A/N: A very short update. bawi ako sa next chapter. enjoy reading.
Chapter 42: Pretend
After 1 month...
Steph's POV
Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas, lagi kaming magkasama ni Dylan at masaya ako pati siya na magkasama. Halos hindi na nga daw kami mapag-hiwalay eh. Pero kasabay ng mga maayos na pangyayari na yun ay, hindi na kami nakakapagusap ni Daryle matapos ang araw na sinabi ko sa kanya na kailangan ko pang tulungan si Dylan. Wala akong kahit anong balita na natanggap mula sa kanya o kahit tungkol lang sa kanya. No one dared to tell me even his location right now.
But anyway, I didn't bother. Kung hindi na siya magpaparamdam sa akin hanggang sa matapos ang lahat ng to then unti unti ko na siyang bibitawan. Oo, mahal ko parin siya kahit na si Dylan ang lagi kong kasama. Wala hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Dylan. Alam kong ramdam niya yun pero hindi niya parin ako nabibitawan ng buo kaya hindi ko pa inihihinto ito. Gusto ko kapag umalis na ako ng tuluyan sa tabi niya bilang girlfriend niya eh kaya na niyang magmahal ng bagong babae, o kahit man lang magpapasok siya ng ibang babae sa buhay niya bukod sa amin na kaibigan niya.
Minsan nga bago ako matulog eh naiisip ko siya. Naiisip ko kung nasaan na ba siya, kung okay lang ba siya, kung sino bang kasama niya, kung anong ginagawa niya sa ngayon, at higit sa lahat di ko maiwasang maisip kung naiisip rin ba niya ako tulad ng pagiisip ko sa kanya. Kung kahit ba minsan sa isang buwan na nakalipas eh naisip niya o naalala man lang ba niya ako kahit isang segundo lang. I was unstable every night. Thinking if he's just fine or what. Fine, I miss him. Damn, I miss that man. I wish I could see him, even just a glimpse of him would be fine.
"Uy kanina ka pa tulala diyan, anyare sayo?" sabi ni Joyce.
"Wala naman may naalala na naman ako." Sabi ko at tinignan niya lang ako ng mapangkilatis na tingin at ayon biglang tumawa ang bruha.
"Ikaw ah, sino yang iniisip mo?" sabi pa nito na para bang nantutukso
"Gaga, anong sino? Pagkain ang naiisip ko. Gusto ko ng pizza tara kain tayo." Sabi ko na lang para matapos ang usapan. Matakaw naman si Joyce at madadala agad yan sa pagkain pag inaya mo.
"Tara, sige!" sabi na eh kakagatin niya yung alok ko hahahaha.
Pababa naman kami ng makasalubong namin sila Sheilah, at aba ang bruha hindi nagyaya, tuloy tuloy lang sa pag hatak sa akin palabas ng bahay hahahha, mukhang pagkain talaga tong gaga na to. Pinasakay niya ko sa kotse niya at siya na daw yung magd-drive. Gutom ba talaga to oh ano? Hahahaha.
Andito na agad kami sa mall at hinahatak na ko ng bruha sa Shakey's. Gutom na daw kasi ang gaga pero di naman nagsasabi sa akin kanina pa. Tyaka uso naman deliver, hays minsan talaga ang gaga ng mga kaibigan ko.
Kanina pa kami ikot ng ikot hindi niya nakikita yung Shakey's samantalang ako nakikita ko kanina pa hahahaha, ang duling mo lang Joyce hahahahahaha. Hindi ko sinasabi para magutom lalo, sama ko ba? Hahahaha.
After 12 minutes...
"Ayun! Ayun na yung Shakey's sa wakas. Whooo!" sigaw pa niya, gagang to nagtinginan tuloy yung tao sa kanya hahahaha, napatawa na lang ako dito. Akala mo tuloy patay gutom siya, makasigaw ba naman sa mall eh sinong hindi titingin sa kanya kapag narinig siya diba? Hahahahaha.
"Gaga ka, kanina mo pa ako tinatawanan sa labas. Buti nga inorder pa kita ng pagkain diyan leche ka." Sabi nito sa akin habang busy kumakain ng pizza.
"Eh kasi kanina ka pa eh para kang tanga, tyaka isa pa kahit hindi mo ko iorder ng pagkain kaya ko namang gawin yun mag-isa wag ka nga dyan. Mas gaga ka sa akin eh hahahahaha." Sabi ko ng tumatawa pa dahil habang nagsasalita ako eh nakatingin siya sa akin ng masama. Ano bang masamang ginawa ko sa gaga na to? Kanina pa siya ganyan hahahha.
Natapos na rin kaming kumain pareho sa wakas, nagpapahinga muna kami para pababain yung kinain namin na pagkadami dami, pero mas marami paring nakain sa akin ssi Joyce. Ang takaw kasi eh hahahaha.
"Uy pakinggan mo yung kanta be" Sabi sa akin ni Joyce.
"Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakataon
Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon
Tila agad nahulog ng di napapansin
Pero tadhana ko'y di tayo pagtatagpuin" Hanap-hanap. Aba sakto pa sa akin yung kanta. Ang galling talaga ng timing
"Pinilit kong lumayo
Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo
Ikaw parin pala ang hanap hanap pa-ra-pap" Napalingon ako sa may pintuan habang tumutugtog yung linya na yan at may nakita ako na sana di ko na lang nakita. Lumingon na lang ako agad kay Joyce. Hiniling ko na sana makita ko siya kahit sandali lang kahit gilid lang ng mukha niya ang makita ko ayos na. Nakita ko nga siya ng buo, may kasama namang iba. Bakit ganito?
"Uy, uy! Steph! Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo na ewan diyan. Uy? Okay ka lang ba?" Sabi ni Joyce, na medyo natatawa. Siguro nagtataka kung bat ako nagkaganon. Hindi naman niya kasi nakita eh.
"O-okay lang ako, ba't naman magiging hindi?" Sabi ko na lang at ngumiti ng bahagya.
Inuwi na ako ni Joyce, may gagawin daw kasi siya. Pumayag naman ako, di ko naman kasi dala yung kotse ko, aangal pa ba ako? Ako na nga yung ihahatid. Hahahaha, pagkadating ko sa bahay wala namang tao, hindi parin nakakauwi yung mga kasama ko dito. Mamaya pa siguro kapag dinner time andito na siguro silang lahat. Kumpleto na naman kami.
Wala akong magawa kaya napagdesisyunan ko na lang na maligo. Para naman marefresh ako, medyo mainit rin naman ang panahon ngayon. Pagkapasok ko sa bathroom binuksan ko agad ang shower
"Puta ang lamig!" Napa-mura ako, hindi ko pala na-on yung heater ng shower namin. Shit yan, katangahan nga naman hahahahaha.
Habang naliligo ako, napatigil na lang ako at naalala ko na naman yung mga nakita ko kanina, yung nakita ko n asana hindi ko na lang nakita. Na...
Si Daryle... may kasamang babae...
Masakit eh, masakit yung nakita ko. Isang buwan pa lang ang lumilipas. Isang buwan palang pero parang napalitan na ata ako sa puso ng taong mahal ko...
Bakit ganto na lang bigla? Ngayon ko na nga lang nakita, masakit pa sa mata yung nakita ko. Napa-punas naman ako sa mga mata ko. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang naiisip ko yun.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Fiksi Remaja"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
