A/N: Sorry po ngayon lang ako nakapag-update. Busy po kasi ako nung bakasyon. At exams po namin ngayon at maraming activities sa school. Matatagalan pa po yung next update sorry. So here's the next chapter. Chapter 28: Talk, enjoy and be the judge. Feel free to comment and vote ;) :* Thankiees. :))
IVAN’S POV
Si Steph na ata yung kaunaunahang babaeng nakapagpatino sa katulad ko. Hindi na ako nambabae, minsan na lang ako uminom. Hindi ko napapansin na kapag may lumalapit sa aking babae eh nilalayuan ko na lang. She really changed me unconditionally.
Yun nga lang,dumating na yung panahon na pinakaaayawan ko.Yun ay yung yung panahon na papapel na yung pinsan ko sa buhay ni Steph. Kitang kita ko siya nung contest ni Steph sa Haniele, kung pano niya tanungin si Steph. Tangna niya, akala siguro niya siya yung lalaking seseryosohin ni Steph. Asa naman siya, kahit hindi ako basta wag lang siya. Wala naming issue sa aming magpinsan. Ayos kami pero,nagiging mapapel na siya. Alam kong hindi si Tito Ford ang pumili sa banda nila, lahat ng pangyayaring yun planado na ni Dylan. Yun ang tingin ko. Si Dylan pa ba? Eh what Dylan wants, Dylan gets. Sinanay siya diyan ng magulang niya, kaya posibleng lahat gagawin niya mapansin lang siya ni Steph. Lalo na at sa tingin ko eh alam na niyang nanliligaw ako kay Steph. Ayoko ng gulo o away sa aming magpinsan, pero kapag si Steph ang usapan walang magpinsan sa akin.
Magkikita kami ngayon ni Dylan. Siya mismo ang nagsabi niyan. Hindi ko alam kung ano ba talagang pakay niya kay Steph. Sana lang matino kundi baka mapatay ko lang siya sa dahilan niya.
“Oh, insan. Napaaga ka ata?” sabi sa akin ni Dylan.
“Oo eh. Baka matraffic ako kaya maaga maaga akong umalis.” Sagot ko naman.
“I see.” Sagot niya tiyaka umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.
“So, anong sasabihin mo?” tanong ko.
“About Steph.”
“Alam ko, ano ngang tungkol sa kaniya?” sabi ko.
“Mahal ko si Steph.” Seryosong sabi niya pero g*go ba to? Eh kahit kelan di naman siya nagseryoso sa babae dahil mas pinipili niya yung career niya.
“Mahal mo? O para lang sa kasikatan mo?” bigla kong bulalas. Kilala ang pamilya ni Steph, maaring yun lang ang pakay niya kay Steph. Napansin ko naman na naikuyom niya yung kamao niya. Wala akong pake, pagdating sa suntukan lamang ako sa kaniya. Napakaarte niyang tao, daig pa ang babae.
“Mahal ko siya, at gusto kong tigilan mo na yung panliligaw sa kaniya.” Saka siya ngumisi. Ako naman ang napakuyom ng kamao. G*go na talaga siya ngayon.
“Wala kang karapatang pigilan akong ligawan siya. Una sa lahat hindi ikaw yung nililigawan ko. Pangalawa wala ka sa lugar at pangatlo wala kang pake kung manligaw ako sa kaniya kasi hindi ka naman niya boyfriend at mas lalong hindi ka niya kilala.” Sabi ko sa kaniya. Tumayo naman siya na parang sasapakin ako. Kaya tumayo narin ako.
“Hindi ako naniniwalang mahal mo siya. I believe kaya ka umaaligid aligid sa kaniya kasi siya yung tipo ng babaeng lumalandi pero di mo makuha or pwede rin naming para nga sa kasikatan mo. Kung talagang mahal mo, lumaban ka ng patas hindi yung kinakausap mo pa yung manliligaw niya para lang makuha mo siya. Para kang hindi lalaki.” Sagot ko tyaka siya nilapitan para tignan ng mataman at tsaka umalis, pero bago ako tuluyang makaalis may narinig akong sinabi niya.
“You really do love her. Sad to say, makukuha ko siya kahit ayaw mo.”
Nakakabadtrip siya sa totoo lang. Hindi ko malaman sa mga mata niya kung totoo ba yung mga pinagsasabi niya o hindi. Mas lalo akong nainis sa huli niyang sinabi. Makukuha niya si Steph kahit ayaw ko? I guess may iba siyang gagawin. Damn him, kahit kelan hindi niya alam yung salitang patas.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Ficção Adolescente"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...