A/N:
Hi guys, sorry kung nad-delay delay yung pag-update kahit na summer na. Nakakalimutan ko kasing mag-type kaya ayon. Nal-late. Wala na kasi akong advance typed chapters. Bihira ko na lang gawin since nung ginawa ko yun lagi namang nawawala yung files ko -_-. So yun, may announcement ako kaya ako nag-author's note. Doon kasi sa chapter 46 kung tama yung pagkakaalala ko may nabanggit ako na pang-spoil sa inyo at sinabi kong more than 5 chapters pa tong story na to, well mukhang mapapaikli yung kwento. Hindi naman sa tinatamad ako, pero narealize ko lang habang tinatype ko tong chapter 48 na yung ibang plinano ko na chapters eh madadaanan din naman sa naunang chapter na plinano ko. So I decided to cancel out some chapters that's not needed, and yun umikli yung chapters. So I guess this story is really close to end. And I'm very excited. Hahahaha, hindi ko alam kung may excited ba sa inyo, o kung may nagt-tyagang basahin tong gawa ko. But anyway thank you. Nakakatuwa na mayroong nagc-comment dito kahit papaano asking kung kailan ang next update, nakakagana kasi mag-type, kapag ganon. I'll try my very best to finish this story this summer. Short update lang to, pasensya na. Enjoy reading this chapter.
Chapter 48: Fiance
DYLAN'S POV
It has been almost a month since she woke up from her comatose state. At ang saya saya ko simula ng mangyari yon. Our relationship seems to be stable at this rate. Mas malambing siya ngayon at mas lalo kaming nagiging okay. And this day? Oh this is our Engagement Day. Mamaya magaganap ang pangyayari na pinakahihintay ko. I know this will sound unfair, dahil hindi pa naman fully recovered si Steph, at may mga bagay pa siyang hindi naaalala. Pero dito siya masaya eh. Sabay kaming nagdesisyon na pasukin ang susunod na yugto ng aming buhay. Ang pagpapakasal.
"Ano ba bro? Kanina ka pa namin tinatawag hindi mo kami pinapansin. Mukha kang tanga diyan na nakangiti mag-isa."
"Pagbigyan mo na Derrick, sobrang saya lang niyan kasi alam mo na, mamaya na ang engagement party nilang dalawa."
"Sabagay tama ka diyan Jake, pero kasi naman. Makangiti. Akala mo wala ng bukas." Ang lalakas mang-asar ng mga 'to. Pero sa totoo lang? hindi ko alam na nakangiti na pala ako mag-isa kakaisip sa kanya. This is like a dream. At kung panaginip man ito? Parang ayaw ko ng gumising pa, dahil ito na ang pinaka masayang panaginip na nangyari sa akin.
"Isa pa talaga Jake kukutusan ko na 'tong si Dylan eh!"
"Ang ingay mo Derrick ha, kanina ka pa."
"Ano namang pake mo Kyle? Maingay talaga ako wala kang magagawa." Kahit kailan talaga napaka-kulit ng mga to. Masaya lang ako na kahit anong mangyari, kahit nagsimula lang kami dito sa banda ay naging magkakaibigan talaga kami at walang nagiiwanan sa amin. Sana magtuloy tuloy na lahat ng magagandang nangyayari ngayon sa akin.
*
It's 8:30 pm. Ito na yung oras na pinakahihintay ko. Ang engagement party namin ni Steph. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, nagawa ko naman na 'to sa harapan niya. Kaya nga ito oh, may engagement party kami. Pero the thought na ipapaalam namin ito sa karamihan? Doon ako kinakabahan. Sanay naman na akong humaharap sa maraming tao, pero yung ganitong pagkakataon? Na kasama ko yung taong mahal ko na ipakikilala sa harap ng maraming tao? Iba sa pakiramdam. Nakakakaba na nakakatuwa. Ang bakla man pakinggan ng pinagsasabi ko pero wala eh, ito yung nararamdaman ko.
"Get ready iho, maya maya bababa na yung soon-to-be bride mo." Sabay tapik sa balikat ko ni Tito Ford. Nakakatuwa dahil sinusuportahan nila ako para sa anak nila. Ang sabi pa nilang mag-asawa sa amin ni Steph. "Kung saan masaya ang anak namin, doon kami. Kaya paka-ingatan mo siya." At gagawin ko yung sinabi nila. I'll treat her like a queen, serve her like I'm her butler, and love her endlessly. Lahat gagawin ko mapasaya lang yung taong mahal ko.
"Let's welcome the lady that's one of the reason why we all gathered here. Our soon-to-be Mrs. Quijano!" napapitlag ako sa introduction na iyon ng emcee at napalingon sa hagdan kung saan bumababa ngayon ang aking soon-to-be-wife na si Steph. Ang ganda niya talaga. Kahit simpleng gray na mermaid gown ang suot niya napaka-ganda parin niya.
"Now let's call out for Mr. Dylan Quijano."
"Tonight, we will witness a very special happening in their lives. Tonight will be the night where in a new chapter of their lives might begin. And to announce everything about this special night may we call on Mr. Ford Sy."
Standing beside her makes my knees tremble and makes my heart beat faster. Para akong highschooler pero bakit ba? Ganon talaga yung nararamdaman ko eh, pinaghalong kaba at saya.
"Ayos ka lang Lan? Ang tahimik mo." Sabi nito sakin.
"Ayos lang ako Tep. Masaya lang talaga ako kaya ako ganito." At tyaka naman niya ako nginitian ng matamis. One of the most beautiful smiles I've ever seen. Hindi kami nagtatawagan ng kung anong sweet na call signs. Kuntento na kami sa nickname namin nung bata kami, at mas natutuwa kami roon.
"Tonight, I say that this man beside me will marry my daughter. At first we find it quite fast to have this kind of ceremony. But my daughter is happy about this, and she wanted this. So we gave her what she wanted and supported her. Tonight, will be the start of the process where in they might become as one after all of the preparation they will do. Let's have a toast for our future husband and wife... Cheers to everyone!" And that's how his speech ended. Hindi ko na napakinggan yung mga naunang parte ng sinabi niya. I was busy looking at her. My one and only, the girl that I loved the most, the one, and whatever thing that I can call her. She's my life and my everything. I'm very happy to have her beside me, smiling. She's happy that she's with me, and I'm contented. It's all that I've been asking for.

BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...