A/N: At dahil mahal ko kayo hahahaha nag-update ako kahit walang votes :( hahahaha lol. pero thank you sa pagbabasa nitong story ko na to <3 I love you na guys magdidiwang talaga ko pag umabot ng 1.5k ang reads nito hahahaha. big deal na yun para sa baguhang writer na tulad ko :) salamat sa pagsuporta niyo sa storyang kong ito kahit sa simpleng pagbasa niyo lang ay nagkakaroon ako ng inspirasyon na ituloy 'to pero sana naman magcomment at magvote kayo dibuuh? dejoke lang :* free will ang pag comment at pag vote pero sana talaga hahahahaha okay ang kulit ko. Enjoy reading Chapter 37 my dear oppsies :) (Oppsies. yan yung tawag ko sa readers nito walang basagan ng trip hahahahaha. ang basa dito ay Op-sis uki ba yern? hahahaha.) Enjoy reading :*
Chapter 37: Wedding
Steph's POV
Everything's black. Nasaan ba ak—biglang bumukas yung ilaw at hindi lang ako ang nandito. Buong barkada, at yung ibang pinsan ko ay nandito. Wtf? Bakit nandito kami ng barkada at pati yung ibang pinsan ko? Bigla namang may dumating na pairs marami sila at naka-formal sila at yung mga babae ay pare parehas ng dress kulay lang ang naiba and they are wearing masks. What the hell? Anong klaseng pangki-kidnap ito? Eh mukhang mayaman din naman yung mga kumuha sa amin. Bigla namang naglabas ng baril yung mga lalaki. Dun na ako nakaramdam ng kaba, dahil may baril na eh. Oo marami kami pero kung maraming may hawak ng baril di kami makakapanlaban. Nakita ko namang nagigising na silang lahat na kasama ko sa warehouse ata ito.
"Gising na pala kayong lahat. HAHAHAHA" sabi ng isang lalaki. I guess matatanda na ang mga ito dahil sa boses. Nakatapat sa amin ang mga baril nila.
"May mga tauhan kami at gusto naming sumama kayo sa kanila walang manlalaban kung hindi ay papatayin namin kayo. Naiintindihan niyo ba?" sabi naman nung isa pa at no choice kami kung hindi tumango dahil wala man kaming tali sa aming kamay at paa ay meron nga silang baril. Sumakay kami sa iba't ibang kotse. Ako ay nakahiwalay ng kotse. Sila Kyla, Jake, Alyssa, Miko, Elijah, Dave, Sheilah, Carlos, Joyce, Ivan, Jane, Daryle, at iba pang Polarity at ibang pinsan ko ay magkakasama sa Van. Si Dave at Jane ay ang mga close ko sa pinsan ko pati narin si Kyla. Kaya sila lang ang nabanggit ko hahaha. Bakit naman kaya nakahiwalay ako?
Napatingin naman ako sa sarili ko, naka-gown na pala ako? Hindi ko napansin ito. Kinapa ko naman ang buhok ko at nakaayos din ito. Anong silbi ng pagkidnap at pagaayos sa amin? Maya maya ay nakarating kami sa Simbahan?! Anong gagawin namin dito? Pagkatapos nila kaming kunin ay bigla na lang kaming pupunta sa simbahan, para ano? Magpakabanal yung mga kumuha sa amin? Weird huh? Hahahaha.
Bigla ay pares pares silang pinalinya sa harap ng simbahan at ako ang nasa pinakaharap ng barkada pero wala akong pares. Nasa harap ko yung mga kumuha sa amin. Wala na silang maskara pero nakatalikod sila. Binigyan naman kami ng bouquet isa kada isang babae sa amin. Ano 'to kasal? Sino naman ang ikakasal at sapilitan pa ata kaming guests? Nakakaloka.
Nagsimula naman na ang seremonya ng sa tingin ko ay kasal. May nakita akong lalaking nakamaskara sa may gilid ng altar na may kasama pang isang lalaking nakamaskara din at oo kasal nga ito dahil may groom at best man. Pero bakit ito naka-maskara? Ang mga nauna naman sa akin ay mga hindi nagsi-lingon kaya hindi ko parin sila makilala. Nang makalingon na ako sa likod ay bigla akong nakaramdam ng hindi mapaliwanag na kirot sa puso ko. Nakita ko si Daryle at si Jane na magkasamang naglalakad papunta sa kanilang pwesto. Pero bakit pakiramdam ko ng makita ko silang naglalakad sa gitna ay parang sila ang ikakasal? At hindi yung lalaking nasa altar at yung bride sa labas. Ano bang nangyayari sa akin? Whatever. Sumunod naman na yung bri—Tita Amanda?! I mean Mom?! Napalingon naman ako sa groom at best man at pareho na itong walang maskara. Ang groom ay si Dad at ang best man ay ang papa ni Elijah. Napatigalgal ako. Nakakainis, dahil kung ano ano pang gimik ang naisip ng mga magulang namin para sa kasal nila Dad. Akala ko talaga sapilitan kaming pinag-guest sa isang kasal.
Nakapag-exchange na ng vows sila dad at eto ako parang tanga na naiiyak dahil finally dad become happy again. I'm happy that he met tita Amanda which is my mom now. I'm happy to see them smiling together, the they get so sweet and all. I know we'll be a happy family.
Mommy, I know you're watching from above. Alam kong gusto mo rin to, na makita si dad ulit na masaya tulad ng pagiging masaya niya nung mga araw na nandito ka pa sa tabi namin. Guide us mom, I promise you I'll take care of dad, and I'll keep the family bond tight. I love you mommy.
*
Reception na ng kasal nila Dad, at nasa part na kami kung saan magsasalita yung mga taong importante sa bride and groom. Dahil ako ang anak ay ako ang nauna at susunod daw sa akin si Kuya sabi ng emcee. Dahan dahan akong naglakad papunta sa may microphone.
"Nakakaasar kayo dad!" At nagtawanan naman lahat sa pambungad ko. "Ang baliw niyo talagang magkakaibigan at ganoong gimik pa ang ginawa niyo sa kasal niyo, akala ko talaga mapapahamak na kami. At ano yung mga baril na gamit kanina? Totoo ba iyon? Pero kahit naloka ako sa gimik niyo dad aaminin ko nasurprise ako na after a week ay ikakasal na pala kayo. Dad, maging masaya ka kay Mom pag nabalitaan kong nambabae ka ay ako mismong sasapak sayo" at tumawa na naman silang lahat. "And mom, alagaan mo ang daddy ko. This is his second try of getting married and it's your second time also. I just want you both to be happy in everything. Make the most of everyday you have as husband and wife. Both of you are gaining age you can't deny that, so please be healthy *sob* take care always, I still want you to see your grandchildren *sob* so stay healthy! Okay? Hahaha, I can't believe I'm crying right now. *sob* I w-wish you all the best. Commit and do your vows. I love you both." My dad just got married and I'm happy for them. Si kuya naman yung susunod na magme-message.
"Hi mom and dad. I agree sa sinabi ni lil' sis na pang-abnormal yung gimik niyo para sa kasal niyo. Hahahaha, I'm happy for the both of you, dad ingatan mo si mom okay? Katulad ni Steph ay sasapakin din kita hahaha, hindi ko na papatagalin to dahil baka maiyak din ako hahahahaha." Yun lang ang message ni kuya at natawa ako sa sagot ni dad. "Ako talaga yung kawawa sa inyong magkapatid ah. Hahahaha" at ang nagpa-nganga sa akin ay yung nagsalita si Tito Edgard, papa ni Elijah. "Nga pala, Steph yung mga baril na hawak namin kanina pellet gun lang yun. HAHAHAHAHA" napa-face palm na lang talaga ako sa mga pinaggagawa ng mga magulang namin. Mana nga kami sa kanila hahahahahaha. Sunod sunod naman ng nagmessage ang iba at gumawa rin kami ng activites at susunod na nga ngayon yung pagbabato ng bouquet ni mom at garter ni dad.
Ayoko na nga sanang sumali dito dahil wala trip lang hahaha, pero kamalas malasan eh nakita ako ng girls at hinatak ako pabalik. Sabay gagawin ang pagbato ng bouquet at garter. Napa cross arms naman ako at tumingin sa kabila kung kanino babagsak yung garter dahil sigurado naman akong hindi ako ang makakakuha ng bouquet ni mom. Nagulat naman ako kung kanino bumagsak yung garter. Kanino kaya napunta yung bouquet?
BINABASA MO ANG
The Opposites
Dla nastolatków"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...