Chapter 40: Fight for you

38 2 1
                                    

A/N: Isang buwan narin pala akong hindi nakapag-update pero hindi naman nadagdagan yung reads at votes ko huhu kaiyak. But anyway, tatapusin ko tong story na to eh. Suspended kasi kaya naka-pagupdate ako. Busy kasi sa school eh sorna. Kapag di busy maga-update ako. sana maenjoy niyo ton chapter 40 :) keep reading, and vote as well. Thankieeeeeeeeeeeeeeeeees

Chapter 40: Fight for you

Steph's POV

Nandito lang ako sa bahay, ayokong lumabas dahil baka magkita pa kami ni Dylan, hindi pa ako handa na makaharap siya after ng nangyari nung madaling araw lang. Nakita niya kaming magkasama ni Daryle. Siya na nga nag-uwi sa akin non, naiwan naming mag-isa si Daryle doon. Kakausapin niya dapat ako nung mga oras na yon, pero alam kong wala pa ko sa sarili kaya pinili ko na lang na tuloy tuloy na umalis sa kotse niya at pumasok sa loob ng bahay. At eto nga ako ngayon nasa kwarto na parang tanga kasi wala kong ginagawa. Hindi ko alam yung sasabihin ko kay Dylan. Alam kong hindi ko basta bastang pwedeng sabihin na mahal ko si Daryle at kailangan na naming tapusin yung relasyon naming ang alam ng lahat eh totoo. Hindi ganon kadali yun lalo na ngayon na alam kong may feelings na siya sa akin. Ayokong maka-sakit pero at the same time ayoko rin namang mag paasa na baka kahit papaano meron akong nararamdaman kahit konti para sa kanya. Ang gulo ng sitwasyon ko sobra hays.

Bumaba muna ako dahil baka mabulok na ako sa kwarto ko at baka magtaka narin si Mom. Kaso pag baba ko wala naman palang magtataka kasi ako lang mag isa sa bahay, may kanya kanya daw lakad sila Mom. So, ako lang talagang walang ginagawa. Alam ko na, mags-swimming na lang ako. Kaya umakyat muna ako sa kwarto para magbihis ng swim suit.

I know in this way, marerelax ko yung sarili ko. Kahit buong araw pa ako dito sa pool. Kung tutuusin madali lang mamili sa kanilang dalawa, pero ang mahirap kasi kapag iisipin mo kung may masasaktan ba o wala. May masasaktan at masasaktan naman talaga kahit anong gawin ko eh, pero dapat gawin ko kung anong tama. Pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung alin ang talagang tama. Hays, buti pa pag andito ako sa pool narerelax ako, tama lang kasi yung lamig ng tubig eh kaya ang sarap sa pakiramdam. Hays sana malagpasan ko tong mga nangyayaring to ng maayos.

"Hawakan mo ang kamay ko

Ng napaka higpit

Pakinggan moa ng tinig ko

Oh, di mo ba pansin.." S-sht D-dylan? Lumingon muna ako at shet si Dylan nga, napa-ahon ako ng di oras. At siya tinutuloy niya parin yung pag kanta niya natapos na nga yung chorus eh. Andito siya, anong gagawin ko? Pipigilan ko ba siya? O hindi? Ano? Argh.

"Sa twing kasama ka

Wala nang kulang pa

Mahal na mahal kang talaga

Tayo ay iisa" Nasa harapan ko na siya ano ba 'to. Bakit ganto? Hindi ako maka-kilos. Hindi pa nga ako handang makita siya eh. Kakasabi ko lang kanina eh ba't andito siya agad agad? huhu

"Ikaw at ako

Tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako

'Di na muling magkakalayo" pinutol na niya yung kanta niya diyan, akala ko tapos na dun yun pero nagulat ako sa ginawa niya, bigla bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko. Pag-angat niya ng tingin niya ay naluluha na siya. Sht Dylan, bakit? Bakit ka nagkakaganyan? Please stop. Gusto gusto kong sabihin sa kanya yan kaso hindi ko magawang ibuka yung labi ko para lang magsalita. Para bang naestatwa na lang ako dito bigla.

"Steph, o mas kilala ko bilang Nienie. I love you, since we were 8 years old. Ako yung nag-sulat sa kwarto mo noon nun. Alam kong naalala mo yung sinasabi ko kasi kelan lang nakita mo yun. Ikaw naalala parin kita. Pero bakit ikaw? Bakit ikaw? Hindi mo na ako maalala? Simula nung nakita ulit kita sa bar kung saan hinalikan kita tuwang tuwa ako, pero nasaktan ako na makitang parang kahit anong bakas na naalala at nakilala mo ko ay wala. Diba nangako tayo sa isa't isa noon? Na tayo lang dalawa hanggang sa ikasal tayo pareho? Pero nakalimutan mo ko Steph. Sa totoo lang walang nangyari sa atin noon, nirerespeto kasi kita. Pinatulog lang kita at dahil sa sobrang lasing mo halos wala ka ng maalala." Huminto siya para tignan ako mabuti sa mga mata ko. Naiiyak na ako, paano ko pa pipiliin yung makakapag pasaya sa akin kung noon palang ay may nasasaktan na pala ako?

"Steph, mahal na mahal kita. Hindi mo ba ramdam yun? Sa lahat ng pinapakita at pinaparamdam ko hindi mo man lang ba naalala yung Lan sa buhay mo noon? Kasi tangina Steph, ang sakit isipin na yung taong mahal na mahal mo noon palang wala ng kaalam alam kung sino ka ngayon. Masakit, at mas lalo pang sumakit dahil sa nakita ko kagabi, nakita ko kayong magkasama, mula nung nasa tapat palang kayo ng Black Gem, nakita ko na kayo non. Nakita ko kung paano ka magalala kung pano ka nag-react nung nakita mo siyang nakahandusay, at nakita ko sa mata mo kung gano ka kasaya na malaman na mahal ka ni Steve. Lahat tumagos sakin yun. Masakit. Sobrang sakit Steph lalo na nung iniwan mo ko sa kotse mag-isa ni hindi mo ko pinansin, ang nasa isip ko noon baka siya na talaga at talo na ako, pero andito parin ako sa tapat mo sinasabi lahat, dahil baka mawalan na ako ng tyansang sabihin sayo kung gaano kita kamahal."

Naiiyak ako sa mga nalalaman ko ngayon, alam na niya pala na mahal ko si Daryle, pero bakit ganito? Nahihirapan ako lalo. Niyakap na niya yung hita ko kasi naka-luhod parin siya at nararamdaman ko na yung pag-iyak niya, kaya naiyak na talaga ako at pinapatayo siya pero wala, umiiling lang siya.

"Please Steph, just one last chance. Let me love you even if you love someone new. Just let me, please? Last na to. Kung si Steve parin talaga after lahat ng ipapakita at ipaparamdam ko sayo sige susuko na ako at ipapaubaya at papakawalan na kita. Please Steph? Isang beses na lang. After this kung walang wala na talaga, I'll stop loving you." Masakit man, pero I think I need to give him this chance para makuntento na talaga siya na naparamdam niya sa aking mahal niya ako. I'll enjoy those days with him but like he said, kung wala talaga kailangan kong sabihin yun sa kanya para malaman niya kung kailangan na ba niyang huminto at bitawan ako. So I think this should be the right answer for now.

"Yes, Dylan I'm giving you the chance you're asking for. But promise me, that after this chance whatever happens, both of us will be happy. Can you promise that Dyl?" Nginitian naman niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I promise. At hinding hindi ko sasayangin tong last chance na to." Napangiti ako, pero napalingon ako ng diretso nung may naaninag akong anino sa may bandang gate. Sht Daryle? Napahiwalay agad ako kay Dylan.

"Dylan, si Daryle nakita ko. Siya ata yun, please I'll just talk to him." Nginitian niya lang naman ako kaya napatakbo na lang ako sa labas and there I saw him walking alone and slow.


The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon