Chapter 51: We're Married

24 1 1
                                    

A/N: Hey guys, sorry after 10 days pa ako nakapag-update. Madalas kasi kaming umaalis lately at ngayong araw lang yung time na nakapag-type ako. We're getting close to an end peeps. This is another short update. Thank you sa lahat ng nagbabasa nito though konti lang but still I'm thankful for every person that reads this work of mine. I really do appreciate it. I hope you enjoy reading this chapter. At sana suportahan niyo parin ako doon sa isa ko pang story na ireresume ko pagkatapos nito :) 


Chapter 51: We're married

STEPH'S POV

Ang daming nangyari, medyo magulo kung paano naganap ang lahat pero ang importante naging okay ang lahat. Sobrang saya ko ngayon. Next week aalis kaming lahat, pero hindi makakasama sila daddy dahil may kailangan silang puntahan na importanteng client next week. Maga-outing kami imbes na mag honeymoon. Napag-usapan na namin to, at ayos lang sa amin pareho. Marami rin kasing nangyari sa mga nakaraang buwan at hindi na kami madalas na nagkakaroon ng oras para makapag-bonding.

"Hey"

"Mom, bakit po?"

"Wala lang anak, it's just that I still can't believe that you belong to someone now. Hindi man ako yung totoong mommy mo I'm still happy that I got the chance to witness the day that's so important to you. I'm sure your mom is so happy and proud for you."

"Thank you mom. Thank you for supporting me in any way that you could. I love you."

"I love you too, dear. Baba na tayo? Nakapagluto na kami ng dinner."

"Sige po, susunod na ko."


Dahil sa sinabi ni mom, naalala ko si mommy. I'm sure she watched and she's crying. Bibisita ako sa puntod niya bukas, I'll talk to her.

"Oh 'yan na pala si Steph eh." Sabi ni daddy kay mom

"Akala ko hindi ka pa baba eh, ipapatawag sana kita sa kuya mo ulit."

"Pasensya na po, may iniisip lang ako kaya hindi ako nakasunod agad. Tara kain na po tayo."

Tahimik lang kaming kumakain, ineenjoy yung sarap ng luto nila mom. Sa totoo lang, gusto na nila daddy na gawin yung honeymoon. Gusto na daw nila ng apo, kaso sabi ng asawa ko, mas gugustuhin daw niyang gumraduate muna kami pareho bago kami magkaanak at pareho naman kami ng gusto kaya nirespeto ng mga magulang naming yung desisyon namin pareho.


*


Magkikita kami ngayong araw, tinanong ko kasi siya kung pwede niya ba akong samahan na bumisita kay mommy. Ipapakilala ko na rin siya. Hindi ko pa kasi siya nadadala doon.

"Baby, are you ready?"

"Oo, kukunin ko lang yung bag ko. Hintayin mo na ko sa kotse."

"Mag-asawa na kayo baby pa ang tawagan?" salubong sakin ni kuya ng nakangiti

"Tanong mo siya kung bakit yon hahahaha"

"Alam ko naman kung bakit, ingat kayo ha?"

"Opo" sagot kong pabiro at ginulo naman niya yung buhok ko

"Pasalubong ko okay?"

"Ayoko nga" sabi ko sa kanya tyaka ako dumila. Kaya naman niyang bumili HAHAHAHA pero magu-uwi parin ako baka umiyak.

"Ang tagal mo naman"

"Si kuya nakita ako, nagbilin pa sakin ng pasalubong parang bata."

Ngiti lang yung tugon niya sa sinabi ko tiyaka na siyang nagsimulang mag-drive. Malayo layo rin yung puntod ni mommy dito, sa mas private na cemetery namin kasi napiling ilibing si mommy kasi kapag dito sa Manila sobrang marami ang tao. Si dad din kasi namili ng location.


"Baby, nandito na tayo"

"Hmmm"

"Baby? Gising na" unti unti kong minulat yung mata ko. Pagkamulat ko mukha ng isang napaka gwapong lalaki yung nakita ko, ang asawa ko.

"Pinag papantasyahan mo na naman ako? Kakagising mo nga lang."

"Ay ang kapal naman, tara na nga." Minsan talaga ang kapal din ng mukha nito eh, sabihin ba namang pinag papantasyahan ko siya akala mo sobrang gwapo, pero gwapo naman talaga. Hays, para akong highschool kung kiligin sa kanya hahahaha

Magka-hawak kamay kaming naglalakad papunta sa puntod ni mommy. Dala dala niya yung flowers, tiyaka yung kandila.

"Baby, sindihan mo yung kandila sa magkabilang dulo, tapos ilagay mo sa tapat yung flowers." Sa kanya ko pinapagawa yung lagi naming ginagawa kapag bumibisita kami kay mommy para alam na niya.

"Dito lang ba ako? O sa kotse muna ako habang kinakausap mo mommy mo?"

"Dito ka lang. Ipapakilala nga kita diba?"

"Hi mommy. Sorry hindi na ako madalas na nakakabisita sayo. Naalala mo yung madalas kong ikwento sayo noon? Ito na siya, kasama ko at ang malala pa mommy asawa ko na siya. Akalain mo yun diba? Hahahaha, alam ko namang alam mo na yung nangyari pero siyempre mas gusto ko parin na pupunta ako sayo para sabihin yung nangyari at maipakilala ko siya ng pormal sayo. Alam ko namang magugustuhan mo siya, kung nandito ka lang baka ikaw pa mismo gumawa ng paraan para maging kami. I miss you mom. I love you."

"I love you too"

"Ha?" sabi ko sa kanya ng natatawa

"Sabi ng mommy mo yon ano ka ba" nahihiya ba siya o ano? Ang cute niya hahahaha

"Ay baby, may dinala nga pala akong sandwich. Kain lang tayo saglit dito tapos punta na tayo sa mall para bumili ng pasalubong kay Stephen."

"Aba, prepared ka masyado ah" at tinawanan lang niya ako.


See mom? Inaasikaso niya ako. Please guide us. I love you mom.


Ineenjoy lang namin yung fresh air tyaka yung pagkain na pineprepare ng asawa ko. I couldn't stop smiling. I'm too blessed to ask for more.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon