lang yun kaya isinantabi ko nalang.
“Tara guys. Doon tayo sa kwarto. Tinawagan ko na yung caretaker nito na pumunta at dalhan tayo ng pagkain sa taas.” sabi ko at umakyat naman kaming lahat. Nang makarating naman kami sa taas nagtaka sila dahil huminto ako sa isang pinto na black at may mga neon na design.
“Probably your room Teptep. Black wall and Neon paint palang eh. HAHAHA.” Sabi ni Jay dahil siya yung nasa likuran ko.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Jugendliteratur"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
