Chapter 11: Jelly

70 4 1
                                    

STEVE'S POV


Ang tagal naman ng dalawang yun!. Kanina pa kami naghahanap. Last na nakita ko si Ivan nung magkausap pa kami. Ang girls naman last na nakita si Gale sa may resort. Naikot na namin ang lahat. Except sa hotel extension exclusive for us. Dahil dun kami galing eh.


"Tarant*dong Ivan un! Baka may ginawa na siya kay Steph!." Sabi ni MJ. Siyempre nag-aalala din sila. Parehas nga sila diba? Yun ang ikinakapagalala namin. Pareho silang player at baka kung saan na umabot yung flirting nila. Hindi pa naman siguradong magkasama sila pero malaki naman yung posibilidad.

"Oo nga. Pano kung magkasama sila?!" Tarantang tanong ni Alyssa.

"Baka may ginagawa na si Ivan kay Steph." Sabi naman ni Elijah.

Out of my mind I run tumakbo ako papunta dun sa hotel. Hindi ko alam kung bakit, basta dun ko naisip pumunta. Hindi ko na inisip kung sumunod ba sila sakin, basta tumakbo ako tapos. Pagkarating ko sa hotel, dali dali akong pumasok sa loob.


Pagpasok ko ang siyang pagdating nilang dalawa galing sa back door na paglabas mo ay sa beach part ng resort.


"STEVE! *huff* Ang bilis *huff* mong tumakbo!!" reklamo ni Alyssa pagkapasok niya rito. Hindi ko na siya pinansin. Napansin na ata nila kung saan ako nakatingin.

Bakit suot ni Gale ung polo ni Ivan?! So talagang magkasama sila? Naghanap kami ng dalawang taong naglandian lang pala?! Bigla na lang akong tumalikod at umalis. Naglakad lang ako ng naglakad. Ang tagal ko siyang hinanap tapos magkasama sila. Tsk. Nakakainis!. Sayang lang ang effort kong maghanap.

Akala ko kasi... Oh! Yeah right! Lahat nga pala ng akala mali. Tss. Baka iniisip nila nagseselos ako?. Hayy! Wala akong pake!. Pero. I'm not jealous!, I just care. Pano kung may ginawa nga sa kanya si Ivan? Pano kung may germs pala ung polo ni Ivan? Pano kung binastos siya ni Ivan? O diba? I'm not jealous, I just care for her.

Bahala nga sila. Sabagay, dapat naman talaga wala akong pake kung magkasama sila magdamag or what. Hindi ko naman kaano ano si Steph para mag-alala pa ako sa kaniya. Might as well mind my own business.

ELIJAH'S POV 


Nakakagulat na makitang magkasama nga si Steph at Ivan. Pero ang mas ikinagulat namin ay ang biglaang pagtalikod at pagalis ni Steve.


"San pupunta si Daryle?" Tanong ni Steph.

"Anong malay namin?" Sabay roll eyes ni Alyssa. Tsk. Naiinis nanaman to kay Steph.

"Uy, bakit ka galit?" Mahinahong tanong ni Steph.

"Di ako galit! Naiinis ako. Sayo! Alam mo bang pagod na pagod siya sa kakahanap sayo! Sa inyo. Siya ang unang naghanap sayo!. Tapos kami na lang nakapansin na nawawala narin si Ivan. Napagod maghanap yun malamang tapos madadatnan niyang suot mo yung polo ni Ivan at mukhang naglandian lang kayo. Sa tingin mo sinong hindi maiinis don?" Sabi ni Alyssa. Magsasalita sana si Steph pero nagsalita ulit si Alyssa.

"2 pm ka namin last na nakita. Hinanap ka ni Steve around 5pm. Nakita ka namin ng almost 9pm!. Almost 4hours kaming naghahanap sayo Steph!. Sa inyo. Alalang alala si Steve. Tapos kasama mo si Ivan?! Sana man lang diba ininform mo kami. Nang nasabi namin doon sa unang naghanap sayo na kasama mo pala yung barkada niya."

"Hindi ko alam--"

"Syempre hindi mo alam. Pero ngayong alam mo na. Tatanga tanga ka na lang ba diyan?. Tss." Pagputol ni Alyssa kay Steph.

"Sorry guys ah. Sorry. Hahanapin ko si Daryle. Gabi narin. Baka may loko dito at tambangan siya. Ako na lang maghahanap." Sabi ni Steph. I can see care and guilt in her eyes. Umalis siya agad pagkasabi nun.

"Grabe ka naman Alys." sabi ko sa kaniya. Bigla naman siyang natawa. Gaga talaga to.

"Ano ka ba! Drama ko lang yun para hanapin na niya si Steve. Jusko ang bagal!." Siraulo talaga. Napatawa na lang din tuloy ako sa kabaliwan ng babaeng to.

STEPH'S POV 


Hindi ko alam na ganun pala kami katagal nawala ni Ivan. Nung pabalik na kasi kami ni Ivan sa hotel, nagyaya siya na magikot-ikot tpos mag-island hopping. Di ko naman alam na hahanapin pala ako ni Daryle. Nagui-guilty tuloy ako. Nasaan na ba siya?.

Tuloy lang sa lakad Steph.

Paksh*t naman oh!. Nasan ka na ba Daryle?!. Nakakapagod na! Pero ganito rin naman siya kanina. Ayos lang sige maghahanap pa ako. Kaya ko 'to ano naman yung konting pagod sa 4 hours na paghahanap niya diba? Grabe nagi-guilty talaga ako.

Daryle! Nasan ka na?!. Di ko alam pero naiiyak na ako. Di naman ako ganito dati eh. Tsk. May nakita akong anino ng tao malapit sa cave. Pinupuntahan ko na siya.

Na sana pala di ko na lang pinuntahan. Nakita ko lang naman kasi si Daryle, na may kahalikan at kayakap na babae. Di ako sure pero sa angle ko parang ganun ang ginagawa nila.

Tumakbo ako paalis nang makita ko yun. Nakakabwisit kasi siya! Pakinengsh*t. -___- Nang makarating ako sa hotel tahimik lang ako.

"Steph! Nasan si Steve?" Tanong ni Elijah.

"Asan si Steve?" Tanong din ni Alyssa.

"Pwede ba! Ang ingay niyo! Hindi ko alam kung nasaan siya!. Bwis*t." Tapos umalis na ako at umakyat sa kuwarto ko. Humiga na lang ako sa kama ko.

Pano na lang kung may germs ung babae?

Pano kung di nagtoothbrush?

Pano kung di pa naliligo ung babaeng un?

Pano kung di pa siya nagscrub at puro pa siya libag?.

E di nahawaan at nadumihan pa siya?. Bob* rin minsan ung si Daryle eh!. Di nagiisip.

Baka may nagiisip na nagseselos ako?.

Selos?. Selos my ass. I'm not jealous, okay?. I just care. That's it!. Tss.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon