Chapter 6: Fairy Godmothers

985 65 3
                                    

Chapter 6: Fairy Godmothers

It's Friday.

Tulad ng mga nakaraang araw, pagkatapos nang lahat ng klase ko ay nagmamadali akong umuwi ng boarding house. But this time, I was really running late dahil 5:15 na nang hapon. Dinatnan ko si Hazel na halos handa ng umalis.

"Hazel, sorry! May pina-photo copy kasi akong book at hindi ko namalayan ang oras," sabi ko habang inilalapag ko ang bag ko sa higaan ko. Ang hirap talaga na walang sariling libro. Kapag kasi may ibinigay na assignments or projects ang prof namin ay kailangan ko pang pumunta sa library at magpa-photocopy. Kaya nga pangako ko sa sarili ko na ang bibilhin ko sa unang sahod ko ay mga libro.

"Okay lang, Cindy. Pero bilisan mo na kasi baka ma late tayo," she said.

Tumango ako at mabilis kong binuksan ang butones ng blouse ko pagkatapos ay hinubad ko na iyon at ang skirt ko. Halos magkapatid-patid pa ako sa pagmamadali. But the good thing is wala pang fifteen minutes ay nakabihis na ako.

"Haze, tara na," I said habang isinasabit ko sa balikat ko ang backpack ko. " Sa jeep nalang ako magre-retouch ng make up."

Tumayo siya at isinabit na rin niya sa balikat niya ang kanyang shoulder bag. Sabay kami na lumabas ng boarding house at nag-antay ng jeep. Hindi naman nagtagal ay nakasakay na kami. Sinulyapan ko ang wristwatch ko and it said 5:37. Kung hindi kami maiipit sa traffic at kung hindi matakaw sa pasareho si Manong Driver na hihinto sa bawat kanto kahit wala namang nag-aabang ay sigurado na hindi kami male-late.

I sighed and I remembered that I need to retouch pa pala. Baka malate na kami ng tuluyan tapos mukha pa akong busabos ay lalo akong mapagalitan. Binuksan ang bag ko at kinuha mula dito ang isang compact mirror to check kung mukha pa ba akong presentable o hindi na. And I was right mukha nga akong busabos. Medyo magulo ang buhok dahil may ilang strands na tumakas mula sa pagkakaipit. Para ring may nagpahid ng floorwax sa noo ko dahil sa sobrang kintab. And darn, may dumi pa ako sa mata! Kahit pa sabihin na luha iyon na natuyo ay nakakahiya pa rin sa mga nakapansin.

Sinulyapan ko ang mga pasahero ng jeep. They were all busy doing their things and looking somewhere else. Kahit si Hazel ay sa cellphone niya nakatuon ang atensyon.

Pasimple akong tumagilid at gamit ang index finger ko ay inalis ko ang dumi. Pagkatapos ay kinuha ang ang panyo ko at pinunasan ko ang nangingintab kong mukha. I applied a little bit of powder and lipgloss. I couldn't do much with my hair dahil sakay kami ng jeep kaya inipit ko nalang sa likod ng tainga ko ang mga takas na hibla.

Nang makontento na ako kahit paano sa itsura ko ay ibinalik ko na sa loob ng bag ko ang salamin.

Few minutes later, ay bumaba kami sa harap ng cafe. Thank God, we were not late. Pero nang makalapit na kami sa entrance ay napakunot ako ng noo dahil when I saw the 'Close' sign hanging at the glass door of the cafe.

"Bakit sarado 'to?" I asked Hazel na tulad ko ay nakakunot din ang noo.

"Hindi ko alam," she answered as she fished her phone from the pocket of her slacks. "Iitetext ko si Gail."

Tumango ako. Naging abala si Hazel sa pagta-type ng message sa cellphone niya nabang ako naman ay lumapit sa may pinto. Sumilip ako sa loob ng cafe pero wala akong nakitang tao at madilim din sa loob. I even tried to open the door but it was locked.

"Hay naku Cindy! Sabay daw na nasira yung dalawang espresso machine kaya nagdecide si boss na magsara muna today. Baka daw hindi natin ma-accomodate ang mga customer kung isang machine  lang ang gumagana. Ang sabi ni Gail ay nagtext daw siya para ipaalam kanina sa akin pero wala naman akong narecieve."

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon