A/N: Okay okay after 12 days pa ako nakapagupdate ulit :3 Sorry po. Dahil diyan two updates po ang gagawin ko. This chapter and chapter 35. 1/4 na lang ata at matatapos na itong story na to hahahaha. Mga 15 chapters pa ata to its either more than or less than 15 hahahaha. So bear with me guys keep reading hoho. Please comment, and I'm open for dedications by the way :) So yun lang enjoy Chapter 34 <3
Chapter 34: Princess Bee
ELIJAH'S POV
Umaga nanaman. Psh. Nakakatamad pumasok kainis naman.
"Eli! Bababa ka o bababa ka?!"
"Oo na Miko!" psh. Nandito nanaman siya?! Problema neto? Inis.
Nagready na ako sa pagpasok at pagkatapos ko ay bumaba na ako.
"Ano bang kailangan mo Miko Jay?" iritang sabi ko.
"Insan naman. Si Steph, kaya kita sinusundo. Anong oras na batugan ka talaga." Kung wala pang nasasabi sa inyo. Pinsan ko nga yang Miko na yan. Hindi kapanipaniwala dahil maganda ako at siya? Mukha siyang tsonggo.
Teka, Steph? Si Steph!
"Takte ka naman tsonggo kong pinsan. Bakit ngayon ka lang?! Bilisan mo!" sigaw ko habang nagmamadaling lumabas at dumiretso sa kotse niya.
Nang makita ako ni Miko na nakaupo sa driver's seat nataranta siya.
"ELIJAH! LUMIPAT KA NGA SA PASSENGER'S SEAT!" sigaw niya.
"Anong oras na. Kung ikaw ang magdadrive baka mahuli pa tayo." sabi ko naman sa kaniya na ikinamutla niya pero bumalik din agad ang kulay ng mukha niya.
"Wag mo kong dinadaan sa pagiging drag racer mo ah. Sino ba kasing nagsabing magdrag racing kayo nila Steph? Ako ang magdadrive. Mas safe parin akong magdrive. Tabi diyan insan."
"Oo na, oo na. Ang haba ng speech mo. Ilagpas mo naman sa 60 yung speed mo. Ang bagal talaga eh." reklamo ko. Hindi naman siya sumagot.
Pagkadating namin sa Haniele ay napahiyaw ako.
"Shet! Sa wakas nakarating nadin tayo!" sabi ko. Tinignan lang naman ako ng masama ni Miko.
Bumaba kami at may kumpulan ng tao sa may bandang gate kaya tumakbo kami at nakisiksik sa tao.
"Steph." banggit ko. Mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ko dahil napatingin sa akin yung mga nasa gilid ko.
Ang pinagkukumpulan nila ay si Steph at ang motorbike niya. Yes, nakamotor siya. Hindi siya nagkokotse. Hindi ko alam kung bakit. Nandun lang siya at mistulang nagaantay.
"Ano ba 'tong pagkukumpulan na to sa gate?! Dadaan ako! Give way!" I know that voice. Ang bagong Queen bee ng Haniele. Mariz Alocpasya. Mukhang alam ko na kung anong gustong gawin ni Steph.
"Oh ano?! Wala pang magbibigay ng daan sa akin?! Hindi niyo ba ako kilala?!" pagwawala niya
"Give way to that low class bitch." cold pero puno ng awtoridad na sabi ni Steph. Lahat naman eh gumalaw dahil sa takot. Matapos bigyan ng daan si Mariz dumaan naman siya at nagtaray.
"Low class bitch?! Baka ikaw yun? Tignan mo nga naka motor kalang. Cheap." Oh no, laitin mo na lahat wag lang ang motorbike niya. Humakbang si Steph papalapit sa kanya at napaatras si Mariz ng konti.
"Wag na wag mong tatawaging cheap ang motorbike ko. Dahil kung ikukumpara sayo itong motorbike ko, mas cheap ka pa dyan." cold na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...