Thankyouuu @princessyuli_ para sa pag read vote and commentmo sa story ko. Lalab~ Hahaha!. Hi po ate blue_maiden dinedicate ko po tong chapter na to sa inyo. Pinlug ko po kasi yung isa niyong story. Hihi ^_^
Chapter 21: Rehearsal Part 2
IVAN'S POV
Papunta na ako sa university ngayon. Syempre may pasok kaya ako papasok. Duh. Badtrip ako kaya wag kayong ano. Nakakainis kasi yung sinabi nung tatlong ugok sa akin.
FLASHBACK
Pagkadating ko sa room namin ay ang sama agad ng tingin sa akin nung tatlo. Sina MJ, stephen at Steve. Ano naman kaya ang ginawa ko sa mga 'to? May kinalaman kaya dito yung panliligaw ko kay Steph?. Tsk. Ewan. Umupo nalang ako sa upuan ko tiyaka sila binati. Wala pa naman yung prof namin.
“Yo!” bati ko sa kanila.
“Seryoso ka ba?” tanong ni MJ.
“Seryoso saan?” tanong ko naman.
“Sa panliligaw mo kay Steph” sagot niya.
“Oo.” Seryosong sagot ko.
“Siraulo ka ba? katulad mo yun Ivan. Katulad mo. Ang malala pa, isa ka sa mga target niya!.” galit na sabi sa akin ni MJ.
“Miko, wala akong pakeelam kung isa ako sa mga target niya. Seryoso ako sa kaniya.” sagot ko
.
“Dapat lang.” Singit naman ni Stephen.
“Anong dinadapat dapat lang mo diyan?” tanong ko sa kanya.
“Wag mo ko inaangasan ng ganiyan ngayon Ivan Daniel. Kapatid ko ang pinaguusapan dito. Malaman ko lang na ginago mo si Steph ako ang unang sasapak sayo.”
Ha?
“Anong pinagsasabi mo dyan Stephen?” Clueless kong tanong.
“Soon to be step-sister ko si Steph. Kaya magtino ka Ivan.” seryosong sabi niya sa akin.
Hindi naman nagsalita si Steve. Siguro dahil nasabi na ng dalawa yung dapat niyang sabihin.
END OF FLASHBACK
Kaya eto ako. Badtrip. Di kasi nila gustong ligawan ko si Steph at may bantay si Steph, at yun ay si Stephen.
Saktong nakarating na ako sa may parking lot ng university ng dumating din ang isang kotse. Lumabas si Steph at si Val ata yon? At may kasunod ding kotse at lumabas doon si Carlos at lumapit kila Steph.
Don't tell me manliligaw din sila ni Steph?.
STEPH'S POV
Ginising ako ni Tita Amanda. Kakain na daw kami ng agahan. Kaya tumayo na ako tiyaka nagtoothbrush at naghilamos. Pagkababa ko naman ay nakita ko na si Stephen doon sa lamesa. Nakikipagkuwentuhan kay Dad.
“Good morning Dad.” bati ko tiyaka bumeso sa kaniya.
“Good morning Princess.” sabi ni Dad.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
