Chapter 43: A Night Worth Having For

36 1 0
                                    

A/N: Sorry guys at after 21 days pa ako nakapag update. Mahaba haba naman tong update ko na to so sana magustuhan niyo :) Medyo matatagalan ulit yung update nito kasi uuwi kami ng province for Christmas vacation so yun. Enjoy reading this chapter. Merry Christmas :)


Chapter 43: A Night Worth Having For

STEPHEN'S POV

Malapit na, sht. Bakit ba ngayon ko lang naalala? Rush preparation to. Next week birthday na ng kapatid kong si Steph syempre. Argh. Makapag-gm na nga lang na pumunta sila dito sa bahay. Wala naman si Steph eh kasama ni Mommy.

Siguro after two hours andyan na sila, kanya kanya pang upo sa sofa. Mukhang hindi din nila naalala kung anong meron next week. Ang baliw din ng mga to eh. Parang ako nakalimutan ko din eh hahahahaha.

"Pre ano bang meron at pinapunta mo kami?" tanong ni Ivan

"I guess hindi niyo din naalala tulad ko. Hays" Sabi ko at napa buntong hininga pa ako. Dapat magawa namin to ng mabilis at maayos.

"Ano ba yun?" Tanong naman ni Elijah sa akin.

"Birthday ni Steph next week. Hindi niyo rin ba naalala?" Sabi ko sa kanila. Sabay sabay naman silang napamura at yung iba napa-hawak sa batok. I guess nalimutan nga naming lahat.

"Oh ano ba ng plano niyo para sa kanya?" Wait--- Sht. Si Steve andito, sakto. Sana lang hindi kami maabutan ni Steph dito kundi makikita niya si Steve.

"Gago ka Steve. Ba't ka andito ha?" Sabi ni Alys na ikinagulat ko.

"Whoa, anong meron?" tanong naman ni Steve kay Alys

"Anong meron? Nung isang araw sa mall may kasama kang babae, nakita ni Steph yun. Kitang kita ko sa mukha niya kung paano siya nasaktan nun." What?

"Ha? Paano mo nakita Alys? Wala namang ganong nangyari ah. Tyaka ako naman yung kasama ni Steph nun hindi ikaw." Biglang sabat ni Joyce

"Gaga ka kasi, mas inuuna mo pa yung pizza mo bruha ka. Andun din ako, may sinamahan lang ako" Inis na sagot ni Alys sa kanya. Bigla namang napatawa si Steve.

"Why do girls conclude so much? The girl you're talking about? She's my cousin. How come that she would be my girl then?" Sabi ni Steve at natahimik naman si Alys at tumango kay Steve.

"Aba naman pare, nawala ka lang ng isang buwan mahigit englisero ka na. hahahahaha." Sabi ni Miko kay Steve. Loko talaga to hahahaha

"Ewan ko sayo. So ano na ngang plano niyo para kay Gale?" sabi ni Steve sa amin. I guess magiging maayos at masu-surprise talaga tong kapatid ko sa birthday niya

*

3 days before Steph's birthday...

"Oo, yun nga yung sinasabi ko sayo. Yung arch nga ng balloons yung tinutukoy ko para sa entrance. Remember the motif color silver and purple." Hays, naayos na din yung mga balloons para sa birthday ni Steph. It's not her debut but her 20th birthday. Sobrang hilig kasi nun sa balloons kaya pinlano namin na sa entrance merong arch ng balloons agad tapos pagpasok sa loob merong fog machine para foggy sa sahig banda tapos may balloons ding naka-kalat na color silver at purple.

"Stephen!" Napalingon naman agad ako dun sa tumawag ng pangalan ko.

"Oh? Steve?" Sabi ko naman. Unexpected na andito siya. Baka bigla na lang dumating si Steph at makita siya.

The OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon