Chapter 2: Meet the Girl-Hater

130 9 0
                                        

STEVE'S POV

Tsk, bakit ang aga ko nagising? 5:45 palang. 8:00 pa ang first class ko. tsk. Makaligo na nga lang.

After kong maligo ay, ginawa ko narin ang iba pang morning rituals ko, hanggang sa naisipan kong bumaba na para kumain ng agahan. Maaga pa naman eh.

“Mom, may breakfast na?” tanong ko habang pababa ako ng hagdanan.

“Anak?, oo meron na. Ang aga mo ata ngayon? Tara, kain ka na.” sabi ni mom.

“Maaga pong nagising eh, di narin po kasi ako makatulog kaya nagready nalang po ako para pumasok.” Ngiti na lang ang iginanti niya sa akin.

Pagdating sa Mom ko, madaldal ako. Kahit sa barkada ko kasi eh minsan tahimik lang ako. By the way, ako nga pala si Steve Daryle Montesillo. 19 years of age, second year college.

Tahimik lang naman kaming kumain ni Mom ng inihanda niyang breakfast which is Bacon and eggs with pandesal and hot choco. Hindi mahilig si mom sa heavy breakfast kaya bread lang yung hinanda niya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam naman akong papasok na ako, kaya dumiretso na ako sa garage para kunin yung kotse ko.

Habang papunta naman ako sa garage eh tinext ko na sila Ivan, Miko at Stephen na pumasok na para sabay sabay kaming makarating. Kapit bahay ko lang naman sila kaya makikita rin nila 'tong kotse ko kung sakali.

Umalis na ako para makapunta na ako ng unoversity. Ang bilis ng oras. Kanina 6:42 palang ngayon eh 7:02 na. 58 minutes na lang eh malalate na ako.

Pagkarating ko naman sa university ay hindi ko na hinintay sila Miko. Malelate na kasi talaga ako. Kaya nagmadali nalang akong maglakad. Buti na lang at pagkarating ko sa rom ay wala pa ang prof. Yun nga lang pagpasok ko eh ang siyang simula ng pagtili nila, dahilan para mabadtrip ako ng kaunti. Kaya lahat sila ay tinignan ko ng masama. Tumahimik naman sila.

Tinapos ko ang klase ko sa umaga at vacant ko na ngayon,  habang naglalakad ako sa corridor ay may biglang sumigaw.

“Bro!” pagtawag sa akin ni Ivan.

“Oh?” Maiksing sagot ko

“Tara, kain tayo. Nagugutom na ako eh.” sabi niya. kaya pumunta kaming canteen. kakaapak palang namin sa dloor ng canteen ng nagsimula silang sumigaw.

“KYAAAAHHHH!!!”

“I LOVE YOU STEVEEE!!!”

“ANG GWAPO NIYOOONG LAHAAAATT!!”

“Sheeeezz! Ang ingay talaga nila.” iiling iling na sabi ni Miko

“Will you freakin' shut your mouths!!” Sumigaw na ako, ang ingay talaga ng mga babae. I hate them -_-. Natahimik naman sila ng sumigaw ako.

“Bro, order niyo na lang ako. Maghahanap ako ng table natin.” sabi ko at tumango lang naman sila.

Pumila na sila at naghanap naman na ako ng table na pwede namig upuan, buti na lang at may nakita agad akong bakante na sakto lang sa amin. Sakto lang ein dahil dumating na agad sila Ivan dala yung tray ng pagkain namin. Kumain na kami, pero habang nasa gitna kami ng pagkain ay may biglang lumapit sa amin.

“Hi guys!” Ano naman bang gimagawa ng babaeng to dito? Tsk.

+____+ I'm giving her a death glare now.

“Ahhhmm. Joyce, pwede umalis ka na? baka masaktan ka lang dito eh.” sabi ni Ivan

“Oh, yeah. If looks could kill, I'd be dead right now. Well seems like di na nya ako mapapatawad.”

IVAN'S POV

Kakatapos lang ng sembreak namin. Ang iingay ng mga babae kanina. tapos ito pang si Joyce nandto. -_- Nakakastress ha. Naku nababawasan na yung kagwapuhan ko ng 0.0001%, pero pogi parin ako. Haha!

Ako nga pala si Ivan Daniel Javier 19, second year college. Certified playboy ng barkada. Kabarkada ko yang si Steve.

“Oh, yeah. If looks could kill, I'd be dead right now. Well seems like di na nya ako mapapatawad.” Asar din tong babaeng to eh. Wala na ngang nagbabanggit sa amin niyan eh. grr!

*baag!*

Inihampas ni Steve yung coke in can nya sa table. Joyce flinched. Tinignan niya si Steve tapos tyaka siya nag-lakad paalis.

“Damn her!” gigil na bulalas ni Steve.

Nakakainis talaga yung Joyce na yun. Bakit ba kasi nilapitan pa niya si Steve eh, ayan tuloy umalis. Tsk.

Pinili naming tapusin muna namin ang pagkain namin. Hindi naman sa wala kaming pakeelam kay Steve. Talagang pag ganiyang galit siya eh mas gusto niya yung nagiisa kaya hinayaan muna namin siya at tinapos ang pagkain.

Pagkatapos naman namin kumain ay sinimulan na namin ang paghahanap kay Steve.

Sinimulan namin sa mga abandoned rooms ng university, pero wala siya. Sinunod naman namin yung rooftop pero wala parin siya. Nagsimula narin kaming magalala dahil ginamit n namin ang mga charms namin pero wala kaming nakalap na inpormasyon kung nasaan si Steve.

Tinuloy tuloy namin ang paghahanap kahit may klase at pagod na pagod na kami, nagaalala kàmi syempre

Sa tagal naming naghahahanap. at last nakita na namin siya, sa likod ng school at pinagsusuntok yung pader.

The OppositesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon