Kindly read the author's note after this chapter :)
Chapter 52: I love you
STEPH'S POV
"Steph bakit nakatulala ka lang diyan? Tara na maglunch na tayo."
"Ay, sige susunod na ko."
"Bilisan mo ha?"
Seeing them running to the restaurant, it makes me smile. Nakakatuwa na magkakasama kaming lahat ulit. Nandito na kami sa resort nila Miko, ang ganda dito. Merong swimming pools at beach so you can choose kung saan mo gusto. Wedding gift na daw ni Miko sa amin tong outing naming magbabarkada. Natawa nga kami nung sinabi niya yon kasi wala naman siya talagang gagastusin dito.
"Baby? Tara na." nginitian ko lang siya tiyaka naman niya ako inakbayan.
"Alam mo ikaw, napapadalas na yang pagkatulala mo ha, may iba ka bang iniisip bukod sakin?" natawa naman ako at tinitigan ko siya, hindi na maipinta ang mukha. Unti unti ko siyang nilapitan tiyaka ko siya hinalikan sa pisngi. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko, kaya natawa na naman ako tiyaka tumakbo papunta sa restaurant kung nasaan sila Joyce.
"Oh bakit ka tumatakbo?"
"Wala lang, tara kumain na tayo" sagot ko at napatawa ng konti. Bakit kaya ganon yung reaksyon niya? Hay nako.
Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan namin na mag-ikot ikot muna tapos mamayang gabi mags-swimming kaming lahat. Ngayon kasama ko yung asawa ko. Nakahiga kami sa duyan na nasa beach. Yakap yakap lang niya ako, habang ako nakatingin sa kaniya, tinititigan ko yung mukha ng lalaking mahal ko. Yung lalaking muntikan ng mawala sa akin ng tuluyan. Sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana. Puno ng pagsubok, para makita kung kaya niyo ba talaga.
"Gale..."
"Bakit Daryle?"
"Nothing, I just miss you baby." Sira talaga to, namimiss ako eh lagi naman kaming magkasama.
"I miss you too" nginitian niya ako tiyaka niya ako hinatak papalapit, naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo. How sweet can he be?
"Naalala mo ba yung akala mo pinabayaan na kita sa contest?"
"Oo naman, hindi ka kaya nagpaparamdam non. Pinagalala mo lahat. Bakit ano meron doon?"
"Sa tingin ko doon nagsimula."
"Nagsimula ang alin?"
"Sa tingin ko doon nagsimula na magustuhan kita. Nag-usap tayo non diba? Kung bakit hindi ako nagpaparamdam. Doon ko nakita na, hindi ka lang pala puro sungit. Na kaya mo palang makinig at tumulong sa iba."
"Nagsalita ang hindi masungit" sabi ko naman sa kanya. Daig pa nga niya ako kung makapagtaray
"Seryoso kasi. You were so beautiful that night."
"Ah, so ngayon hindi na?"
"You'll always be the most beautiful girl in my eyes Gale." With that natameme ako. Bihira lang kasi akong makakuha ng compliment dito, daig pa nito ang bato noon. Ngayon napupuri niya na ako? Hahahaha.
"Oh anong nakakatawa?"
"Wala, parang dati lang kasi ang sungit sungit mo. Ayaw mo pa ngang lumalapit sa kahit na sinong babae. Tapos ngayon tignan mo, asawa na kita. Asawa ko na yung lalaking bato, at daig pa ang babae sa sobrang sungit"
BINABASA MO ANG
The Opposites
Teen Fiction"Boys are for my personal entertainment, I'll never get serious with them." -S.G.S. "Girls are damn annoying and loud, and I hate them." -S.D.M. Posible ba na sa kabila ng kabaligtaran nila eh magkaroon ng parehas? Parang the feeling is mutual lang...
