STEVE'S POV
Kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil sa luto ko. Baka hindi niya magustuhan. Kinakabahan ako na baka di niya tanggapin yung Sorry ko. Kinakabahan ako na baka pag nakita niya ako eh umalis siya dahil galit parin siya.
Sana naman magustuhan niya tong Curry na to. Pinaulit ulit ko pa to. Dahil kahit marunong akong magluto eh. Parang lahat ng luto ko may kulang. Kaya eto na ung perfect para sakin.
Sana rin magawa ko ng maayos ung pagsabi ng Sorry aba nagpractice pa ako noh. Kahit walang kwenta.
FLASHBACK
Nakaharap ako sa salamin. Nagpapractice kung paano magsorry.
"Sorry! Di ko naman alam na makikita mo kami. Di ko ginusto yun!"
"Ang panget! Parang defensive" Komento ko sa sarili ko.
"Sorry. Mali ka ng iniisip."
"Defensive parin. Tss" Komento ko ulit.
"Sorry."
"Masyadong presko!. Ano ba naman to!. Ang hirraaaapppp!" Pagkomento ko ulit sa sarili ko. Grabe nababaliw na ata ako.
Para na pala akong tanga. -____-
Hininto ko na nung marealize ko ung ginagawa ko.
END OF FLASHBACK
"Pucha naman Steve!. Sabi ko punta ka na doon sa beach!" Sigaw ni Alyssa.
"Sorry. May iniisip lang." Sagot ko naman at tsaka dumiretso sa beach kung saan nakaset-up ang lahat lahat.
Naka-tuxedo with blue bowtie ako. Para kasing beach dinner yung ginawa nila. Magsasunset palang naman. Para mas maganda daw.
5:31 pm
Shet! 4 mins. Na lang. Dapat nandito na siya. 5:45 ang sunset eh.
"Ano ba?! Tangna naman Alys eh!" Gale?! Paglingon ko, siya nga. Naka-blind fold.
Nagbabye sila sakin lahat. Gale naman dada ng dada. Hanggang aa tinanggal na niya ung blind fold.
"Peste naman Al--. D-daryle?. A-anong ginagawa mo dito?"
Eto na. Steve. Kaya mo yan!.
STEPH'S POV
Peste! Ang epal ni Alys!. Binlind-fold ba naman ako?! Kakain palang ako ng espasol eh!. Para sa iba ang babaw ko, pero haler! Favorite ko kasi ung espasol ano!. Grabe! Saan ba kami pupunta?! Kanina pa kami naglalakad eh. Ang layo.
Baka naman ipatapon na nila ako sa dagat?!. Ay ang paranoid ko. Nang maramdaman kong huminto na kami. Dumada ako ng dumada.
Dada doon dada dito. Pero wala akong naririnig na angal mula sa kanila. Aba!. Nandito pa ba sila?! Natanggal ko na ung blindfold na kanina ko pa tinatanggal.
"Peste naman Al--. D-daryle?. A-anong ginagawa mo dito?" Sabi ko Bakit si Daryle ang nandito?! Bwisit naman sila Alys eh!. Ayoko pa siyang makita eh. -___-
"D-dinala ka talaga nila Alys dito. T-tara hintayin natin ung sunset. 3min. Na lang naman eh."
He looks... nervous.
STEVE'S POV
"D-dinala ka talaga nila Alys dito. T-tara hintayin natin ung sunset. 3min. Na lang naman eh."
Shit. Shit. I'm stuttering. The hell!. Buti na lang at tumango siya. Umupo kami sa sand habang nakatingin sa langit.
Napatingin ako sa kanya. Maganda naman siya eh. Mabait din naman. Kaso di ko siya pwedeng magustuhan. Kahit na nasaktan na ako. Hinihintay ko parin ang babaeng yun. At siya lang ang mamahalin ko.
Napatingin ako sa relos ko. 5:44:50 ten seconds na lang.
"10"
"9"
"Bakit ka nagbibilang?" Hindi ko siya pinansin kahit nagtanong na siya.
"8"
"7"
"Uy. Bakit?" Tanong niya ulit.
"6"
"5"
"hoy!" sigaw niya pero tinuloy ko padin yung count down na ginagawa ko para sa sunset.
"4"
"3"
"2"
"1"
"Bakit ka --- Ang ganda!"Nasabi niya bigla.
"0"
"Buti naman nagustuhan mo. Yung countdown ko kanina. Para diyan un." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti lang siya bilang tugon. Pinanood lang namin ang sunset hanggang sa lumubog ito.
"Daryle!, ang dilim na." Sabi niya.
"Wait lang" sabi ko. Nilabas ko sa bulsa ko ang isang switch at pinindot para ma-on.
May ilaw sa buhangin na pabilog sa kinatatayuan namin na malapit sa table. Meron ding lights sa mga palm tree na malapit sa amin. Naglabas naman ako ng posporo at binuksan ung candle sa table.
"May ganyan pala dito? Di ko siya napansin."
"Ang ganda." Sabi niya na bakas sa mata ang saya.
"Tara, upo ka na. Para makakain ka na." Tawag ko sa kanya pagkatapos ko siyang ipaghila ng upuan. At tyaka naman ako umupo.
"C-curry?" Sabi niya.
"Oo. Pinaghirapan ko yan. Sana magustuhan mo." Kumakain na siya. Pinapanood ko lang siya. Tiyaka ako nagsalita.
"Sorry, tungkol dun sa curry ah. Di ko naman alam na... May ganung value rin pala sayo ang curry."
"Rin? Bakit mo ba gusto ang curry?" Tanong ni Gale.
"Yun kasi ang first and last dish na naluto sakin ng dad ko."
"Ah. Vice versa pala tayo." Sabi naman niya.
"Dun pala sa nakita mo nung araw na yun. Oo hinalikan niya ako. Pero di ko naman ginusto un. Lasing pala ung babae at akala niya ay ako ung boyfriend niya."
"Ayos lang. Di naman dapat ako nagagalit sayo eh. Ayos lang." Sabi niya habang nakangiti.
"Thank you" sabi ko.
"No. Thank YOU. Thank you kasi nakakita ako ulit ng sunset. Thank you kasi pinagluto mo ako ng curry. Ang sarap niya!. Thank you rin sa effort para lang magsorry." Sabi niya habang nakangiti parin.
"Syempre naman. Kahit naman lagi tayong nagaaway. May time rin naman na dapat nagbaba tayo ng pride. Thank you rin sa pagappreciate ng luto ko." At ngiti na lang ang iginanti niya sakin.
Nakapag-sorry na rin ako. Thank God!. :)).
BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
