Chapter 16: Quadro Tsonggo

69 3 0
                                    

STEPH'S POV

Nasa lobby na ako ng building papunta sa unit ng Quadro Tsonggo. Actually, di naman tlga nila name un. Bansag ko lang sa kanila. Kumakain kasi ako noon ng Goya Quadros habang nanonood ng Nat Geo kasama silang magkakapatid sa unit nila at mga unggoy ang topic kaya nagcame-up ako sa Quadro Tsonggo.

And yeah, you read it right magkakapatid sila. Sila Raven, Revon, Reval, Ravom Anderson. Half-filipino half-german sila, kaya obviously they are handsome. Others treat them as Gods, and that made me want to puke. Kung alam lang nila ang mga kabulastugan ng mga to, naku! I pity them hahahaha!.

Dahil naman sa kadaldalan ko ay di ko namalayang nasa floor na pala nila ako. Hinanap ko naman ung Unit no. 6979. At bingo! Nakita ko na, nasa dulo siya. Pagkapasok ko ay naamoy ka agad pagkabaho ng room kaya napalabas ako ng di oras para makahinga pa. Hahaha!

“Steph, bakit bigla kang lumabas? Tara pasok.” sabi saakin ni Vom

“Anong ginawa niyo sa unit niyo? Ang baho! Pahingi ng mask.” sabi ko sa kanya.

“Oy Val! Penge daw ng mask si Steph.”

“Oh, eto oh.” pagkaabot niya ay sinuot ko na din tyaka ako pumasok.

“Oh, Steph. Bakit nakaganyan ka? May sakit ka ba?” sabi sa akin ni Ven

“Hayop ka ba? Ako may sakit?! Tss. Maglinis nga kayo ng unit niyo! Ang gulo na nga, ang baho pa!”

“Bakit ka ba nandito? Diba may pasok ka?” tanong sa akin ni Von.

“Mamaya ko na ikukuwento, maglinis muna kayo.”

“Tinatamad kami, Steph.” sabay sabay nilang sabi at nagpout pa.

“Bwisit kayo.”

Pumunta ako sa may intercom. May mga intercom kasi dito na diretso sa information desk at sa housekeeeping or services.

Housekeeping yung pinindot kong intercom.

“Housekeeping for unit no. 6979.”

“Yes, ma'am.”

Buti na lang may ganito. Kundi nako, babatukan ko yung apat na tsonggo na yun.

*ding dong*

“Oy, buksan niyo! House keeping yan!” sigaw ko habang naglalakad pabalik sa living room.

“Ate, pakilinis yung unit nila. Pasensya na ha, tamad tong mga kumag na yan eh. Labas lang muna kami.” sabi ko sa house keeper.

“Ayos lang po ma'am.” nginitian ko nalang siya.

“Kayong mga kumag kayo, magbihis nga kayo dali! Tapos labas!”

Sumunod naman sila. Nandito naman kami sa may parang lobby style ng floor nila. Kada floor may ganito eh. May sofa, table with magazines sa malapit sa may elevator. Para sa mga naghihintay siguro. Nandito kami, para malinisan ng maayos ung unit nila.

“Bakit ka napunta sa amin?” tanong ni Val.

“Badtrip kasi ako eh, kaya nagcut nalang ako.” sagot ko naman.

“Ano bang nangyari?” tanong nila.

Kaya ayun kinuwento ko yung lahat ng nangyari kanina. Pagkatapos kong magkuwento ay tinitigan nila ako, siguro mga five seconds.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon