Chapter 50: I give up

28 2 0
                                    

A/N: Ang tagal kong na-type tong chapter na to, kasi naman. Ang daming ganap sa life ko ngayon. Pasensiya na. Nga pala, merong nag-comment sa Chapter 48 (yankeee) sabi niya mag-update daw ako agad at tinatanong niya kung paano na si Steve. Sorry hindi ko napansin yung comment, kaiyaaak. I hope you enjoy this chapter :) I hope all of you enjoy this chapter hehez. malapit na talaga matapos to ppl hahahahaha. Sino sa tingin niyo magkakatuluyan? feel free to comment. thank you sa mga nagbabasa parin nito. Love you all. Short update lang to sorry


Chapter 50: I give up


STEVE'S POV

Bukas na yung kasal. At ngayon? Pinagiisipan ko kung pupunta pa ba ako o hindi. Kung kakayanin ko ba siyang makita ulit sa huling pagkakataon. Ilang buwan na rin akong ganito. Yung tipong kahit saan ako pumunta at kahit anong gawin ko siya parin yung naiisip ko. Kaya pinipili ko na lang na mapag-isa. Nagaalala nga sila Stephen sa akin pero kaya ko naman sarili ko. Minsan bumibisita sila, nangangamusta pero sa akin? Iba parin yung taong gusto kong makita, makausap, at mayakap. Kaso simula ng magising siya hindi na nangyari pa ulit yon. Para bang bumalik kami sa dati. Magkakilala pero walang pakelamanan sa isa't isa.

Naalala ko pa dati, nung una kaming nagkakilala. Ni hindi niya ako kilala talagang nilapitan niya pa ako kahit nakikita niyang galit na galit ako. Nasa akin pa nga yung first aid kit na binigay niya sa akin noon. Ibabalik ko sana, kaso naisip ko sa akin na lang. Hindi ko alam kung bakit ko naisip yon, yun pala magiging parte siya ng buhay ko.

Ganito na lang siguro ako palagi, hanggang alaala na lang yung mababalik balikan ko, kasi hawak na siya ng iba. Iba na yung gusto niya. Ang daming nagbago, pero yung pagmamahal ko para sa kanya? Hinding hindi parin nagbabago.

Hindi ko parin maisip kung pupunta pa ba ako bukas. Ako sana yung nakatayo sa altar at hinihintay siya. Hindi ko na talaga alam, ang hirap. Bukas ko na ulit pagi-isipan. Puro si Gale na lang naiisip ko eh. Kahit ang sakit.



Pupunta pa ba ako o hindi? Kaya ko bang makitang nasa altar na siya, pero hindi ako ang kasama niya? Sabi niya hintayin ko siya. Hihintayin ko pa ba siya kung masaya na siya sa iba? Magbabaka sakali pa ba ako para sa bagay na malinaw na? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kulang na lang mabaliw ako sa kakaisip kung bakit nangyayari ang mga ito. Nagiging okay na kami eh, pinagkatiwalaan na namin ang isa't isa. Pero sa isang iglap, nasa iba na siya. Hindi ko naman siya masisisi, kasi may mga hindi pa siya naalala. Pero bakit ganon? Ang sakit parin eh. The mind may forget but the heart will always remember everything. Ayan yung pinaniniwalaan ko, kaya kahit nakikita ko silang masayang magkasama tinitiis ko. Pero ngayon? Kakapit pa ba ko o bibitaw na? Hindi ko na talaga alam.


Pare, pumunta ka na dito. Magsisimula na. Kahit hanggang bago lang magexchange of vows. Makita lang ni Steph na kumpleto lahat ng inbitado. Ingat


Nagtext sa akin yung kuya niya. Huli na siguro to, huli na tong gagawin ko na to para sa kanya. Pagkatapos nito, lalayo na ako. Tatanggapin lahat at ipapahinga ko muna yung sarili ko.

Pagkarating ko sa simbahan ni hindi ko mabuksan yung pinto ng kotse ko. Parang ayaw ko nang ituloy pa, hindi ko kayang makita siyang ikakasal sa iba. Hindi ko matanggap na hindi ako yung kasama niya sa pagtanda. Hindi ko kaya kasi wala naman akong ginawang mali. Minahal ko lang siya, pero hindi parin pala siya. Sana siya na lang, kasi hindi ko na alam kung kakayanin ko pang magmahal ulit.

"Pare, tara na nagsisimula na yung entourage" nakita pala ako ni Ivan.

"Pare, tara na, wag ka muna mag-drama mamaya na yan. Hindi ko naman sasabihin sa kanila na umiyak ka."

"Gago ka talaga. Ito na bababa na." Kahit papaano napangiti ako sa sinabi niya. Sige, huling huli na talaga to.

Bumaba ako ng kotse ko at patakbong pumunta sa partner ko sa entourage. Yung pinsan ni Gale. Si Jane yung pinagselosan niya noon. Bakit ngayon ko pa talaga naalala yon hays.

"Bakit late ka? Aba." Sabi nito sa akin ng nakangiti.

"Bakit kaya hindi na lang ikaw hahahaha." Sabi ko ng pabiro at kinurot niya ko sa braso. Magpinsan nga, parehong sadista.

Habang naglalakad kami ni Jane, hindi ko alam pero parang daig ko pa ang babae. Nakatingin ako sa altar at mas lalong napapamukha sa akin na yung babaeng mahal ko sa iba mapupunta. Yung babaeng mahal ko, may mahal ng iba.

"Easy ka lang. Kayanin mo please, pati ako naiiyak ano ba! Hahaha" pabirong bulong sakin ni Jane. She's trying to cheer me up. Thanks Jane.

Tinitignan ako ni Dylan. Hindi ko alam kung naawa ba siya sa akin o ano. Ang lungkot kasi ng tingin niya. Bakit pa ba siya malulungkot? Ito na oh, nasa kanya na yung pinapangarap ko noon.

She's now walking in the aisle. Pinipigilan kong umiyak. Isang beses ko lang siyang tinignan pero dumoble yung sakit. Maya maya lang hindi na talaga siya magiging akin pa. Hindi ko alam kung kakayanin ko yung maririnig at makikita ko mamaya.

Nagsasalita na yung pari. Nagsisimula na yung ceremony. Hindi ko kaya, hindi ko magawang tumingin. I need to get out of here. It hurts so much.

"Go back there..."

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon