STEPH'S POV
Oh my god! Kinakabahan na ako. Shet lang talaga. Contest jitters! Although may 9 hours pa naman bago ang contest. Kakagising ko nga lang eh pero kabang kaba na ako. Jusko naman kasi diba?! Ay, grabe basta kinakabahan ako pesteng buhay!
"Anak, baba na kain na tayo." Tita Amanda is calling me anak. It's fine with me.
"Okay po, sandali lang po." nagmorning rituals muna ako bago bumaba, pero mamaya pa ako maliligo. Pagkadating ko sa baba eh wala na si Kuya.
"Tita, si kuya po?" tanong ko.
"Ah, may pasok. Ikaw lang naman ang exempted hindi ba? Mamayang gabi na ang contest niyo." sabi ni tita. Oo nga pala, lahat ng contestant exempted para sa preparations.
Kumain naman kami ng tahimik. Pagkatapos naman ay agad kong hinatak si Tita sa kwarto ko.
"Ano ba anak, te-teka mapapatid ako." Hindi ko siya pinansin dahil nasa tapat na kami ng kwarto ko at hinatak ko siya sa loob.
"Waaahh!!! Tita!, help!! Kailangan ko ng cocktail dress para sa introduction. Ang hirap pumili." Ngumiti naman siya sa akin at hinatak niya ako sa walk-in closet ko.
"Ano bang arrangement ng events? Ako ng mamimili ng lahat." napangiti naman ako.
I. Introduction
II. Talent Portion
III. Question and Answer
IV. Long gown ramp
V. Announcement of winners
Sinabi ko kay tita yang limang part ng contest.
"Ito ija. Orange tube cocktail dress with black detailing ang isuot mo sa introduction. Para mangibabaw ang puti mo. Gabi na noon hindi ba?." nakatingin lang ako kay tita.
"Sa talent portion naman, kakanta kayo hindi ba? Itong royal blue na lang na fitted dress ang isuot mo tyaka ka magflats para mapahinga naman ang paa mo sa heels. Para hindi narin masyadong OA." Ang galing niya lang mamili.
"Question and Answer naman, iisa lang sa Long gown ramp niyo, irarampa niyo lang siya doon. So itong Pink lemonade na lang na long gown with silver detailing parteran mo ng white stilettos. Done!" masiglang sabi ni tita. Napayakap naman ako sa kaniya.
"Thanks po. Wee! You're an expert! Samahan niyo po ako sa salon? O kayo na lang ang mag-aayos sa akin?" nabigla at siya sa sinabi ko.
"Y-you'll let me---"
"Of course tita. Mamaya na lang pong after lunch at magreready lang po ako at maliligo." sabi ko ng nakangiti and she left my room.
BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
